Kabanata 2
Alas onse na nang bumalik ako sa opisina ni Mr. De Gomez. Nilinis ko na lang ang opisina ni Mr. De Gomez ngunit hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyari tuwing nakikita ko ang lugar na pinangyarihan.
Sa gabing iyon ay hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi matanggal sa isip ko ang nangyaring halikan nila. Kinabukasan ay puyat na puyat ako. Hindi parin natatanggal sa isip ko ang nangyari pero kailangan kong itabi iyon sa utak ko.
Lumabas ako ng building para kumain sa isang fastfood. Napag isip-isip ko din na kailangan ko ng sarili kong plato, kutsara, tinidor, at baso.
Nagsidatingan na ang mga crew. Marami akong nakilala pero madalas sa kanila ay matatanda na. Nakilala ko si Mang Danny at Aling Nelita. Kadalasan sa kanila'y pamilyado na. Mayroon din namang katulad ni Gianni pero mailap din sila.
Kumuha ako ng mop at nagsimula ng maglinis. Habang naglilinis ay biglang dumating si Mr. De Gomez.
"Magandang umaga Sir!" anang isa sa mga trabahante.
Tanging tango lamang ang kanyang tinugon. Habang naglalakad siya'y nahagip ako ng kanyang paningin. Agad na umigting ang kanyang panga at kumunot ang kanyang noo. Agad naman siyang nag iwas ng tingin ng tumingin ako sa kanya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Bumuntong hininga naman ako. Ngayong nakita ko siya ay naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
"Oh Precy, pansin ko parang puyat ka ngayon ah?" Ani ni Aling Nelita.
"Ah, naninibago lang po ako Aling Nelita." Tugon ko.
"Ganon ba?" Aniya at nagkibit balikat bago nagpatuloy sa ginagawa.
"Opo." Tanging nasabi ko nalang.
Nang matapos na ako sa paglilinis ay bumalik na ako sa headquarters. Nagpahinga ako saglit at inisip kung ano ang aking mga gagawin.
Nang sumapit ang tanghali ay nagpasya na akong bumili ng makakain ko.
Habang naglalakad ako ay may kumalabit sa akin.
"Precy sabay na tayong kumain. Wala akong kasabay eh." Gianni.
Tumango lang ako sa kanya bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Nang nakarating na kami sa isang karinderya, umorder na kami agad ng makakain namin. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami.
Si Gianni ay ulila na pala ng siya'y dose pa lamang. Siya nalang mag-isa kaya nagsisikap siyang magtrabaho para sa kanyang sarili. I feel sad yet so proud of her kasi hindi siya kailanman sumuko. In life, there are many ups and downs that makes you want to just give up. And if you feel like you wanted to give up remember why you started.
Pagkatapos na kaming kumain ay bumalik na kami sa kompanya. Nagpahinga saglit bago bumalik sa trabaho.
Nang sumapit ang alas dies ay umakyat sa ako opisina ni Mr. De Gomez. Luminga linga muna ako bago nagsimula sa paglilinis. Sa kalagitnaan ng paglilinis ay may bigla nalang nagsalita sa likod ko. Munik na akong mapatalon sa gulat.
"You were here last night?"
Tinigil ko ang pagmo-mop at hinarap siya.
"Opo. Naglinis." Mariin kong sabi.
A deafening silence enveloped us. Nakita ko siyang sinarado ang kanyang laptop at may kinuha siya sa drawer at may kung anong sinulat sa papel.
Lumapit ako sa salamin para linisan ito. Mahirap itong linisan kasi ang laki ng opisina niya.
"Don't lie to me, Precy." Malamig niyang sambit dahilan ng pagtingin ko sa kanya.
Nakatayo siya ngayon sa harap ng kanyang lamesa. Nakahalukipkip siya at diretso ang tingin sa akin. Doon mismo nangyari kagabi kasama 'yong... 'yong girlfriend niya!
Napakurap kurap ako ng maalala koi lit iyon. Mas lalong nagdilim ang kanyang titig sa akin.
"You saw me." Aniya.
Nangangapa ako ng salita. Hindi niya naman ako nilingon kagabi ah? Paano niya ako nakita?
"Ang sabi ni Mrs. Chua, wala ng tao dito ng alas 9;30 kaya umakyat na ako." Paliwanag ko.
Humakbang siya palapit sa sofa at pinulot ang kanyang bag.
Magaling, Precy! Kakasimula mo pa lang ay mukhang matatanggal ka na ng lintek na Bross na 'yan sa trabaho! Ngayon, itatapon na ako at maghahanap na ako ng dyaryong ilalatag ko sa Luneta para higaan mamayang gabi!
"H-Hindi ko naman sasabihin 'yung nakita ko, Sir. Wala po akong pakealam kung anong gagawin niyo ng girlfriend niyo." Mabilis kong sinabi sa takot na paalisin niya ako sa trabahong ito.
"Stay away. And she's not my girlfriend. I don't have a girlfriend, Precy."
Shit! Nagkamali ako! Lagot na talaga ako nito! Baka kakasuhan niya ako ng libel dahil sa pagsasabi ng mga bagay na hindi naman pala totoo.
"Sorry po, hindi ko alam na hindi mo 'yon girlfriend, Sir. Hindi na po mauulit 'yung panonood ko. Hindi ko rin po sasabihin sa iba." Sabi ko habang nanginginig na ang buong sistema ko sa takot na mawalan ako ng trabaho!
Nanliit ang mga mata ni Bross at nag igting ang kanyang panga. Pumikit siya at huminga ng malalim. "Just stay the fuck away."
Nanlaki ang mata ko at pinanood ko siyang parang napapasong umalis ng opisina niya. Hindi pa niya ako tintanggal. Stay away, iyon lang ang naging bilin niya sa akin! Thank you Lord!
BINABASA MO ANG
Reaching Out To You
De TodoNamatay ang ina ni Precy ng siya'y bente pa lamang. Tumira siya sa kanyang tiyahin kasama ang kanyang pinsan at tiyuhin. Hindi naging madali ang lahat para sa kanya. Isang araw, naisipan niyang lumuwas papuntang Manila para buhayin ang kanyang sari...