Chapter 2

19 2 0
                                        

Chapter 2

Mary Aiah De Guzman....

Daughter of Mr. Isaiah De Guzman.

My stepfather. My biological mother's late husband.

In short, Mary Aiah De Guzman was my stepsister.

Hindi kami madalas magkita. Hindi rin kasi ako madalas bumisita sa bahay ni mommy. Kadalasan kasi, nagkikita kami sa mall o ibang place para mag-bond.

Nakatira siya kasama si mommy at ang ate Yasmin ko sa bahay ng daddy niya.

Pinakasalan ni mommy si Tito Isaiah, nung seven years old ako. That time, nakatira na ako kay daddy.

Aksidente iyong nangyari kay mommy and daddy. My father was drunk when I was made.

Byuda nun si mommy sa una niyang asawa. Ang daddy ng ate Yasmin ko na tatlong taon ang tanda sa akin.

Nang sinabi ni daddy kay mommy Rose ang nangyari, muntik pa silang naghiwalay. Buti na lang at mahal na mahal ni mommy Rose si daddy kaya nagawa niya itong patawarin.

My mom was desperate. Gusto niyang maghiwalay si daddy at si mommy Rose. She did terrible things to them. Umabot pa nga sa puntong pati ako ginamit niya para makuha lang si daddy.

Sa puntong 'yun, napagpasyahan ni daddy na kunin ako kay mommy. Ipinaglaban ni daddy ang karapatan niya bilang ama ko at nanalo siya sa korte. That was when I was only 5 years old.

Madali lang akong natanggap ng mommy Rose ko. Dahil na rin siguro wala siyang anak na babae. They treated me like their own. They gave me everything that I want and I need.

Minsan nga, mas nagiging nanay pa siya sa akin kaysa sa totoo kong mommy. Pero kahit ganoon, mahal ko pa rin naman si mommy.

"O-Okay lang." Sagot ni Aiah na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"So... Dito ka pala pumasok? Scholar?" Tanong ko pero ang aking mga mata ay na sa lalaking katabi niya.

"Y-Yes... I-Ikaw, how are y-you?"

"I'm great... By the way, how's mommy?"

Bago sumagot, tinignan niya muna ang lalaking nakaakbay sa kanya na ang tingin ay na sa kanya lang.

"She's good..."

"Good to hear. Anyway, sino siya?" Tukoy ko sa lalaki.

Doon ko pa lang ulit nakuha ang atensyon niya. Kumunot ang noo niyang pinagmasdan ako.

"Uhm... He's Code. Kaibigan ko." Pagsasalita ni Aiah tapos yumuko.

Hindi pa rin nawala ang kunot ng noo ni Code. Ngumuti lang ako at naglahad ng kamay.

"Hi! I'm Ereal. Aiah's step-"

"I know you." Malamig niyang putol sa akin.

"Oh! Then good! Naikwento ba ako ni Aiah?" Nakangiti pa rin ako.

Hindi siya sumagot. Sa halip, humikab lang siya at mas lalo pang humilig kay Aiah.

"N-Naikwento ko lang ang pangalan mo Ereal. I didn't say much." Nakayukong sumagot si Aiah para sa kanya.

"It's okay Aiah. Anyway, do you guys want to hang out with me perhaps? With my best friend, Ali. We can have lunch together."

Kahit si Code lang 'yung gusto kong kasabay, I have no choice. He looks so uptight. Mukhang walang pag-asang sumabay siya sa amin kung hindi isasama si Aiah.

"Not interested."

Nanlaki ang mga mata ko. I'm expecting a cold answer but I did not think it's this cold. He's more uptight than I thought.

Pero parang may mali sa akin. Para bang mas naging interesado pa ako sa kanya ngayon dahil sa lamig niya.

"Let's settle down Mary. The class will begin anytime soon." Lumakad na siya papunta sa kanyang upuan na sinundan ko naman ng tingin.

"I'm sorry Ereal. He's usually like that." Pagpapahingi ng pasensya ni Aiah na di ko namalayang na sa harapan ko pa pala.

Ngumiti na lang ako at umalis na upang umupo sa harapan.

Hindi rin nagtagal, dumating rin ang professor para sa first subject.

"THERE you are!" Napaangat ako ng tingin sa best friend kong si Ali na kakapasok lang sa cafeteria.

Dito rin siya nag-aaral bilang scholar. Matalino siya. May kaya ang pamilya nila pero hindi kasing yaman ng iba.

Kaklase ko siya since high school. Consistent honor student. She was my rival. We're always fighting for the top one. But I never really won against her.

But instead of hating her, I found myself being her friend. Siya pa lang 'yung nakatalo sa akin. At hanga ako sa kanya. She gained my respect.

Pagkatapos, naging inseparable na kami. We are always together. Nagkakasundo kami. Pinagtatanggol namin ang isa't-isa. Siya lang rin 'yung nagtitiis sa ugali ko. We're always on each other's back.

Magkaiba kami ng course. She's taking nursing. May plano kasi siyang magmed. I'm taking architecture, since related 'to sa family business namin.

"Kanina pa kita hinahanap." Umupo siya sa harapan ko at kinuha ang pastang kinakain ko.

"Nagutom tuloy ako." Sinubo niya ang pasta ko. Napailing na lang ako.

"Palagi ka namang gutom. Nothing new." Uminom ako ng juice.

Malakas talaga siyang kumain. Pero natutuwa akong panuorin siyang kumain kaya hinahayaan ko lang siya.

"'Yang bibig mo talaga! Ayaw ko na nga!" Ibinalik niya sa akin ang plato ko.

"Tanga! Binalik mo lang kasi wala nang laman." Iling ko habang natatawa.

Nagtawanan kaming dalawa. She's the only person that I considered as a friend. The rest are just sticking to me for fame.

"Teka nga, may iba sa 'yo ngayon. You look unusually happy." Sumingkit ang mga mata niya.

Napakagat naman ako ng labi. She really knows me well. Wala akong matatago sa kanya.

"Huh? You're just imagining things."

Pinagtaasan niya ako ng kilay. Kapag ganyan, hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"No I'm not! There is really something. Spill it." Pamimilit niya.

Napabuntong hininga na lamang ako. I really can't hide something from her. Hindi siya titigil sa pangungulit hangga't hindi niya nalalaman ang nangyayari sa akin.

Siya 'yung taga pagpagaan ng loob ko at taga advice na rin.

"Fine! I met a guy earlier." Namula ang mukha ko habang iniisip si Code.

"What?! You met... A guy?!" Nanlaki ang mga mata ni Ali at madramang pinaypayan ang sarili.

"Gosh Ereal, you have to tell me everything!"

Wala akong nagawa kung hindi sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari.

"So that's what happened... But wait, si Aiah 'yung kapatid mo diba?" Tanong niya mtapos kong maipaliwanag ang lahat.

"Step sister."

"Pero sa kwento mo, masyadong suplado si guy. Sa pagkakaalala ko naman kay Aiah, shy type 'yun. Kaya hindi ko talaga maisip kung papaano sila naging sobrang close na magkaibigan. 'Di kaya may something sa kanilang dalawa?"

Napatahimik naman ako. I actually didn't think about that possibility.

Sa gitna ng aking pag-iisip, naagaw naman ang aking atensyon ng dalawang taong kakapasok lang sa cafeteria.

Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdang tumatawa ang lalaking akala ko'y hindi kayang gawin iyon.

He looks so happy talking to Aiah. He didn't even mind the stares he got from the students.

Para bang wala siyang nakikita kung hindi ang babaeng na sa harapan niya.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila.

Meron kaya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Chosen AntagonistWhere stories live. Discover now