Chapter 11

13 1 0
                                    

Alec -

Nagising ako na nakahiga sa sofa sa loob ng opisina ko nakita ko rin na may pagkain at note sa lamesa.

Kumain kana may gamot din diyan para sa sakit ng ulo mo. Just to remind you kailangan mong pumunta ngayon sa university.

-Ave

Ngumiti ako pagkatapos kong basahin yung note. I checked my wrist watch 6:30 am palang naman 8:00 am ang start ng classes. Kinain ko muna yung pagkain na binili ni Avenir bago ko inimom yung gamot. I opened my phone only to see Jacob's name on my lockscreen.

5 unread messages from Jacob

4 unread messages from unknown

Binasa ko muna yung mga messages galing kay Jacob.

From Jacob:
Primo pauwi na ako ano gusto mo para sa hapunan.

From Jacob:
Primo asan ka?

From Jacob:
Tinawagan ko si Lily hindi na raw kayo magkasama. Asan ka ba?

From Jacob:
ASAN KA BA PRIMO NAGAALALA NA AKO.

From Jacob:
Nalaman ko kung anong nangyare kung kailangan mo ng time we'll give it to you.

I then opened the five messages from the unknown sender.

From Unknown:
I'm sorry kanina.

From Unknown:
I got your number from Jacob. Wala ka daw sa bahay mo.

From Unknown:
I'm really sorry it was just you know bampira ka tao lang ako what if it is not approved by your family.

From Unknown:
Take care kung asan ka man ngayon.

Ngumiti ako sa last message ni Lily. I know it's Lily. Nagsimula na akong magligpit ng pinagkainan ko para makaligo na ako at makaalis narin.

Lumabas na ako ng gallery and I saw Lucas leaning on my car habang nakapikit ang kanyang mata. "Antagal mo." tugon nito habang unti unting binukas ang mga mata niya. Ngumiti lang ako at sumakay na para makarating kami sa university habang wala pa ang mga students.

Pagdating namin sa university wala pa masyadong estudyante kaya dumiretso na kami sa Dean's office. Pagdating namin sa Dean's office nakatingin ng masama sakin ang Dean. Napakunot naman ako ng noo.

"Mr. Fidel is this the reason why you are insisting to leave and replace Mr. Lucas on your position." he said habang inilatag niya sa lamesa niya ang isang envelope kaya kinuha ko ito at binuksan para malaman kung anong laman nito. Nakita ko ang mga pictures kung saan magkasama kami ni Lily. I showed no emotion and look staright onto the Dean's eyes. Soon my eyes turned red ready to compel him.

"Wala kang natanggap na pictures at tanging pagdating ko lang ang hinihintay mo." I said to him as I saw him nod his head.

"Oh Mr. Fidel you're here already. It's still early. Is he the one?" Tumango lang ako sakanya. "Lucas Serano." pagpapakilala ni Lucas. "I'm really sorry Mr. Calvin for the inconvenience I just really need to deal with something." I sincerely apologized. "No it's okay and thank you for giving us a new substitute while Mrs. Monte is still not here." Mr. Calvin said. "I shall take my leave now Mr. Calvin." paalam ko bago ako lumabas ng opisina niya.




Jacob -

Sinundo ko si Rae sa bahay nila and we are on our way to Lily's house. Pagdating namin sa harap ng building nasa labas na siya kaya pinagbuksan ko siya ng pintuan. Habang nasa loob kami ng kotse I can feel na malungkot si Lily.

Pagdating namin ng university we parted ways na. I entered the faculty room only to see the Dean and Lucas standing side by side. Tiningnan ko siya while asking him through my eyes. Binaliwala niya lang ako kaya umupo na ako sa upuan ko. "So I'm sorry to inform you but Mr. Fidel already left so here I am with Mr. Serano to be the substitute of Mrs. Monte." I look at Lucas with confusion written all over my face. "I'm Lucas Serano." pagpapakilala niya. "Mr. Tuan can you please show Mr. Serano around and guide him to his desk. I'll be taking my leave now." utos ng Dean sakin kaya sinunod ko nalang.

"Anong ginagawa mo dito? Asan si Primo?" tanong ko kay Lucas tiningnan niya naman ako bago siya nagsalita. "Una nandito ako para maging substitute pangalawa hindi ko alam kung nasaan ngayon si Primo though magkasama kami kanina pero hindi ko alam kung saan siya pupunta." sagot niya sakin kinuha ko naman yung phone ko para tawagan si Primo pero hindi niya sinasagot yung mga tawag ko. "Wag mo ng pilitin. Hayaan niyo muna siya babalik din yun." pagkalma sakin ni Lucas.

"So ano tara na ihahatid kita sa unang klase mo." pagyayaya ko sakanga agad naman niya akong sinundad. Habang naglalakad kami sa hallway halos lahat ng estudyante ay nakatingin samin. "Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong nilalang." bulong sakin ni Lucas sinuntok ko naman yung braso niya.

"Sige na pumasok kana." pagtulak ko sakanya papasok ng klase niya. Napansin ko namang pinagtitinginan kami ng mga estudyante.






Lily -

Nakita namin si Jacob na tinutulak yung matangkad na lalaki papasok ng room namin habang tawa naman ng tawa si Rae dahil sa itsura ni Jacob. Nahihirapan siyang itulak yung lalaki dahil mas malaki at matangkad yung lalaki sakanya.

Tuluyan ng pumasok yung lalaki na tinutulak kanina ni Jacob. Tumayo siya sa platform habang tinitingnan ang bawat isa sa amin napatigil naman siya sa direksyon ko kaya yumuko ako. "Well I'm Lucas Serano I'll be your new economics professor subtitute." Napatingin naman ako sakanya habang pinoproceso ang mga sinabi niya. "And I am a friend of Mr. Fidel. Mr. Fidel had to deal with something urgent that is why I am here." ngumiti siya sa amin pero I too sad to even smile at this situation.

Vampire's Love [ON HOLD]Where stories live. Discover now