CHAPTER SIX: D-3

2 2 0
                                    


[ARABELLA's POV]

"Buti na lang wala kang pasok ngayon at hindi ko duty ngayon." sabi niya habang tinitignan ako na kumakain ng cornetto.

{Nilingon ko naman siya at tinanguan.}

"Bakit hindi ka nagsasalita?"

{My tongue stopped in the mid-air when I saw him pouted. Hindi ko alam pero bigla-bigla na lang huminto tapos bumilis ng bumilis ang pagtibok ng puso ko. Siguro kasi ngayon lang din ako nakakita ng lalaking ngumunguso sa harap ko. I admit that it's kinda cute.}

{When I finally had the chance to sink all what I saw ay tumikhim na lang ako.}

"Ikaw ba ay anti-social na tao?" biglang tanong niya.

"Bakit?"

"Kasi, I haven't seen you hanging around with the others. You always stayed in your house. School at bahay ka lang. Kung hindi kita niyaya ng gaya ngayon na lumabas ng bahay maaabutan kita na nakahilata sa loob ng kwarto mo at nagbabasa ng libro. Ayaw mo ba sa mga tao?"

{I stop licking my cornetto at seryosong nakatingin sa kawalan and heaved a deep sigh.}

"You know if something's bothering you, you can tell me. Afterall, I'm a doctor."

"Hayy...hindi naman sa ayaw ko. Natatakot lang ako."

"Hm? Natatakot saan? Nakakatakot ba ang mga itsura naming lahat sa paningin mo?"

{Napatawa naman ako sa sinabi niya at sinuntok siya sa kaniyang braso dahilan para magulat siya at kalaunan ay ngumiti rin.}

"Alam mo, ikaw pa lang ang naglakas ng loob na i-approach ako, kausapin ako kahit nakataas na ang kilay ko o kaya kahit ang sakit ko na magsalita, yayain akong lumabas at tanungin kung kumusta ako at anong tumatakbo sa isip ko."

"I deal a lot of different patients kaya hindi ka na rin bago sa akin. So, what are you afraid of?"

"Natatakot akong magtiwala sa mga taong nakapaligid sa akin except for my mother of course. Nagsimula ito noong iniwanan kami ng Papa ko."

"Nasaan ba ang Papa mo?"

"Sumakabilang-bahay na."

"Sabi ko noon, I want to marry a man na kaparehas ng Papa ko kasi napaka-responsable at mapagmahal na tao. I trusted him pero hindi ko inaasahan na may tinatago pala siya sa amin ni Mama. Kaya ayon, natakot na akong magbigay ulit ng tiwala sa kahit na sino. I distance myself from everybody. I talked to them kapag about sa school pero beyond that, wala na." dagdag ko pa.

{Naramdaman ko na lang ang mga kamay niya na pina-pat ang balikat ko tapos hinaplos ang buhok ko.}

"You don't deserve to be trapped in your dark and heart breaking past. Lahat naman tayo may kaniya-kaniyang pinagdadaanan. Ang kailangan lang nating gawin ay tanggapin ang nangyari at matutong tumayo ulit para sa nakaharap nating kinabukasan."

{I look at him and I witness again his smile.}

"You talked like an old man."

"I'm still 25, my lady."

"Psh."

"HAHAHAHA! Yaaan~ bumalik ka na ulit sa dating ikaw."

"Ewan ko sayo!" sabi ko at ngumiti.

{Tinitigan naman niya ako kaya medyo nailang ako. Inilayo ko ang mukha niya pero tumingin ulit siya sa akin.}

"Alam mo bang ang meaning ng pangalan mo ay "beauty"? The exact definition of you. You are beautiful, Bella." sabi niya at hinawi ang iilang hibla ng buhok ko na nakatakip sa mukha ko sanhi ng hangin.

{I took a deep breath again as I felt something unfamiliar.}

~*~

"Hayy! Sa wakas! Tapos na rin ang exam! Nakakapagoooood~" rinig kong sigaw ng kaklase ko habang naglalakad palabas ng gate.

"Saan niyo gustong pumunta? Pampawala ng pagod."

"Karaoke bar?!"

"Game!"

{Napakapit na lang ako sa strap ng bag ko dahil kahit ako ay napagod din naman sa nakakadugong-utak na exam kanina. Kulang pa ako sa tulog at hindi ko pa nakikita si Ciro simula kahapon. Sabi niya busy daw siya dahil may mga inaasikaso siyang mga pasyente at may emergency surgery din siya. Napayuko ako at bumuntong-hininga. Bakit nakakapagod naman ata ngayon? Namimiss ko din ata ang presens--No! It's not true.}

{Iniangat ko ang ulo ko at siya din namang paglitaw ni Ciro sa harap ko na ngayon ay nakangiti na naman ng ubod ng tamis.}

"Hey." marahang bati niya.

{Hindi ko siya sinagot at nananatiling nakakunot ang noo ko at nakanguso naman ang labi ko. Pakiramdam ko maiiyak ako dahil sa wakas nakita ko na rin ang gusto kong makita. Alam mo ang pakiramdam na ganoon? Pero tama ba ang nararamdaman ko?}

{Nabigla ako sa paghawak niya sa magkabilang gilid ng labi ko at pinormang nakangiti.}

"Smile. I'll treat you today. Good job!"

"Para saan?"

"Natapos rin ang exam mo na walang nakikitang inspirasyon." pagbibiro niya.

"Gago!"

{Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa kotse niya.}

"Saan tayo pupunta?"

"Sa lugar na mawawala ang pagod ng utak at katawan mo." sagot niya.

{Dinala niya ako sa isang magandang restaurant at pinakain ng marami. Nag-arcade kami at dinala niya ako sa isang spa at aaminin kong nawala lahat ng stress sa katawan ko. Feeling ko refresh na refresh na ako.}

"Nag-enjoy ka ba?"

"Hmm~ Sobra."

"That's good to know." sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Halika na. Baka hinahanap ka na ni Tita. Medyo gumagabi na rin."

{Tumango lang ako habang nakangiti.}

{Nang makarating kami sa harap ng bahay namin ay hindi na siya pumasok sa loob dahil may importante daw siyang appointment na pupuntahan. Nagkatitigan lang kami habang nakatayo ng magkaharap.}

"Sige na. Baka ma-late ka sa appointment mo. Mag-iingat ka sa pagda-drive." sabi ko.

"Okay."

{Hinila naman niya ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko dahilan para bumilis ulit ang takbo ng puso ko.}

"Good night. Rest for today para mas gumanda ka pa sa darating na party."

"Pumayag na ba ako?" tanong ko.

"I'm sure you will. Gotta go."

{Nag-wave na lang ako sa kaniya hanggang sa makalayo na siya bago ako pumasok sa loob ng bahay namin ng may ngiti sa labi.}

~*~

One Week Contract with the Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon