Title: The Writer's Pain
Genre: Sad?
Written by: Haha Writes⚠ Errors ahead
⚠ Plagiarism is a crime
💙 Open to criticism" Ano yung sasabihin mo Haha? " tanong ni mama
Nakangiti kong dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko at pinindot ang facebook app
Noong isang araw ko pa to gustong gusto sabihin sa kanya, alam kong di suporta ni mama at papa ang hilig ko sa pagsusulat pero siguro naman pag nakita niya ang improvement ko, suportahan niya ako diba?
" Ma, tignan mo " nakangiti ko paring sambit at binigay sa kanya ang cellphone, konti nalang ay maging kamukha ko na si Jeff the killer sa lapad ng ngiti ko
Nakakunoot niyang tinignan ang screen ng cellphone ko, ilang sandali pa ay di parin nagbabago ang kanyang expression
" Ano namang kalokohan to Haha!? " nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw
" So eto ang ginagawa mo sa nakaraang mga araw!? Ang akala ko pa naman ay nag aaral ka!? "
As expected
" Anong sabi ko sayo last week? Diba dapat ay maging scholar ka!? " eto nanaman kami
" Pero Ma, afford naman natin mag online class diba? " pabulong kong sambit
" So what if afford natin? Aabusuhin mo yun? Mas mabuting mag aral ka nalang kesa sayangin ang oras mo sa mga walangkwentang bagay tulad nito " sabi niya at binato sa akin ang cellphone ko at umalis, buti na lamang ay nasalo ko
Napabuntong hininga ako at napangiti ng mapait kahit nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata
Kahit ano talaga ang gawin ko di nila ako magawang suportahan
Suporta lang naman ang kailangan at gusto ko sa kanila, yun lang naman
Bat di pa nila maibigay?
Sadly, tulad ng iba, nakikita ko nadin ang sarili ko na magpopost ng:
Temporarily signing off as a writer, thank you for the support, Goodbye 😺🔪
With the reason na kailangan ko muna magfocus sa online class
Masusungkit din kita scholarship, hintay ka lang dyan
Ikaw naman pagsusulat, maghintay ka lang din babalikan kita
@haha