01.2

125 5 4
                                    

"There are moments when I wish I could roll back the clock and take all the sadness away, but I have the feeling that if I did, the joy would be gone as well."

Nicholas Sparks, A Walk to Remember

Maaga palang, andito na ako agad sa classroom. Ako na nga ang nagbukas ng eskwelahan namin para kay Alaira ko eh.

Inaantay ko nalang syang dumating.

"Elijah, ang tagal naman nito eh." Sabi ni Rapha sa akin. Reklamador pa daw.

Pare-pareha kami ng mga kaibigan ko ang nagpabalik balik sa section na ito, ang dahilan ko nga ay ang pag babalik nya tapos itong mga ito naman eh sadyang tinatamad lang mag si-pasok kaya laging nabagsak.

"Inaantok pa 'ko, tsk." Reklamo ni Jao sakin.

Sinamaan ko sila ng tingin. Kahapon kasi, absent sila pero nung nalaman nilang pumasok ako kahapon, pumasok din sila ngayon.

"Manahimik na nga kayo, Elijah naman. Alam mo bang 5:30 am palang? Inaway mo pa yung guard kanina para lang papasukin tayo? Pag ako napa-guidance!" Pagsita sakin ni Red. Ayan, saaming apat, siya lang ang grumadweyt at nakatungtong sa college ng walang drop o bagsak.

Nung una nga, kagagalitan pa sana namin sya kasi iniwan kami sa ere pero naisip din namin na hindi namin sya dapat dinadamay sa ganito lalo pa't gustong gusto na nyang maikasal sa Girl friend nya.

"Hindi yan, arte mo naman eh." Sabi ni Jao.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagfocus ako sa pagsara at pag bukas ng pintuan. Mamaya bigla syang pumasok eh.

"Bahala nga kay— ARAY PUTSNAMAN EH!" Napatingin kaming lahat kay Red na nakasalampak sa sahig. Ay nako! Tumayo ako at pinuntahan sya.

Nagulat ako ng iabot nya yung kamay nya sakin. Anong akala nya? Sya ang itatayo ko? Kinuha ko yung plastic kung na naging dahilan ng pagkakadapa nya saka ko chineck yung laman.

"T.I pre, real friend. Tsk." Sabi niya saka tumayo mag isa at lumabas. Bahala sya dyan.

Inisa-isa ko lahat ng favourites nya kung wala bang nasira o ano man. Aba mahal ang mga ito!

"Masama pa nga daw ang pakiramdam ko."

"Mawawala din yan, ihi-heal ka Nya." Napangiti ako dahil nakarinig ako ng boses ng babae sa labas ng room tapos ayun nga.. Pumasok sila..

Kaso napasimangot ako. Hindi naman sya eh!

"Chii naman! Ngiting ngiti na yung tao oh!" Sigaw ni Jao kay Chii, yung isang babae.

Barkada namin si Chii, unica ija kumbaga. Kasama niya si Maeus, kaibigan niya.. Or should I say, bestfriend ni Alaira ko. Alam na kaya niya na dumating na si Alaira?

"Eh bakit ba kasi kayo naandito? Labas nga! Sa kabilang room kayo ah!" Sigaw ni Maeus. SERYOSO?! Sa kabilang room pa kami?!

"Sabi na nga ba dude eh, room ng section 1 'to. Section 3 tayo." Minsan, ang sarap konyotan nitong si Rapha eh, bakit hindi nya sinabi sakin?!

"Eh **** ka pala eh! Bakit 'di mo sinabi?" Sita ko sakanya na akmang manununtok ng biglang may pumasok na isa pa.

"GIRLS! Si Ate Alaira bumalik na!"

"Seryoso?!" Sigaw ni Maeus kay Queen, sya yung girlfriend ni Red na nagwalk out kanina. 3 years ang tanda namin sa mga babaeng ito pero kay Alaira ko, 1 years lang. Oh bakit? 365 days kaya 1 yearS.

01.Remember me this way..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon