CHAPTER FIVE: D-4

2 2 0
                                    


[ARABELLA's POV]

"We're here." rinig kong sabi niya.

{Iminulat ko naman ang mga mata ko at tinanggal na ang seatbelt. Lumabas naman ako ng kotse niya.}

"Bella!"

{Napahinto naman ako sa paglalakad at nilingon si Ciro na ngayon ay nasa labas na din ng kotse niya.}

"Bakit?"

"Where's my thank you present?" tanong niya ng seryoso.

{Kumunot naman ang noo ko sa narinig ko. Sinasabi ko na nga ba may kapalit ang mga nakain ko kahapon. Ibang klase! Sana hindi na lang nagpa-samgyeopsal, eh."

"Anong pinagsasabi mo? Bangasan kita diy--"

{Napatahimik naman ako ng bigla siyang naglakad ng mabilis palapit sa akin at niyakap ako. Natameme naman ako dahil sa tanang buhay ko wala pang naglakas ng loob na yakapin ako.}

"Thank you present lang hinihingi ko ang dami mo ng sinasabi." sabi niya.

{Tinulak ko naman siya ng malakas kaya napakalas siya sa pagkakayap sa akin. Para naman akong hinugutan ng hininga. Hindi ako makahinga at hindi ko alam kung bakit. Parang umakyat lahat dugo ko sa ulo ko.}

"Sinong may sabi sayong yakapin ako bigla-bigla, ha?!"

"Sarili ko ang nag-utos sa akin."

"Pwes, pakisabi sa sarili mo na hindi ko nagustuhan ang inaakto mo. Hindi kita boyfriend para malaya kang gawin ang mga bagay na iyan."

{Tinalikuran ko na siya dahil sa inis at naglakad na.}

"Then, I'll be your boyfriend now!"

{Pakiramdam ko umusok na ang tenga at ilong ko dahil sa inis at hiya. Pinagtitinginan na kami ng mga chismosang mga estudyante na parang tangang kinikilig dahil lang sa gwapo ang nakikita nila. I took a deep breath bago hinarap si Ciro at inangat ang kamao ko.}

"Sasapakin mo ba ako?"

{Umiling ako at nginisihan siya ng sarkastiko at dahan-dahang inikot ang kanang kamay ko at unti-unting tumaas ang pinky finger ng kaliwang kamay ko and I mouthed "F*ck ya!". Nilagay naman niya sa loob ng bulsa niya ang magkabilang kamay niya at nginitian ako bago sumagot ng...}

"I like ya!"

~*~

"Ara."

{Napaangat naman ako ng tingin at nakita ang kaklase ko na si Klei. Hindi kami close at wala akong ka-close sa eskwelahang ito dahil alam naman nating lahat na lalapitan ka lang kapag may kailangan sa'yo ang isang tao. Tapos kapag wala na ay iiwanan ka lang din kaagad.}

{Hindi ko siya sinagot at ibinalik sa libro ang atensiyon ko. Umupo naman siya sa kaharap ko na upuan at nilapag ang mga libro na hawak niya at tinignan ako.}

"May sasabihin ka?" masungit na tanong ko.

"Ahh...Ano kasi, kilala mo ba 'yung lalaking naghatid sa'yo kaninang umaga?"

"Magpapahatid ba ako kung hindi ko kilala?" sarkastikong sagot ko.

"Tama ka." napapahiyang pagsang-ayon niya.

"Interesado ka sa kaniya?"

"Oo. Pwede mo ba akong ipakilala sa kan--"

"Ayoko." sagot ko na hindi pa rin siya pinapasadahan ng tingin.

"Bakit? Boyfriend mo ba siya?"

"Hindi."

"Bakit ayaw mong ipakilala ako sa kaniya?"

{Ibinagsak ko ang librong hawak ko dahilan para magsilingunan ang mga estudyante sa gawi namin na tahimik na nagbabasa ng libro o gumagawa ng assignments. Buti na lang lumabas ang librarian. Tumayo ako at tinignan siya ng seryoso.}

"Una, are we close enough? Sa pagkakatanda ko ay, ito ang una nating pag-uusap. Pangalawa, kung gusto mong magpakilala, ikaw ang kumausap sa kaniya. Wala akong oras para maging tulay niyo." sabi ko at umalis na.

~*~

"Bella!" he waved at me and smile.

Naglakad na lang ako patungo sa kaniya at huminto sa harap niya.

"Bakit andito ka?"

"Hindi ba't hatid-sundo kita?"

"Wala ka bang duty ngayon?"

"Don't worry, I'm free."

"Buti na lang walang nababalitang madaming nasasawi ang buhay sa pinagtatrabahuhan mong hospital. Palagi kang free, eh."

{Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko kaya hinawakan ko ito aalisin na sana nang..}

"Hi? Excuse me."

{Sabay naman kaming napalingon sa likod ko at nakita si Klei na nakatayo sa harap namin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at hindi man lang ako pinansin.}

"Yes?" sagot naman ni Ciro.

"Hi. I am Klei by the way. Kaklase ako ni Ara. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" nahihiya pang sabi niya.

{Napaikot naman ang mga mata ko. Tinanggal ko na ang kamay ni Ciro sa ulo ko at iniwanan sila. Tsk. May oras pang makipag-kwentuhan sa iba. Pumasok na lang ako sa kotse niya at nag-krus ng mga kamay. Isinalpak ko din ang headset ko.}

{Naramdaman ko na lang na may sumusundot sa akin kaya tinanggal ko ang headset ko.}

"Hey." nakangiting sabi niya.

"Anong hini-hey mo?" masungit na tanong ko.

{Tumawa naman siya na nakatingin sa akin. Pakiramdam ko magkaka-high blood ako ng wala sa oras nang dahil sa lalaking ito.}

"Are you okay? You seem more getting grouchy now."

"Ha! I don't care." sagot ko.

"By any chance...Are you...jealous?"

{Napahinto naman ako at napatingin ulit sa kaniya.}

"Nananaginip ka ata. Gumising ka kaya muna. Bakit naman ako magseselos kung wala namang tayo?"

"Did you forget? I'm your boyfriend for a week."

{I smile fakely.}

"Pumayag ba ako? Asa ka pa."

"Well, ikaw bahala." bulalas niya habang nakangiti.

{Napaikot na lang ang mga mata ko at tumingin sa labas. Napapansin ko na mas napapadalas na ang pag-ikot ng mga mata ko. Hindi kaya "ikot-mata syndrome" na ito? Tanungin ko kaya siya? Tsk. Asa!}

{Nang makarating na kami sa harap ng gate ng bahay ko ay inalis ko na agad ang seatbelt at lumabas ng kotse niya. Hindi ko alam kung bakit parang mas naiinis ako sa lalaking 'to ngayong araw na ito. Hindi pa ako nakakaramdam ng ganito ka-grabe na inis simula ng araw na iniwanan kami ng Papa ko. Bubuksan ko na sana ang gate ng tinawag niya ako kaya hinarap ko kaagad siya na nakataas ang kilay.}

"Bakit?"

"HAHAHA! Hindi pa rin nawawala ang inis mo?"

"Pake mo? May sasabihin ka? Kung wala ay papasok na ako dahil mag-aaral pa ako para sa darating na exam namin." sabi ko.

"Hm...try to take a deep three breath para mawala ang inis mo. Alam mo nakakasama sa puso iyan." sabi niya at ngumiti ng matamis.

{I stopped for about five seconds wondering kung paano kaya kung jowa ko nga siya siguro magkaka-heart attack ako ng wala sa oras.}

"Okay."

{Tumalikod na ako at narinig ko na lang siya na nag-good night sa akin.}

~*~

One Week Contract with the Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon