Chapter 9

14 1 0
                                    

Alec -

Kakatapos lang ng meeting at ngayon ay hinahanap namin sila Lily. “Tawagan mo na nga si Rae pagod na ako.” utos ko sakanya dahil pwede niya naman kasing tawagan naglakad lakad pa kami.




“Nasa library daw sila.” tugon ni Jacob habang nasa phone parin ang attensyon niya. Agad ko siyang hinila para dumiretso sa library pagdating namin sa library si Rae lang ang sumalubong samin. “Si Lily?” tanong ko habang iniikot ang paningin ko sa buong library. “Naghahanap siya ng libro.” sagot naman ni Rae kaya agad kong hinanap si Lily. Kanina pa ako naglilibot and nahanap ko narin siya na kasama si Avros. Nasa kamay ni Avros yung libro habang nagtititigan silang dalawa. Nung naramdaman kong titingin si Lily sa direksyon ko agad akong umalis para bumalik kila Jacob.


“Oh nahanap mo ba si Lily?” tanong ni Rae “Hindi.” maikling sagot ko. Kinuha ko yung phone ko sa bag ko para tawagan si Avenir dahil bubuksan na namin yung gallery two days from now. “May tatawagan lang ako saglit.” paalam ko bago ako tumayo at lumayo ng konti sakanilang dalawa nakita ko sa peripheral vision ko na hindi na magkasama si Lily at si Avros. I shrugged it off and continued to dial Avenir.



“Avenir tapos na ba lahat?” tanong ko sakanya through the phone.


“Almost tapos na kailangan ko nalang na icontact yung press at nga journalist na magaattend but everything is doing fine here.” sagot niya at naramdaman kong nay gusto pa siyang sabihin.



“Alam ko may sasabihin ka pa sabihin mo na.” tugon ko habang naghihintay ako sa nga susunod niyang salita.



“Tinawagan ako ng leader ng ROS and he ask me informations about you pero syempre cover up lang yung mga binigay ko sakanya.” paliwanag niya kaya agad akong bumalik kila Jacob para kunin yung gamit ko.


“Avenir sandali lang.” tugon ko at nilagay ko sa on hold ang tawag namin. “San ka pupunta?” tanong ni Jacob. “Pupuntahan ko si Avenir something came up and pakihatid nalang si Lily.” sagot ko sakanya bago ako umalis.








Lily -

“Sino si Avenir?” tanong ko kay Jacob iniwasan naman ni Jacob ang tingin ko “Uh secretary niya well sort of.” sagit niya habang hindi nakatingin sa akin. “Okay.” maikling tugon ko at tinuon nalang ang pansin ko sa libro na binabasa ko. Nangako si Alec na he'll make it up to me after class tapos asan siya nandun sa Avenir na yun tapos ano hindi niya man lang ako tiningnan bago siya umalis.


“Tara na ihahatid na kita Lily.” sabay tayo nila Jacob at Rae kaya sinundan ko nalang sila. Nasa backseat ako syempre silang dalawa yung couple eh. As we hit the road nakita ko si Alec na nasa loob ng cafe habang may kasamang babae at parehong seryoso ang mukha nila. “Si Alec.” bulong ko kaya napatingin naman si Jacob sa akin at hininto ang sasakyan. “Huh?” tanong sakin ni Jacob. “Nakita ko si Alec nasa coffee shop may kasamang babae.” iritang tugon ko nakita ko naman na nagbago ang itsura ng mukha ni Jacob “Nagseselos ka?” pang aasar ni Jacob. “Tara puntahan natin si Primo alam ko gusto ka niya makita.” dagdag niya pa at ipinark ang sasakyan sa tabi kaya lumabas kami itinuro ko yung cafe at sabay sabay kaming dumiretso dun.


Pagpasok namin nakita naming naguusap yung babae tsaka si Alec. “Alec!” tawag ni Jacob sakanya. Lumingon naman si Alec sa direksyon namin ng nakakunot ang noo. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong niya samin. “Wala naman may isa kasi rito na hinahanap ka.” sagot ni Jacob habang nakatingin sakin kaya tiningnan ko naman siya ng masama. Nakita ko namang ngumiti si Alec ng bahagya at tinuon ang pansin sakin at tumayo. “Ay nga pala Avenir meet Lily and Rae.” pagpapakilala ni Alec samin sa babae so siya si Avenir.





Naka upo ako sa tabi ni Alec habang nagtatawanan naman yung tatlo na mukhang nagkasundo naman. “Tara alis na tayo dito.” pagyaya ni Alec sakin tiningnan ko naman siya. “Saan tayo pupunta?” tanong ko “Kung saan pwede tayong kumain and tayong dalawa lang?” sagot niya na mukhang tanong rin. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at lumabas kami sa cafe tiningnan ko naman sila Jacob at nakangiti lang sila sa akin pati na si Avenir.


Isinuot sakin ni Alec yung helmet bago niya ako tinulungan na umangkas sakanya. Sinimulan niya ng paandarin ang motor niya kaya kumapit naman ako ng mahigpit sa bewang niya.










Third Person -

“Nakuhaan mo ba?” tanong ko sa kasama ko. “Opo.” sagot niya sakin habang nakatingin sa camera niya. “Print those out and ipadala mo yan sa Dean's office tomorrow morning. Anonymous lang ang ilagay mo sa likod ng envolope.” utos ko sakanya bago ako bumaba at naglakad ng parang walang nangyare.


Nakita ko si Avenir na nakaupo kasama si Jacob at si Rae. What a sight. Nagtama ang mga mata namin ni Avenir and nginitian ko siya pero iniwas niya ang tingin sakin. I smirk at the thought “Everythings planned. I am waiting for you Primo.” bulong ko bago ako sumakay ng motor ko at bumalik sa bahay.


“Bakit ngayon ka lang kanina ka pa hinahanap dito. May meeting kanina regarding sa susunod na kabilugan ng buwan.” paiwanag ng kapatid ko habang nakatingin sakin. “Ako na ang bahala dun. Sige na magpahinga ka na. I'm sorry ngayon lang ako and may dala akong donuts nasa compartment ng motor ko if gusto mo kunin mo nalang kailangan ko kunang kumuha ng updates for next week.” paalam ko sakanya agad naman siyang lumabas para kunin yung donuts. Ayokong mawala siya sakin kung paano nawala ang mga magulang ko.



I'll fight them with all my might. I can't back down not now.

Vampire's Love [ON HOLD]Where stories live. Discover now