-02

8 1 0
                                    

Chapter Two

The Fifth Member

Sobrang boring na ng subject na ito, pero pagkatapos naman nito eating time na. So, konting tiis lang. Isang oras akong lutang dahil isang oras din naman ang subject. Maya-maya pa tumunog na ang bell.





Tapos na ang lahat ng class namin ni Alexis at may balak kaming sundan ang dalawang kaklase namin yung mga transferee. Mukhang papunta sila sa cafeteria, nakabisado nila agad itong school ah? Siguro may kakilala sila na nag-aaral dito.




Nakita namin umupo sila du'n sa dulong table, teka! du'n ang reserved seat lagi nila kuya at ng mga kaibigan niya ah? himala naunahan nila si kuya.







Speaking of kuya, yes mayroon akong older brother na kapatid ko sa biological mom and dad ko, isang taon palang siyang nag-aaral dito pero kilala na agad siya may pagkagwapo din kasi iyon. Hindi kami laging magkasama dahil separated siya samin nila dad at ng stepmom ko kasi siya ang heir ang family namin kaya kailangan marunong na siyang kumilos ng sarili niya lang at siya ang magco-continue ng business namin/ni dad dahil siya ang panganay na anak ni dad at marunong talaga siya sa business. Well, okay lang sakin yun kasi gusto din talaga ni kuya mahawakan ang company na itinaguyod pa ng lolo ko sa tuhod.






"Crystalline!! Andun sila sa dulo tara!" yaya sa akin ni Alex.





"O-oo sige, wait lang bilangin muna natin kung ilan ba talaga sila," sabi ko at sumang-ayon naman si Alex.




"Sige sige, magtago muna tayo or kunwari napadaan tas bilangin natin sila," tumango-tango nalang ako sa kanya.





Nagbilang kami parehas sa utak namin para hindi kami mahalata at nang papalapit na kami, nagbilang na ako para tiyakin kung ilan sila.



1..



2..



3..



4....






5!!!!!!!



Lima pala sila! Pero kanina apat lang sila, ah. Nagulat na lamang ako ng biglang lumapit si Alexis sa kanila.




"Hi! I'm Alexis," inalok pa niya ang kamay niya.




Napasapo nalang ako ng noo.





Nang makita ko ang kabuuan ng grupo nila, may pamilyar na lalaki na nakatalikod habang may kausap sa cellphone niya at nagulat ako pagka-harap niya.




Si kuya ang fifth member??????





Lumapit ako para hilain si Alexis.




"Hoy! Alex, tara na! Kahit kailan talaga," inirapan ko siya.



Pilit kong hinihila si Alexis ngunit hindi siya nagpapatalo, gusto niya talaga makilala ang lima!



"Oh, Crystalline! Andito ka pala!" sabi sa akin ni kuya at tinigilan ko ang paghila kay Alexis.



"Kilala mo siya, Kler?" kumunot ang noo ni Alexis.



"A-ah o-oo, kuya ko siya. As in full brother," ngumiti ako ng kaunti.





"Gaga ka! May kapatid ka palang gwapo, hindi mo manlang sinabi sa akin," nag-pout pa si Alexis.



Staying From ApartWhere stories live. Discover now