"Vien, let's go baka maubusan tayo ng streetfoods ! " I exclaimed to my friend, Vien.Inaayos niya ang pagkakalagay ng mga notebook sa bag niya nang tawagin ko siya.
"Meyumi huwag ka nga laging nagmamadali sinabi mo na naman kay Mang Thomas na ipagtira ka diba?" she said, nagtrauma na kaya ako kasi lagi kaming nauubusan ng mga tinda ni Mang Thomas.
"Kung binibilisan mo na kaya?" I exclaimed.
"Ito na ito na bibilisan na, nang wawarshock ka naman e." sigaw niya kaya napatawa naman ako.
Lumabas na kami sa classroom namin.
"Kikiam lima, fishball lima, palamig lima bayad bente sukli lima, kung di ka bibili umalis ka na." nagkakakanta at nagtatatalon ako habang naglalakad kami palabas sa gate namin.
"Alam mo Meyumi gutom lang yan. Hinaan mo nga boses mo nakakahiya kang kasama e." sabi niya sa akin, habang pinagtitinginan na kaming dalawa dahil sa boses ko, pero wala akong care.
"Ang tagal mo kasing mag ayos ng gamit mo, guguluhin mo rin naman yan bukas e." sabi ko at inirapan ko siya hinila lang naman niya ko kaya napatawa ako.
Nang makalabas kami ni Vien ay nakita na agad namin ang iba't ibang tinda. May fishball, kikiam, kwek kwek, ihaw, chicken proven, iba't ibang klase ng palamig at kung anu- ano pa. Lumapit kami sa tindahan ni Mang Thomas ang paborito naming kaininan.
Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na animo'y ayaw masikatin ng araw dahil balot na balot, kinakausap siya ni Mang Thomas.
"Hello po Mang Thomas nasaan na yung pinareserve namin?" masayang tanong ko.
Napakamot si Mang Thomas sa ulo niya. "Nako ineng, nandiyan ka na pala? Pasensiya ka na, naubos na niya lahat eh!" sabi niya at tinuro ang lalaki.
Napalingon sa amin ang lalaki hindi ko siya mamukaan dahil nakashades siya at nakacap habang kumakain, sinamaan ko ito ng tingin.
"Manong naman!" I whined like a kid.
"Kanina ko pa iniisip yung fishball, kikiam, at kwek kwek niyo. Chinat pa naman kita Manong na ipagtira mo ako." atungal ko.
"Meyumi, hayaan mo na sa iba nalang tayo kumain." yaya ni Vien sa akin.
"Gusto ko kila Manong. Ang sarap ng sauce nila." sabi ko at napatingin ako sa sauce nila Manong, madami pa naman.
"Manong pwedeng dito kami kumain tapos penge kami ng sauce?" I asked.
"Pwede naman Ineng, pasensiya na bukas babawi ako." tumango tango naman ako, napapalakpak ako at hinila ko si Vien sa kabilang kainan.
Kumuha na kami ng iba't ibang klase ng streetfoods. Bumili din ako ng pares pagkatapos noon ay pumunta kami kila Mang Thomas nakita ko na kumakain pa rin doon yung lalaki. Binigyan na kami ng sauce ni Mang Thomas.
Sinubo ko ay isang buong kwek kwek, gusto kong sumigaw sa sarap, "Hindi talaga ako naniniwala doon sa 'masarap kahit walang sauce," sabi ko kay Vien napatawa naman sa akin si Vien.
Nakakailang kwek kwek at fishball na ako pero di pa din ako nagsasawa. Isusubo ko na sana ang kikiam nang mapansin ko na nakatingin sa akin yung lalaki. Hindi naman sa assuming pero sa tingin ko ako ang tinitingnan.
"You want some?" I asked him, kunwari lang na gusto kong mag alok pero sana huwag siya kumuha.
"Can I?" nagulat ako at napatingin ako sa plato niya. Ubos na lahat ng kinakain niya.
Dahan-dahan akong tumango kahit hindi sang ayon. Lumapit sa akin ang lalaki at naamoy ko agad ang bango niya. Putek! Napatulala ako sa kanya kahit di ko kita ang muka niya ay alam ko na pogi siya.
Hinanap ng mata ko si Vien pero naaalala ko na wala nga pala siya dahil nabili siyang palamig.
I'm good at conversation pero natameme yata ako ngayon. Kumain kami ng tahimik, matakaw talaga siya at ayaw magpatalo buti nalang ay madami akong binili. Dumating na din si Vien at ibinigay sa akin ang binili niyang palamig.
"Gusto mo rin nito?" I asked him pero umiling siya.
"Thank you for the food. Una na ako." he patted my head and smiled at me.
Natulala ako sa ginawa niya. "Kilala mo yun Meyumi?" tanong sa akin ni Vien.
"U.. Uhm medyo." sabi ko nalang.
Years passed, I'm second year college now, nagbabantay ako sa shop ni Tita dahil kailangan ko ng money kasi naman madami dami rin yung na-add to cart ko sa Lazada at Shopee.
Unknown Number:
If you were a vegetable you'd be a cutecumber. Good morning!Ilang taon na nagtetext sa akin 'tong unknown number na ito. Minsan ko na rin itong tinawagan pero ayaw niyang sumagot kaya hinayaan ko nalang. Tuwing umaga ay laging nakabungad sa akin ang text niya. Malaman ko lang talaga kung sino 'to jojowain ko agad 'to.
"Ang bobo mo naman maglaro Joshua, bilisan mo naman yang kamay mo."
"Bobo ka rin, tingnan mo nga yan unggoy lang hindi mo pa mapatay." lumapit ako sa mga batang nag aaway.
"Hoy anong pinag aawayan niyo, gusto niyo bang paalisin ko kayo rito?" masungit na sabi ko sa kanila, kailangang masungit ka para maniwala at matakot sila.
"Eh kasi naman Ate Ganda ang bobo kasapi nitong si Kenneth." sumbong sa akin ni Joshua.
"Mas bobo ka!"
"Pinakabobo ka!"
"Staph! Staph! Staph!" pigil ko sa kanila dahil parang magsusuntukan na.
"Ano bang nilalaro niyo? Gusto niyo iligtas ko kayo? Magaling ako mangligtas, mother kaya ako dati sa chinese garter."
"Talaga po ba Ate?"
"Oo naman, yakang yaka ko yan." tumingin ako sa screen ng nilalaro nila, mapapasabak yata ako dito.
Napipindot ako sa keyboard, "Ate hindi ka naman yata maalam e, pabibo ka."
"Maalam ako, turuan niyo muna ako kung ano ang pipindutin." napakamot ng ulo ang dalawa pero tinuruan naman nila ako.
Sus, basic lang naman pala.
"Sandali lang mga bata tatalunin natin yang mga monster na yan." lumapit ako sa counter at kinuha ang ballpen doon tinusok at pinaikot ikot ko iyon sa buhok ko.
At tadah! I'm ready to defeat you.
Lumapit ako sa dalawang bata na inaabangan ako, pinindot pindot ko ang keyboard.
"Tingnan niyo, tingnan niyo. Ang galing ko." pagyayabang ko sa kanila.
"Ate Ganda madali lang naman talunin yan e, mga monkey lang yan." sabi niya.
"Oo nga Ate, kami na nga ang maglalaro." tinaboy taboy ako ng dalawa wala na akong magawa kundi umalis.
Napataas ako ng kilay, "Empire Combat World huh. Makikita niyo tatalunin ko kayo." I muttered.
Simula noon ay talagang pinagpraktisan ko ang paglalaro noon, dumami nang dumami at yumaman ako nang yumaman.
May bahay at lupa na ako, may mga gold, may iba't ibang klase na damit at sapatos sa laro na iyon.
And now, maipagmamayabang ko sa apo ng anak ko na Rank 5 na ako sa Empire Combat Academy.
I slowly, smiled.

BINABASA MO ANG
Savannah Meyumi
General FictionSavannah Meyumi Dy a college student. Only two things she wants in her life- to graduate and earn a lot of money to help her parents. But one day, she is helping her Auntie when she discovered something, a computer game. Her attention focused on it...