Kabanata 2

6 0 0
                                    

Kabanata 2: Nakatakdang Kabiyak
[Ji Chang Wook 'Prinsepe Xuen' in multimedia]

(A/N: Maganda po ba yung story? Paki comment po kung anong masasabi nyo, ok lang po kung sabihin nyong pangit hehe mas pagbubutihin ko po pag inamin nyo)

||Please support my story by||

✓Voting
✓Comments
✓And Follow me for more information, updates and stories details

❣ 3NJ0Y R3D1NG

#Unedited
Prinsepe Sky Pov•

Nung araw na lumitaw si binibini alliah sa lawa ng palasyo, nakita ko sa aking isipan ang hinaharap ng buong yanzi kasama na ng prinsepeng tagapagmana at lahat ng iyon ay nakadipende kay binibini alliah

Si binibini ang daan upang matapos ang ipedemyang kumakalat sa lungsod.. Sya rin ang magpapabago ng lahat sa palasyo

"Kamahalan, si binibini alliah---"

Tumayo ako't hinarap sya "Anong nangyari kay binibining alliah?"

"--si binibini alliah, ipinakulong ni prinsepe xuen dahil sa pagpasok sa kanyang palas--" hindi ko na sya pinatapos at agad kong pinuntahan ang binibini

"Pagbati kamahalan" saad ng mga alalay at bantay namin

"Saan ka pupunta prinsepe sky?" Tanong ni prinsepe xuen

"Babawiin ko na si binibini alliah" sagot ko

"Alliah pala ang kanyang pangalan.. Patawad kaybigan ngunit hindi mo sya maaring bawiin--"

"Sya'y nakatakdang maging aking kabiyak kaya't hindi mo sya maaring ikulong" pagputol ko sa kanya

"Pumasok sya na walang pahintulot sa palasyo ko, malay ba natin kung nais nyang magnakaw o isa syang kalaban"

"Wala syang ginagawang kasalanan" pagmamatigas ko

"Patunayan mo Prinsepe Sky" saad nya

Lumapit ako sa kanya "Ngunit wala ka ring patunay na may balak syang masama" saad ko't nilagpasan sya

Nagmadali akong magtungo sa kulungan kung nasaan si binibini alliah....ngunit mas ikinagulat ko ang aking nasasaksihan

"Sabi mo't ngayon ka lamang naglaro nito ngunit natalo mo kami ng makailang beses binibini"

"Napakadali lang naman kasi eh" pagmamayabang nito ngunit napangiti na lamang ako ng patago siyang sumilip ng bagong baraha't kinuha ito

Akala ko ba't madali lamang ito para sa kanya ngunit para yatang nandaraya siya

Napansin yata ni binibini na narito ako't nakita ang kanyang ginawa kaya't sinenyasan nya kong manahimik at malakas syang tumawa tsaka inilapag ang baraha "Panu ba yan, nanalo na naman ako" pagmamayabang nitong muli

"Ako dapat ang panalo, nasaakin ang Hari ng liyon" sigaw ng kawal na kalaro ng binibini

"Ano?" Gulat na tanong ng binibini kaya't lalong lumawak ang ngiti ko

Under the MoonlightWhere stories live. Discover now