Inilibot ko ang mata ko sa Empire Sports Academy totoo palang may ganitong school. Mauubusan ako ng adjectives sa pag eexplain ko kung gaano kaganda nito."Hi" my eyes shifted when someone called me.
"Me?" I asked innocently she nodded.
"Bakit?" I asked her while smiling.
"Nagtatagalog ka pala," she pouted napakunot naman ang noo ko doon.
"Mukha ka kasing may lahi e. Ang ganda ganda mo pa, para kang model." she said in excitement voice.
I smiled shyly, "Hindi naman, hmm bago ka din ba dito?" I asked her.
"Oo e.. I'm Jewel Anj Delfin" she said while smiling.
"I'm Savannah Dy." I said
"Pwede ko bang makita yung email na sinend sayo?" she asked, pinakita ko yung email ko.
"OMG. Parehas tayo ng club na sasalihan."she exclaimed.
"Club?"
"Yes club, Lets go, let's find our room muna, bago natin libutin itong Academy." sumang ayon naman ako sa sinabi niya kaya sabay naming hinanap yung dorm namin.
"Anong rank mo ECW."she asked me.
"Hmmm.." nag aalinlangan kong sabi.
"Okay lang naman kahit di mo sabihin pero Rank 100 na ako, biruin mo yun sa ilang milyon na naglalaro noon naka-100 pa ako" she said in a laughing small voice.
"Ikaw ba? Siguro malayo ka pa ano?" pang aasar niya pero nagkibit balikat nalang ako.
Nang makita namin ang dorm namin ay pumasok na kami. Sabi sa amin ay sa lunes pa daw ang pasukan namin medyo matagal pa. Kailangan ko munang makibagay sa lugar na ito.
"Hi Good afternoon" We greeted when we saw a woman, siguro mga 50's na siya, pero sobrang ganda pa din.
"Hi! Welcome to Empire Sports Academy. I'm Delphina Felipe, the Mayordoma/ Manager of this Dorm. You can only enter here if you find this item." sabi niya at pinakita niya sa aming yung mga item na hahanapin.
A pair of shoes, fruits and vegetables ,and lastly a puppy.
Pumasok kasi sa isang room, nahulaan ko na agad na ito ay isang gaming room. Namangha ako sa nakita ko, bilang isang gamer parang nasa heaven na ako ngayon sa nakikita ko. Nilibot ko ang mata ko, white and black ang theme ng room na ito. Mas gaganda sana kung may LED lights pero sino ako para magcommand.
Para na itong bahay sa laki. Kulong na kulong ito dahil natitiyak ko na isa itong sound proof. Hindi ko mabilang kong ilan ang mga pc at monitor ang nandito.
Lumapit ako sa isang gaming chair. Napangiti ako, sumulyap ako sa ilang kababaihan na katulad ko at nagsisimula na din siguro sa paghahanap ng item.
Pinaupo na kami sa isang pc. Nagulat ako namatay ang liwanag pero pumalit dito ang LED light na kulay Neon.
"Wow," namamahanga na sabi namin ni Anj. Bukas na din ang computer namin.
"No need to login your account in ECW just click the link and play the game." the Mayordama said.
I click the link and after a seconds I saw a female character wearing a red armor. Namahanga ako sa ganda nang character. Her hair is black and very shiny.
I think I need to change my outfit sa ECW pero wala pa akong ganoon na mga armor.
I need to think where I going to find a puppy and a pair of shoes. Madali lang naman mahanap ang fruits and vegetables.
Minutes passed, I already completely my mission.
Nagulat ang Mayordama sa pagtayo ko.
"What? You're already done?" she asked
"Yes po," I said.
"Seriously? Mahirap hanapin yun, ang iba ay naabot ng ilang araw sa paghahanap. Paano mo kaagad nakita iyon?" she asked me.
I smiled nervously. "I just used my mind po." I said. Sabi ko naman sa larong ito dapat may common sense ka.
"Adorable.." she said while fixing her glasses. I just smiled at her.
"Hmm pwede ka na mauna sa room mo. Ms. Santos come here assist her." she called one of her assistant.
"Thank you.." i said and smiled at her. Napasulyap naman ako kay Anj na seryoso sa paghahanap ng item.
Napansin yata ni Anj na nakatingin ako sa kanya.
She pouted "Help." she muttered while chuckling.
"Sige na Ms. Dy go upstair." nagpaalam na ako sa kanila.
Namangha ako sa ganda ng interior ng dorm na ito, para sa akin ay hindi ito matatawag na dorm sa ganda. It is so elegant!
Pumasok kami sa isang elevator, nakita ko na sa 6th floor kami.
Nang makalabas kami ay hindi ko na mapigilan ang maexcite.
"Ahm ako na po dyan." sabi ko at kinukuha yung maleta ko na hawak ni Ms. Santos
"Hindi na trabaho namin 'to." she said. Tumigil kami sa isang kwarto.
Room 333, binuksan niya ito. Namangha ako sa nakita ko. Sobrang ganda!
"This is your room." she said while smiling
I smiled at her "Thank you po."
Ibinigay na niya sa akin ang maleta ko at yung susi ng kwarto na ito. Umalis na din kaagad siya.
I jumped in excitement, nakita ko na dalawa ang kama dito. So may kashare ako, sana lang ay si Anj dahil siya lang yung kilala ko dito.
I heaved sigh. "Goodluck Savannah Meyumi Dy. Kaya natin 'to." i said and everything went black.
BINABASA MO ANG
Savannah Meyumi
Ficción GeneralSavannah Meyumi Dy a college student. Only two things she wants in her life- to graduate and earn a lot of money to help her parents. But one day, she is helping her Auntie when she discovered something, a computer game. Her attention focused on it...