CHAPTER FOUR: D-5

2 2 0
                                    


[ARABELLA's POV]

"Ma! Alis na po ako!"

"Mag-iingat ka."

"Opo. Ikaw din po." sagot ko.

{Bago pa man ako makalabas sa gate ay sumigaw ulit si Mama habang nakatayo sa pintuan ng sala.}

"I love you!"

{Nilingon ko naman si Mama at nginitian. Nag-heart shape naman ako sa kamay at pinakita sa kaniya.}

"I love you more!" sagot ko.

"Ingat!"

{Nag-wave na lang ako at nakangiting binuksan ang gate.}

"Wala din ba akong "I love you more"?"

{Napasandal naman ako sa gate dahil sa gulat.}

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ang ganda naman ng ngiti mo. Dalas-dalasan mo kaya?"

{Hindi niya pinansin ang tanong ko. Umalis naman siya sa pagkakasandal sa kotse niya at nilapitan ako.}

"Psh." sabi ko.

{Iniwasan ko siya at lalagpasan na sana siya pero napigilan niya ako.}

"Hatid na kita."

"Hindi na." sagot ko.

"Hatid na kita."

"Hindi na."

"Hatid na kita."

"Hindi na."

"Kidnappin na lang kaya kita. Gusto mo?"

{Hindi ko na siya sinagot at pumasok na sa kotse niya. Nakita ko naman siyang nakangiting umiling-iling bago pumasok na din sa driver's seat.}

"Papahatid ka rin pala, eh." sabi niya.

"Maingay ka kasi." sabi ko.

"Sabi mo, eh. HAHAHA!"

{Ini-start na niya ang makina at pinaandar na ang kotse.}

"Half day ka ngayon, di'ba?"

"Paano mo nalaman?"

"Nagtanong ako sa kaklase mo." sagot niya at nginitian ako.

"Bakit?"

"Date tayo?"

"Uuwi ako ng maaga." sagot ko at pumikit.

"Hm, how about I'll treat you for lunch?"

"Saan?"

"Korean Restaurant? Samgyeopsal?"

"Deal." mabilis na sagot ko.

"Woah! Ang bilis naman ata?"

"Pagkain, eh." sagot ko.

"I forgot. Don't eat too much."

{Napamulat naman ako sa narinig ko at tinignan siya ng masama.}

"At bakit hindi?"

"Dahil baka tumaba ka sa party."

{Nginisihan ko naman siya ng sarkastiko.}

"Tingin mo ba mapapayag mo ako? Sigurado ka ba na ako talaga ang makaka-partner mo? Atsaka, katawan ko 'to kaya ako magdedesisyon kung magiging mataba o mapayat ako sa party kung saka-sakaling mapilit mo ako."

{Ngumiti naman siya.}

"Okay. Alright."

"Tumahimik ka na dahil iidlip lang ako."

One Week Contract with the Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon