CHAPTER ONE: I FOUND HER.

5 1 0
                                    

[ARABELLA's POV]

"Ara, gusto mo bang sumama sa akin?" biglang tanong ni Mama sa akin.

{Nilingon ko naman siya na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.}

"Saan naman po?"

"Kailangan ko kasing maningil ng utang doon sa nangutang sa atin noong nakaraang linggo." sagot naman ni Mama.

"Sige po." sagot ko.

"Magbihis ka na muna."

"Sige po. Teka lang." sagot ko at dali-daling tumayo para magtungo sa aking kwarto.

{Nagbihis na ako sa isang komportableng kasuotan at pumunta agad sa tabi ni Mama.}

"Tara na po?" pag-aaya ko sa kaniya.

{Tumango naman siya at tumayo na din kaagad. Nakahawak lang ako sa braso ni Mama habang nilalakad namin ang tahimik na kalsada. Wala kasi kaming kotse o motor para masakyan. Simple lang naman kasi ang buhay namin atsaka hindi talaga ata bagay sa akin ang pagmamaneho ng mga sasakyan. Maganda din naman kasing maglakad lalo na kung ang madadaan mo ay puro puno at tanaw-tanaw mo ang malawak na palayan na nasa gilid ng kalsada.}

"Ang ganda ng bahay na 'yan, oh?"

{Napalingon naman ako sa tinuro ni Mama na malaking bahay. Maganda nga ito pero hindi pa tapos dahil sa wala pa itong pintura. Mukhang bago pa ito naitayo.}

"Hindi nga lang tapos." sagot ko naman.

{Nginitian naman ako ni Mama at nagpatuloy na lang din kami sa paglalakad. Hindi pa din maalis ang paningin ko sa isa sa mga naglalakihang nakasarado na glass window. Pakiramdam ko kasi may nakatingin sa akin galing sa loob ng bahay na iyon. Kahit pa nakakalayo na kami ay ramdam ko pa din ang tinatawag nilang "goosebumps" sa tuwing may nakatitig sa iyo. Umiling-iling na lang ako sa naisip ko at pinagsawalang-bahala ang aking nararamdaman at nakipag-usap na lang kay Mama habang naglalakad.}

[CIRO's POV]

"Dude? Ano? May napili ka na ba na magiging date mo?"

{Napabuntong-hininga naman ako at umiling habang tatawa-tawang tinignan ang kaibigan ko na ngayon ay nakaupo sa sofa habang hawak ang baso na may lamang alak.}

"Wala pa, eh."

{Halos mabilaukan naman siya sa naging sagot ko.}

"What?! Sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa sayo at naging ex's mo, wala ka man lang mapili para dalhin sa party? Isang gabi lang naman."

{Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi niya at napatingin sa harap ng bintana habang nakapamulsang nakatanaw sa labas.}

"If you don't want to find a partner for that night, ako na bahalang mamili para sa'yo. Is that okay for you?"

{Hindi naman ako nakasagot sa sinabi ng kaibigan ko ng makita ko ang babaeng nakatingin sa harap ng bahay ko. Wala siyang eksprisyon na nakatingin at tila kinilabutan ako dahil pakiramdam ko ay nakikita niya ako ngayon kahit pa alam ko namang tinted ang mga bintana ko dito sa bahay.}

"Hoy! Nakikinig ka ba sa akin?!"

"May nakita na ako." biglang lumabas sa bibig ko.

{Napatayo naman siya at tinabihan ako sa aking kinatatayuan.}

"Anong pinagsasabi mo?"

{Napatingin naman siya sa tinitignan ko nang hindi ako sumagot. Alam kong kumunot na ang noo nitong katabi ko sa kaniyang naiisip. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at kinunan ng larawan ang babaeng nakatingin sa gawi namin. Masyado ng high-tech ang panahon ngayon kaya mas madali na lang para sa akin ang makunan siya ng klarong larawan at mahanap siya.}

"Tama ba ang iniisip ko? Huwag mong sabihing..." sabi niya ng hindi makapaniwala.

{Ngumisi naman ako at tinignan siya.}

"Yeah."

"Waah~" napapailing na sabi niya.

~*~

One Week Contract with the Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon