Chapter 10

50 3 0
                                    

Hindi muna ako umalis dito bagkus ay nagtagal pa ako rito. Pagkaalis ni Lei ay napatulala na lang ako at tila nagsimulang lumalim na naman ang pag-iisip. Napatingin ako sa cellphone ko para malaman iyong oras kaya nung nakita ko na malapit na ay tumayo na ako sa bench at umalis doon.

Nung mapapadaan ako sa gym, hindi ko alam kung hihinto ba ako o magdi-diretso na lang. Pero tila may sariling isip iyong mga paa ko kaya nung nasa harap na ako ng gym ay bigla na lang akong napahinto.

Nakita ko na lang iyong sarili ko na tila may hinahanap. Tsk. Magsi-sinungaling pa ba ako? Oo na. Kahit papaano ay gusto ko pa rin siya makita.

Nagtago lang ako sa may gilid at sumilip. Napatingin ako roon sa gawi nila kung saan madalas silang nakapuwesto. Walang tao sa gym ngayon kasi bawal pumasok doon kapag break time. Depende na lang kung isa ka roon sa mga kasali at nagpa-practice.

Madalas din kasing tumambay iyong sila Blake rito kapag break time kaya napakunot ang noo ko nang makitang mag-isa lang si Kiyo at tila nagliligpit ng gamit. Pinagmasdan ko siyang matapos at maglakad palabas.

Habang papalapit siya ay nangunot ang noo ko nang makitang may bangas iyong mukha niya. Napaayos din agad ako nang tayo at alam ko naman kung sino ang may gawa no'n kaya umalis na ako agad bago niya pa ako makita.

"Saan ka galing?" Tanong ni Isaac nang makapasok ako sa room. Medyo marami na rin kami rito sa loob at pakiwari ko ang iba ay nasa cafeteria pa.

"Diyan lang." Tipid na sagot ko na lang at hindi na sila pinansin pa. Parang kahit sila naman ata ramdam din na ayaw ko silang pansinin lalo pa at alam kong si Randy din ang may gawa no'n kay Kiyo.

Dahil nga tumatakbo ang oras, mabilis na natapos ang buong klase at uwian na.

"Sakit ng ulo ko!" Reklamo ni Mark habang naglalakad kami papuntang parking. "Puwede bang um-absent bukas?"

"Sige lang, kung saan ka masaya. Basta huwag mo kaming tatanungin kung ano yung mga pinagawa." Sagot ni Race sa kan'ya.

"Randy, kayo ba may gawa no'n kay Kiyo?" Seryosong tanong ko kay Randy nang makalabas na kami sa school.

"Tama lang 'yon sa kan'ya." Hindi ko alam pero parang bigla akong nainis sa sinabi niya.

"Bakit mo pa ginawa 'yun?" Hindi ko na napigilan ang boses ko kaya napataas. "Pinagtulungan niyo ba 'yon?"

"Bakit ba pinagtatanggol mo pa yung gago na 'yon?" Dinig kong pagsingit ni Jethro kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Kung hindi ko pa suntukin sa mukha 'yon, e baka hindi na magtanda 'yon." Seryoso namang sagot ni Randy.

"Proud ka pa?" Galit na tanong ko. "Bakit kasi hindi niyo na lang kami pabayaan?"

"Pabayaan? Naririnig mo ba yung sarili mo? Gusto mong pabayaan ka naming makita na umiiyak sa tarantadong 'yon?" Animong nagtitimpi ring tanong ni Jethro.

"Huwag mong sabihin na mahal mo pa 'yun? Baka nakakalimutan mo, pangalawang beses ka nang niloko no'n." Seryoso pang sabi ni Randy.

Iyong tatlo ay tahimik lang at pinapanood pa kami na magsagutan.

"Ang hirap kasi sa inyo, masyado kayong nangingialam. Akala niyo ba nang dahil sa ginawa niyo ay maso-solusyunan niyo yung problema namin? Mas lalo niyo lang dinadagdagan. Hindi kayo nakakatulong." Sunod-sunod na sambit ko habang seryosong nakatingin sa kanila.

Napatingin lang sila sa akin at ilang minuto silang hindi nakasagot. Tila hindi pa nagsi-sink in sa utak nila iyong mga sinabi ko. Ilang sandali pa ay biglang napatawa nang sarkastiko si Randy.

"So, kami pa ang masama ngayon? Hindi mo ba nakikitang pino-protektahan ka lang namin?" Sarkastikong sunod-sunod na tanong niya.

"Gan'yan ang depenisyon mo ng pag-protekta? Thank you ha. Thank you." Sarkastikong usal ko.

When I Met You Book:1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon