Kabanata 4

2 1 0
                                    

Kabanata 4

Pagkatapos noon, hindi na muling bumalik si Bross sa trabaho. Samantalang ako naman ay naiwang naguguluhan sa kanyang kinikilos.

Sumapit ang gabi at hindi ko na muling nakita pa siya. Marami ding nagtataka kung anong nangyari sa kanya. May iilan pang lumapit sa akin para lang magtanong kung ano ang relasyon namin ni Bross. Ang tanging sagot ko nalang ay 'imposibleng mangyari iyon'.

Malandi!

What a slut!

Feelingera mo naman teh!

Whore!

Yan ang naririnig kong sabi ng iba. Well, wala naman talaga akong pakialam kahit na anong sabihin nila kasi hindi naman iyon totoo. Hindi ko lang maiwasang masaktan kasi hindi naman nila alam kung ano ang totoong nangyari.

Well, that's the saddest part of living in a judgmental society. They judge you easily without even knowing the truth.

Inignora ko nalang ang lahat ng mga sinasabi nila at pumunta nalang sa opisina ni Bross.

Habang nagmo-mop ako ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyari kanina. Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko napansin na basa pala ang sahig at ako naman si dakilang tanga ay nadulas!

Pumikit nalang ako habang naghihintay ng pagbagsak ko sahig pero makalipas ang ilang segundo ay hindi parin lumapat ang katawan ko sa marmol na sahig kaya iminulat ko ang aking mata.

As I open my eyes, I saw a warm hand enveloped on my waist. And to my surprise, my heart beats abnormally na para bang hinahabol ng kabayo. My heart never beats like this.

At sa unang pagkakataon, hinayaan ko ang sarili ko na titigan ang kanyang mukha. His expressive blue eyes, his pointed nose, his thick eyebrows, his long and thick eye lashes, his perfectly angled jaw and his red soft lips that can captured every girl's heart!

He's so perfect! I never thought someone like him would even exist! Damn, Bross!

Papalapit ng papalapit ang kanyang mukha sa akin kaya ipinikit ko ang aking mata.

I can sense that he's very near so my eyes remained close. Until his lips brushed mine.

It was just a smack kiss but his kiss made me drunk. My eyes remained close for seconds until I finally decided to open it.

When I opened my eyes, Bross was not there anymore. Umalis na rin ako pagkatapos noon at pumunta na sa headquarters.

Kinabukasan ay puyat na puyat ako. Hindi ako pinatulog ng letcheng Bross na iyon! Paano ba naman kasi, imbes na makatulog ay naalala ko na naman ang halikan- hindi, hinalikan niya ako! Oo ganon iyon!

So, ayun nga, hindi ako nakatulog kakaisip kung bakit niya ako hinalikan. Bakit nga ba? Tanong na hindi ko rin masagot. Pati ako ay naguguluhan din sa mga kinikilos niya!

Papunta na ako sa karinderya ng may biglang sumulpot sa gilid ko. Oo sumulpot talaga, ewan ko ba dito kay Gianni kung saan saan nagsusuot.

"Sabay ako sayo, Precy! May dapat kang ikwento saking bakla ka!" Aniya habang nakangisi.

"Ano namang sasabihin ko sayo?" Nakakunot-noo kong tanong.

"Kunwari ka pa ha? Che! Hindi ka man lang nagsabi sa akin na jowa mo pala si Mr. De Gomez. At tsaka kung jowa mo pala si Mr. De Gomez, bakit ka pa nagtatrabaho? Naku teh, ha? Gigil mo si ako!"

"Anong pinagsasabi mo diyan bakla? Hindi ko naman yun boyfriend!" Agaran kong tugon.

"Sus! Nahihiya ka pa ah! Aminin mo na kasi!" Panunukso nito.

"Wala nga akong aaminin! Hindi naman iyon totoo." Giit ko.

"Anong wala? May pahawak-hawak pa nga kayo ng kamay kahapon! Kaimbyerna!" Aniya habang pinapaypayan ang sarili na para bang naiinitan.

"Anong pahawak-hawak ng kamay ang pinagsasabi mo dyan? Hinila ako!"

"Hinila? Bakit ka naman hihilain? Jusko, teh! Naguguluhan ako sayo!"

"Hindi ko din alam kung bakit bakla. Pati ako ay naguguluhan din." Frustrated kong sabi.

"Ano ba kasi ang ginawa mo?" Takang tanong nito.

"Wala akong ginawa. Si Kai kasi pumunta dun sa headquarters, tapos inimbita niya akong kumain ng pananghalian. Sasagot na sana ako kaso biglang dumating si Mr. De Gomez sa hindi malamang dahilan. Tinanong niya si Kai kung ano ang ginagawa niya doon sa headquarters, sinagot naman siya ni Kai na yayayain daw sana niya akong kumain. Kaso parang biglang nagalit si Mr. De Gomez at sinabing hindi daw ako pwede kasi marami daw akong trabaho. Nahihiya naman akong ngumiti kay Kai at magsasalita na sana ng bigla nalang akong hinila ni Mr. De Gomez papunta sa kanyang opisina. Iyon ang totoong nangyari."

Hindi agad nagsalita si Gianni at parang inaabsorb pa ang nangyari kahapon. Maya-maya pa ay bigla nalang siyang lumingon sa akin habang nakangisi. Kumunot naman ang noo ko sa kanya kaya nagsalita siya.

"Nako teh! Hindi ako makapaniwala. But I smell something fishy! Kailangan kong makasigurong tama ang hinala ko." Aniya at iniwan akong nalilito.

Ano ba kasi ang ibig sabihin ni Gianni? Hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ako.

Reaching Out To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon