Chapter 40

36 4 0
                                    

Pinagmasdan ko ang mga video na ni-send sa akin ni Lei nung mini concert kagabi. Kakagising ko lang at ewan ko ba kung bakit mas inuna ko munang mag-cellphone kaysa ang bumangon. Tinanghali na nga rin ako ng gising kasi anong oras na rin ako nakatulog kanina.

Pinanood ko yung mga video na kinunan niya at halos matawa ako nang marinig ko ang sarili kong boses. Nakatutok nang diretso yung camera niya roon sa may banda lang mismo at nakakatuwa na iyon pala ang ginagawa niya kagabi.

Nag-swipe pa ako at nakita ko rin na kumuha rin siya ng litrato at napakagat na lang ako sa labi nang mahinto ako sa litrato ko. Bakit may litrato ako rito? Hindi ko alam na kinuhaan niya na pala ako kagabi? Naka-side view yung angle ko roon at bahagyang nakaangat yung ulo habang nakangiting nakatingin doon sa banda.


Lei Faulkerson

Dale: gagi, kuha mo 'to? 😭

Dale: sayang dapat sinabihan mo 'ko, edi nakapag-pose pa sana ako. eme.


Lei: Sorry for taking you picture without your permission. I just find you pretty there and couldn't help myself to take you a picture. But, don't worry, I'll delete it if you want.

Dale: hahahahaha nakakahiya pero okay lang. sanay naman akong kinukuhaan ng picture nang hindi ko alam

Dale: kung kakalikutin mo lang ang cellphone ng mga kaibigan ko, marami akong stolen pics doon. ano oras ka pala nakauwi kagabi?

Lei: Quarter to one. How about you? What time did you sleep?

Dale: mga one-thirty na ata. hindi ko sure e. actually, kakagising ko lang ngayon

Lei: Really? Then you should eat.

Dale: okie

Pagkatapos kong makipag-chat sa kaniya ay saglit muna akong nakipag-kwentuhan sa mga kaibigan ko. Uuwi rin daw sila rito pagtapos ng pasko kasi rito sila magce-celebrate ng bagong taon.

Grabe, ang bilis ng panahon. Magpa-pasko at magba-bagong taon na agad samantalang parang kahapon lang ay first day of class lang tapos next year, second semester na kami.

Hanggang ngayon ay sobrang natutuwa pa rin ako sa naging experience ko kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwala na na-experience ko iyon. Tapos yung mga naging pag-uusap pa namin ni Lei kagabi.

Gusto niya akong ligawan pero lagi kong tinatanong sa sarili ko kung handa na ba ako. Pero kahit pa itanong ko 'yon sa sarili ko ng ilang beses, alam ko naman ang isasagot ko. Hindi pa. Hindi pa ako handa. Siguro kapag ayos na ulit ako.

"Anong oras ka nakauwi kagabi? Hinatid ka ba ni Lei rito kagabi?" Tanong ni Mama nang makalabas ako sa banyo para mag-hilamos at mag-sipilyo.

"Alas dose na. Hinatid niya rin ako pauwi." Sagot ko sa kaniya at hindi ko alam kung bakit bigla siyang napangiti kaya napakunot naman ang noo ko.

"Pogi yung batang 'yon, 'no? Tisoy e. Marami sigurong nagkaka-gusto sa kaniya sa school niyo. Talaga bang kaibigan lang kayo?" Umasim naman ang mukha ko sa mga sinabi ni Mama.

"Ma, naman!" Natatawang suway ko sa kaniya at hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko kaya natawa rin siya.

"Sus, bakit natatawa ka? Siguro gusto mo siya, 'no?" Tukso niya pa sa akin kung kaya't mas lalo pa akong natawa at napailing na lang sa kaniya.

When I Met You Book:1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon