"Ano nangyare sayo?"
"Wala, wag mo nga akong pansinin" saka ko siya tinalikuran at nagayos.
"Saan kaba galing? kanina kapa hinahanap ni sir. Ano ba naman yan Jaz! simula noon hanggang ngayon late ka parin"
Nagmadali ako sa pagayos habang sinusuway ko si Lex, mamaya mapansin nanaman ako ng boss ko.
"Alam mo bang kailangan na yang pinapagawa sayo ni boss. Naayos mo na ba ang financial statement ha? "
Sinabunutan ko na tuloy, simula noon hanggang ngayon madaldal padin siya. Hindi ko alam bat naging kaibigan ko tong babaeng to magkaibang magkaiba naman kami.
Hinanap ko yung files na kailangan ko ibigay sa boss ko. Hindi kona pinapansin si Lexia bahala siya matuyo lalamunan niya. Tada! Nahanap ko rin.
Dali daling lakad takbo ginawa ko papunta sa office ni Sir. Rinig na rinig ko sigaw ni Lexia, sabay hila ako sa kabilang office.
"Wala dyan si Sir. Asa conference siya may kameeting siya ghirl, alam mo bang napaka pogi niya ahhh"
Umiral nanaman kalandian netong babaeng to tinapik ko siya. Paano ba naman papaanak na raw. Kahit kailan talaga e.
"Alam mo ghirl, maiinlove ka kapag nakita mo talaga siya as in. Ewan ko lang ha pero baka hindi ka matamaan, kahit anong pogi ata sa harap mo wala e. Tomboy kaba? o broken ka lang?"
Oo nga pala hindi niya pa alam yung past ko, ayoko ng maalala pa. Sinabi ko nalang na umalis na siya at papasok na ako.
Kakatok palang sana ako, kaso biglang bumukas ang pinto. Muntik na akong mapasubsob sa sahig, umayos ako agad ng tayo.
Magsosorry na sana ako sa nabangga ko. Pag angat ko nagulat ako sa nasa harapan ko.
"Jaz,"
Ang boses na yon, alam ko kung kanino yon. Alam na alam ko, naaalala ko parin lahat.
Binalewala ko, humarap ako sa kanya na parang walang nangyari.
"Ms. Topinio your here already, sana mas pinalate mo pa ang pasok mo. Comehere"
I said excuse para makadaan ako, sobrang nanginginig ako after 3 years nagkita ulit kami. At bumalik nanaman ang lahat ng nangyari.
Akala ko aalis na siya pero tinawag ulit ng boss ko at pinaupo.
"Jaz since ikaw ang pinagkakatiwalaan ko, while my secretary is away. Ikaw muna ang sasama sa new business site natin sa Tagaytay."
Nagulat ako, syempre hindi ako makapaniwala.
"Sure sir. No problem po, willing and oblige po ako na sumama"
Ngunit nawala ang sigla at saya matapos ko malaman kung sino ang makakasama ko.
"Sir, if you dont mind bakit siya pa po? hindi naman po siya ang head and hindi naman po siya nagtatrabaho satin"
Napa oo na lamang ako matapos lahat ng narinig ko. Kaya pala wala si Engr.Corpuz dahil kailangan niyang umuwi sa kanilang probinsya.
"I dont mind sir if kasama ko si Ms. Jaz after all we know each other. Right Jaz"
Napapayag nalang ako, kailangan ko magpaimpress lagi sa boss ko.
"Then its settled, simula bukas sa Tagaytay kana mag ooffice Jaz. Fix your things, you'll be staying in one of the hotel in Tagaytay for 1 week with Engr. Ramirez"
Engr? Natupad niya na ang mga pangarap niya. Masaya ako para sa kaniya.
Nagpaalam na ako kay Sir. Palabas na sana ako ng may pumigil saking braso. Hindi kona kailangan pa lumingon, alam ko na kung sino.
"Jaz let's talk"
Tinanong ko siya kung para saan, at dali dali akong lumayo ng malaman ko kung ano yon.
"Im sorry for leaving you. This is for us, I'll promise I wont leave you again. Please talk to me love"
Napatigil ako sa mga sinabi niya. Heto nanaman ako marupok, buong lakas ko hinila ang braso ko sabay talikod.
Nagulat na lang ako na nakatingin na pala ang mga ka officemates ko. I just smiled to them.
Pagkaupo ko palang, may nanabunot na sakin. Napa sigaw ako sa sakit.
"Huy Jazra ano namang eksena niyo ni kuyang pogi ha? akala mo kagandahan ka grabe ka naman ghirl, mabango ba siya? ang pogi niya malapitan no?"
Nakakainis naman kasi,sana hindi na niya ako nilapitan pa kanina. Mamaya malaman pa ng iba.
"wala yon, bumalik kana nga sa cubicle mo. Aayusin ko pa tong Account natin"
Napaisip ako. Bukas na pala kami pupunta ng Tagaytay. Hindi ko alam anong mangyayari, pero sana maging okay kakalabasan.
-- -
Hi please support my story _