SALAMAT SA HULI

169 13 14
                                    

Sa tuwing naaalala kita, napapangiti ako dahil sa tinagal2 ng panahon na nating magkahiwalay naiisip parin kita naalala ko parin ating masasayang araw,mga tawanan na parang wala ng bukas,

harutan na masahol pa sa mga bata, mga tampohan at selosan na nakakakilig, sobrang saya diba? Pero siguro nga hindi talaga tayo ang tinadhana baka pinagtagpo lang tayo para iparamdam sa isat isa kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal,

pagmamahal na mali sa mundo pero tama sa ating mga puso, pagmamahalang walang nakakaintindi pero pilit na ipinaglalaban, pero siguro nga hanggang don nalang tayo,hanggang don nalang ang pagmamahalan na maibibigay natin para sa isat isa.

teka? Ilang taon ba tayo nagmahalan?isa? Dalawa?tatlo?,Apat? Hindi na mahalaga kung gaano katagal tayong nagmahalan, dahil lahat ng yun ay nawala rin naman sa hindi maipaliwanag na dahilan,

hirap at sakit ating naramdaman halos lahat ng paraan ay atin ng ginawa upang ang isat isa ay makalimutan hindi ko akalain na sa dami ng pagsubok na dumating sa ating dalawa,
Pilit pa nating ipinaglaban ang isat isa pero tila parang isang bula na bigla nalang naglaho ang lahat,

ikaw oo ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon akoy natatakot na magmahal muli,ikaw ang dahilan kung bakit iniiwasan ng makaramdam ng pagmamahal sa iba,

mahirap aminin sa sarili na hanggang ngayon ay ikaw parin ang mahal, ganun siguro talaga kapag ikaw ang may kasalanan ikaw ang nahihirapan.

tuwing nakikita kitang kasama niya hindi ko maipaliwanag kung bakit nasasaktan parin ako pero pinipilit ko na sabihin sa sarili ko na okay lang ako! na kaya ko kahit na ang sakit sakit na!

dahil nakikita kung masaya kana sa piling ng iba,pero wag ka mag alala dahil tatanggapin ko, at paulit ulit na tatanggapin na hindi na ako ang dahilan ng mga ngeting nakikita ko sa mga labi mo, na hindi na ako nagpapasaya sayo

At itong alaala nato ang isa pinakamagandang ngyari sa buhay ko, na kahit kailan man hindi na maalis sa puso't isipan ko,dahil sayo,sayo ko natutunan kung ano ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal,

Kahit hindi man tayo ang itinadhan para sa isat isa..

Salamat sa huli..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIDING WORDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon