Nakangiti ako nang ako ay makarating na sa computer shop. Pagtapak ko sa loob ay parang nagtatalunan na ang puso ko, finally! Makakapaglaro na ulit ako after one day! Wala pa kasi akong laptop. You know we don't have a budget."Oh Meyumi, nandito ka na naman baka masira na yang mata mo kaka-computer mo!" she greeted?
"Minsan lang naman po." I pouted and fixed my hair.
"Nako ikaw talagang bata ka, araw araw ka ngang nandito, mamaya nandito na naman yung nanay mo. Ako na naman ang mayayari doon."
"Saglit lang naman po Tita Anz." napapakamot na ako sa ulo dahil pinagtitinginan na ako ng tao sa shop ang lakas kasi ng boses ni Tita.
"Siya sige na, sige na. Hindi naman kita mapipigilan bata ka. One hour lang ha?" tumango nalang ako sa sinabi niya kahit hindi ako sang-ayon na one hour lang.
Kinuha ko ang ballpen na hawak ko ay tinusok at pinaikot ikot ito sa buhok ko.
Tadahh! I'm ready to defeat you.
Dali dali kong binuksan ang account ko sa Empire Combat World-- it is massively multiplayer online role-playing game. Sobrang nakakaadik kasi talaga 'to promise, pwede ka pang magjowa. Sana all.
Nakita ko agad ang pagdating ng iba't ibang mensahe.
Widow_Jean:
Geisha_Meyu it is true?
Nag divorce na kayo ni Shadow_Gordon?"Viexen_Fire:
Geisha_Meyu he
is fooling you.
Kakadivorce niyo lang
but I saw him with
Venus_Cleo magpapakasal
na yata sila.Viexen_Fire:
Buti nalang nakipaghiwalay
ka roon.Pare-parehas ang laman ng messages ko, dalawang klase lang naman ng mga tao ang nagmemessage sayo. Yung isa concern at yung isa chismosa.
I really love playing Empire Combat World. Noong una binabash ko pa 'to kasi nga makakasira lang kaso nang nalaman ko na ayun tuloy na tuloy na. Madami kasing events dito. Like next next next next month magkakaroon ng Couple Battle, pwede kang manalo roon ng pera. I think mga 100,000 and golds para sa laro mo.
Dalawa lang naman ang paraan doon para manalo.
Una, kung magaling ka at sobrang talino mo pagdating sa pakikipaglaban talagang mananalo ka. Dapat mabilis ang mga kamay mo pero mahalaga pa din na mautak ka.Pangalawa ay kung makakahanap ka ng ka-couple mo at magpapakasal ka rito. Syempre sanib pwersa na yung skills niyo and your couple can help you if you have an enemy. Tapos pagmayaman pa 'yung asawa mo edi mayaman ka na rin.
Napairap nalang ako sa kawalan, hindi ko naman gusto na magpakasal sa kanya. Ginawa ko lang yun kasi mabibigyan ako ng baby panda na pwede kong alagaan at pwede ko iyong pakinabangan hanggang sa lumaki.
Viexen_Fire:
Geisha_Meyu bakit
ngayon ka lang nag online?
Kalat na kalat na
kaya daw naghiwalay kayo
kasi daw ayaw mo daw
makipagmeet
kay Shadow_Gordon.Geisha_Meyu:
Hayaan mo nalang
titigil din yan.Ilang buwan ding kaming naging mag-asawa ni Shadow_Gordon sa laro. Lagi niyang pinipilit na magkita kami. In this game wala akong ni isang kilala. Sila siguro ay nakapagmeet na but its a no for me. Ano naman gagawin ko doon? Hmpp.
Widow_Jean:
I'm sad rn
Geisha_Meyu, I'm a fan of
both of you kasi mauunahan
niyo na sana yung Rank
5 sa Empire Couple.
Pero ngayon ikaw nalang
ang Idol ko! Rank 5 ka na pala?
Help me din ha?
Rank 100 palang ako.Geisha_Meyu:
Thank you Widow_Jean,
common let's play I'll help you.Habang naglalaro ako ay napapansin akong nakatingin sa akin lumingon ako sa likod ko pero wala naman akong nakita. Ilang minuto ay naramdaman ko na naman.

BINABASA MO ANG
Savannah Meyumi
Ficción GeneralSavannah Meyumi Dy a college student. Only two things she wants in her life- to graduate and earn a lot of money to help her parents. But one day, she is helping her Auntie when she discovered something, a computer game. Her attention focused on it...