Chapter 14

12 1 0
                                    

Alec -

Kakatapos ko lang maligo and pumipili ako ngayon ng isusuot though masisira at madudumihan lang naman yung damit ko gusto ko parin na magdamit ng maayos kumuha ako ng white shirt and black blazer kasama ng black pants ko at white rubber shoes.

Kinuha ko yung dalawang baril ko at inilagay yung isa sa may left leg sa ilalim ng pantalon ko at yung isa nakalagay sa gun strap na nasa katawan ko na natatakpan ng blazer ko. Kinuha ko yung susi ng kotse ko pati yung phone ko bago ako lumabas ng gallery. I decided to stop by sa flower shop malapit sa gallery para bumili ng tulips ngayon ako na mismo magbibigay sakanya and ihahatid ko siya. Nagdrive na ako sa harap ng hotel na pag aari ni Jacob. Pumunta ako sa top floor since doon located yung penthouse niya.

Kumatok ako sa pintuan at winelcome ako ng mama ni Lily na mukhang nagluluto ata ng breakfast nila dahil may hawak siyang spatula. “Pasok ka Alec. Tulog pa si Lily pero kung gusto mo ikaw na gumising sakanya nasa left yung kwarto niya sa taas.” pagbati sakin ng mama ni Lily. “Sige po.” tugon ko. “ Dito ka narin magbreakfast Primo.” dagdag ng papa ni Lily na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng balita.


Binuksan ko yung pintuan ng kwarto ni Lily and nakita kong mahimbing pa ang tulog niya nakita ko rin yung tulips na nakalagay na sa vase sa may bedside table niya kaya inilagay ko narin sa may vase yung dala kong tulips bago ako umupo sa higaan ni Lily at sumandal sa headboard ng higaan niya. “Staring is rude Alec.” rinig kong sabi niya agad naman siyang umupo habang nakapikit pa ng konti ang mga mata niya. “I'm sorry nga pala tungkol dun sa sinabi ko nung isang araw.” bulong ko.

“No it's okay. Kumain kana ba?” tanong niya sakin habang kinukuha niya yung tuwalya niya. “Hindi pa.” sagot niya agad naman siyang pumasok sa CR. Napansin ko na bumukas ng konti ang pintuan ng CR “Bumaba kana at hintayin mo nalang ako sa baba.” utos niya kaya sinunod ko nalang. Pagbaba ko nakita ko na inihahabda na ng mama ni Lily yung lamesa. “Tulungan ko na po kayo.” tugon ko bago ko kinuha yung mga plato at inilagay ito sa lamesa kasama ng utensils.








Lily -

Pagkatapos kong maligo nagsuot ako ng simpleng v neck na white t-shirt tsaka fitted na high waist na pantalon tsaka white rubber shoes. Itinali ko yung buhok ko into a ponytail. Pagbaba ko nakita ko na tumatawa si mama tsaka si Alec habang nanunuod naman ng TV si papa.

“Lily tara na kumain na tayo. Hun halika na dito patayin mo na yang TV.” pagyayaya ni mama samin ni papa agad naman na pinatay ni papa yung TV at umupo narin ako sa tabi Alec. Tahimik lang kaming kumakain ngayon no dared to talk.

“Alec pumunta nga pala dito kahapon si Levi kapatid mo daw?” tanong ni mama kay Alec napatingin naman si papa kay Alec “Ah hindi ko po kapatid si Levi.” sagot ni Alec kay mama kaya napatingin naman ako sakanya. “Pero magkamukhang magkamukha kayo.” bulong ko sakanya. “Since bata pa lang kami magkasama na kami nun kaya minsan napagkakamalang magkapatid kami though I treat him as my brother talaga since he is dating my cousin.” pagpapaliwanag ni Alec.


“Primo tinawagan kami ng C-suite kanina. May problema kayo ngayon?” tanong naman ni papa. “Actually po meron pero inaasikaso na po namin.” sagot ni Alec.










“Mag-ingat kayo.” paalala ni mama. I looked around pero hindi ko nakita yung motor ni Alec but instead dinala niya yung kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya agad naman akong pumasok. Habang nagdadrive si Alec napansin ko na minu minuto tumitingin siya sa direksyon ko so I decided to ask him. “May problema ka ba?” tanong ko sakanya. Hinawakan naman niya ng mahigpit ang manibela kaya tiningnan ko siya.


“Lily pwede ba ako humingi ng pabor?” tanong niya sakin pero tumango lang ako para hayaan siyang ipagpatuloy kung ano man yung gusto niyang sabihin. Nasa may parking lot na kami ngayon, agad naman na pinatay ni Alec ang makina ng kotse. “Lily wag mo sana sasabihin kahit kanino that I went to see you kahit kay Jacob. Ayokong madamay kayo if maybe anything might happen or go wrong. Promise me you won't tell anyone.” I look at his face full of worry. “Gagawin ko yan pero in one condition.” mahinahong tugon ko habang nakatingin sa kamay ko. “Don't stop sending me those flowers and please if you can text me about your whereabouts please do text me so I won't be worried.” naghintay ako sa sasabihin niya pero biglang tumahimik ang buong paligid namin.

Kinuha ko yung bag ko bago ko binuksan yung pintuan. I feel so embarrassed right now. Naramdaman ko ang paghawak ni Alec sa kamay ko. “I will.” maikling sagot niya kaya I turned around to look at him only to see him smiling. “I will not stop sending you flowers and I will text you or even call you and that's a promise.”












That was the last thing that he said to me bago ako pumasok sa loob ng building. “Late ka ngayon.” tugon ni Rae habang paupo palang ako sa tabi niya. “May ten minutes pa bago magstart ang class wag kang OA.”















Vampire's Love [ON HOLD]Where stories live. Discover now