Chapter 16

8 0 0
                                    

Alec -

Dumiretso ako agad sa gallery pagkatapos ng encounter namin ni Avros. Hindi ko naiintindihan lahat ng sinabi niya ano bang ibig sabihin niya sa itinakwil siya ng papa niya. Pagdating ko sa harap ng gallery napansin ko ang grey na kotse na nakapark sa gilid. Bumaba ako sa motor ko habang patuloy na binabatayan ang sasakyan.


Makalipas ang ilang segundo may bumukas ang pintuan ng kotse. “Papa?” bulong ko habang papalapit siya sa direksyon ko. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya. “Kailangan kang kausapin ng C-suite ngayon na.” seryosong tugon niya tiningnan ko naman siyang ng seryoso. 'May nagawa ba ako?' tanong ko sa sarili ko. “Bilisan mo na bago pa ako mismo ang humatak sayo papunta dun.” ang huli niyang sinabi bago siya muling pumasok sa kotse at umalis.

Odd never pa akong kinausap ni papa ng ganun. “Primo you're back.” pagbati sakin ni Ave niyakap ko naman siya. “Si Levi?” nasa loob ng opisina mo tumango lang ako bago ako nagpatuloy “Kayo na muna ang bahala rito kailangan kong makipag usap sa C-suite and update me anything about Lily.” utos ko sakanya. “Whipped.” bulong niya pero narinig ko parin. “Wag kang bumu bulong bulong dyan.” tugon ko bago ako muling sumakay sa motor ko para sundan si papa.


Pagdating ko binati ako ng mga tauhan ni papa bago ako pumasok sa meeting room only to be welcomed by the C-suite at tsaka si papa na nakaupo na sa gitna. “Primo maupo kana.” utos ni papa kaya umupo na ako sa tabi niya. “Primo gusto kong tigilan mo na ang plano mo dahil may nalaman kami na hindi aatake ang ROS sa mga tao kundi sa atin at hindi ako papayag na pumasok sa giyera na ito. Hayaan mo na kami sa bagay na ito. Alalahanin mo na ikaw ang susunod sa akin kailangan ka naming protektahan.” seryosong tugon ni papa.


“Hindi ba at may isa kapang sasabihin Patriarch.” paalala ng isa sa mga C-suite. Naging seryoso naman silang lahat kaya napatingin naman ako kay papa. “Primo binabalaan kita tigilan mo na kung ano man ang koneksyon mo sa babaeng ito.” sabay abot niya sakin ng picture ni Rae. “Bakit?” tanong ko sakanya pero hindi niya ako sinagot.









Pagkatapos ng pagpupulong naisipan kong bumalik muna sa gallery. Hawak ko na ang handla ng pintuan ng may narinig akong ungol mula sa loob ng opisina ko. 'What the fuck?' Kumatok ako sa pintuan para malaman nila na nasa labas ako. Narinig ko mula sa pwesto ko kung pano nagmura si Levi dahil hindi niya mahanap yung boxer shorts niya. Binuksan ko ang pintuan at nakita kong naka upo si Ave sa sofa habang inaayos ang damit niya at si Levi naman ay naglalagay ng belt niya.



Tumatawa ako habang naglalakad sa lamesa ko bago ako umupo sa swivel chair napansin ko ang boxer shorts na nasa upuan ko kinuha ko ito bago tumingin kay Levi “Nakalimutan mo ata toh.” tugon ko bago ko itinapon sa mukha niya yung boxers niya. Parehas naman silang namula dahil sa hiya. “Iniwan ko kayo para magbantay dito hindi para kainin ang isa't isa.” pang aasar ko.



“Kamusta yung meeting Primo?” tanong sakin ni Ave kaya bigla akong sumeryoso para sabihin sakanila ang sinabi sakin ni papa. “Ayaw na nilang ipagpatuloy ang plano.” panimula ko. “Hahayaan nalang ba natin na kumitio ng mga inosente ang grupo nila Avros?” tanong sakin ni Ave. “Syempre hindi isa pa hindi naman ang mga tao ang papatayin ng grupo niya sa susunod na kabilugan ng buwan kundi tayo at mga bampira na nasa HQ. Hindi pa alam nila papa na sila ang aatakihin ng grupo nila Avros kaya kailangan nating magtrabaho ng tahimik. Kakausapin ko bukas sila Javob at Lucas tungkol dito. Isa pa gusto ni papa na putulin ko ang koneksyon ko kay Rae Cleo. May alam ka ba na kahit ano kay Rae?” tanong ko kay Ave “Wala Primo pero maghahanap ako ng pwedeng maging koneksyon niya sa papa mo.” sagot ni Ave.




Habang naguusap kami ni Ave napansin ko kung pano kinabahan si Levi nung binaggit ko ang pangalan ni  Rae. “Primo kung hindi ako nagkakamali isa ang mga Cleo sa royals bago pa man ang papa mo pero itinakwil sila sa posisyon nila ng lolo mo kaya ang papa mo ngayon ang namumuno pero patay na ang sila pero pwede rin na descendant si Rae.” paliwanag ni Levi tumango ako para hayaan siya na ipagpatuloy ang sinasabi niya. “Bago pa man mamuno ang pamilya niyo pamilyang Cleo ang namumuno sa pagkakaalam ko mabubuti silang bampira pero simula nung nalaman ng lolo mo na ang isa sa mga Cleo kay ay nagkaroon ng anak sa usang mundane agad silang tinanggal sa posisyon.” dagdag ni Levi.




“Pero si Jacob ay kalahating bampira at kalahating tao rin naman.” tugon ko. “Simula ng ang papa mo ang namuno wala ng naging problema ang mga bampira kung magkaroon man sila ng koneksyon sa tao pero satingin ko may mas malalim pang dahilan kung bakit gusto ng papa mo na putulin mo ang koneksyon mo kay Rae. Bakit hindi mo kausapin si Rae, tanungin mo siya tungkol sa pamilya niya baka malaman mo ang sagot kapag tinanong mo siya.” paliwanag ni Levi.





“Wag kang magalala Primo we got your back. Handa kaming lumaban para sa ikabubuti ng lahat.” sabay na sabi ni Levi at Ave. Hindi ko alam keep ng ano ang gagawin ko kung wala silang dalawa sa tabi ko.

Vampire's Love [ON HOLD]Where stories live. Discover now