01.4

100 2 0
                                    

HER P.O.V

“Ayos ka lang?” Tanong saakin ni Keith. Agad akong nagexhale, all this time pinipigilan ko lang ang huminga dahil natatakot akong malaman nya ang totoo.

Na hindi ko sya nakalimutan at hindi totoong may amnesia ako. Yes, it was only a ‘palusot’ or whatever you may call it. Kung tatanungin mo ang dahilan ay isa lang ang masasabi ko. Niloko nya ako ng mga panahong kami palang. Amanda? Amanda Fontanilla. That girl is pregnant with him. Or so she said. I don’t know. The last day na naandito ako at kinabukasan ang flight, that Amanda girl went to our house and talked to me.

“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, hiwalayan mo na si Elijah.” Nagulat ako sa sinabi nya saakin. Kung hindi ako nagkakamali, ex sya ni Elijah.

“And why would I do that?” Tanong ko. Normally, hindi ako mataray. I love seeing through positive thoughts and declining the negative ones but this situation is different. I need to stood still for our relationship.

“Because I’m pregnant at sya ang ama.” Hindi sana ako maniniwala sa sinabi nya pero ng iabot nya saakin ang isang papel ay parang nanghina ako at nawala sa sarili.

What a cute fetus. Though sobrang liit palang nya.

A cute fetus pero—

“Walang kasalanan ang bata sa nangyari samin ni Elijah, Alaira. Sorry. Hindi ko gustong paghiwalayin kayo pero… pero kailangan ng bata ang isang ama.” Sabi nya saakin habang naiyak.

Elijah… bakit? Akala ko ako lang? akala ko wala na kayo ni Amanda? Kung ganoon, bakit?

“P-pero—“ I tried to defend myself. I tried to defend na ako ang mas mahal at pipiliin ni Elijah.

“Nagmamakaawa ako sayo, Alaira!” Sabi nya sabay luhod. Gusto ko syang hayaan na nakaluhod lang dahil natatakot ako na baka pag tinulungan ko syang tumayo ay ma-misinterpret nya na ibinibigay ko sakanya si Eijah.

“Sinabi nya saakin na ako pa din ang mahal nya noong gabi na may nangyari saamin. Sinabi nya saakin na hahanap sya ng paraan para makipaghiwalay ka. Ayoko namang magmukha kang masama kung gagawan ka nya ng dahilan para hiwalayan mo sya. Kaya please, Alaira.” With that… tumulo ang luha ko at unti-unti akong napaupo sa lapag habang tulala at umiiyak.

“S-sige. Pinapalaya ko na sya. Pero hayaan mo akong makasama sya mamaya. Last na yun, Amanda. Last na.” Sabi ko. Hindi ko alam kung narinig nya dahil parang naibulong ko lang ata ang bawat letrang lumabas mula sa bibig ko.

Pero mukhang narinig nya dahil agad nya akong niyakap saka sya umalis. Ni hindi man lang nag thank you.

Hawak ko ngayon ang picture ng huli naming pagkikita. Pinilit kong ngumiti nun kasi nga huli na. nagpapicture pa kami kay Manong guard pero hindi ko na nakuha yung copy nito dati kaya kinuha ko ngayon kay Elijah. Masakit para saakin ang hindi sya balikan. Pero kailangan.

Asan kaya si Amanda? Kamusta kaya ang anak nila?

“May Christmas ball sainyo ah, may date ka na?” Tanong sakin ni Keith. Agad ko syang nilingon.

“Meron, aayain ko si Elijah.” Bulong ko.

“Itutuloy mo pa din kahit nasasaktan ka na? Paano pag nalaman nyang nagpapanggap ka lang? With all of those efforts na binibigay nya sayo, sa tingin mo matutuwa sya?” Naisip ko na din naman yan eh.

“Hindi nya malalaman. Bukas na yung last day ng one week na hinihingi nya. Bukas din ang ball. 12am aalis ako sa ball at hindi na magpapakita pang muli sakanya.” Sabi ko.

Yun lang naman ang goal ko sa pagbalik ko, ang tignan kung may nararamdaman pa sakin si Elijah at ang susunod paghigantihan sya. Hindi nya alam kung anong sakit ang idinulot saakin ng pagkaakaroon nya ng relasyon kay Amanda habang kami pa, the fact na nakabuntis pa sya. Nabulag ako sa America and no doctor could heal me. Walang gamot ang umepekto para makakita ulit ako. A Doctor says na may masakit na ala-ala akong natamo sa past na hindi kinaya ng utak ko kaya nagmalfunction. That is how I hate Elijah. Pero naibalik naman after years na nawala ang pagkagusto ko sakanya, or so I thought NAWALA when in fact, mas nag long pa ko sakanya.

Sa mga salitang binitiwan ni Keith sakin nun ako nabuhay… “It’s either gagaling ka at maghihiganti ka kay Elijah, or habang buhay ka ng bulag dahil sakanya.”

We tried psychology sessions every now and then so I could easily give up the pain I felt for him. And here I am trying to take revenge. Pero bakit nafofall ako lalo sa ways na ginagawa nya?

“Baka nafall ka na Alaira?” Marahas akong tumingin kay Keith.

“It’s Sofia, not Alaira. Alaira is dead.” The good girl Alaira is dead—

Or so I thought.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

01.Remember me this way..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon