Kabanata 10

6 0 0
                                    

Kabanata 10: Ang katotohanan

(A/N: Every time na naguupdate ako nagbabago po ang plot ng story ko kaya po dun sa mga may hindi magets paki comment nalang po... Ty!!😘)

❣ Enjoy Reading ❣


#unedited
•Alliah Pov•

Ang bilis ng tibok ng puso ko, bawat detalye ng istorya na mangyari sakin ay ang istoryang nababasa ko sa libro.

Nakatakip ang kamay ko sa bibig. Hindi ko alam kung paano ako magrereact, wala pa sa gitnang pahina ang istorya ng matapos ito, at hindi pa iyon ang katapusan.

Sinabunot ko ang buhok ko at dahan-dahang tumayo pero nawalan rin ako ng balasanse sa unang hakbang, mahuhulog sana ako kung hindi lang ako nasalo sa bewang ni Xuen.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyong tanong nya

Umayos ako ng tayo. Bumuka ang bibig ko pero wala akong masabi, hindi ko talaga alam kung anong paniniwalaan ko.

"Are you o--"

"Naranasan mo na bang mangyari sayo ang istoryang mababasa sa libro?" Napahawak ako sa braso nya ng manghina na naman ang tuhod ko "O ang masulat sa libro ang bawat detalye na nangyayari sayo?" Dahan-dahang akong tumingala sa kanya at tumingin sa mata nya

Hindi kona napigilan, tuluyan nakong napaupo sa sahig habang nakahawak sa dibdib. Ang mata nyang kulay asul, ang titig nya sakin "I-Ikaw.."

"Tayo ay nasa pagitan ng Real and Eternity world" saad nya

Humigpit ang hawak ko sa damit ko "A-Anong s-sinabi mo?" Halos pabulong kong tanong

Tumalikod sya "Tayo ay nasa pagitan ng mundo ng mga mortal at mundo ng mga imortal. Ang lahat ng nangyayari sayo ay totoo, at dahil ikaw ang nakatakda sa mundo ng imortal magiging mahirap sayo ang mabuhay dito. Para maging pantay ang lahat, kaylangan mong mamili ng isang mundo"

Ang labo, sobrang labo. Nasa pagitan kami ng dalawang mundo

"Hindi mo ba napapansin, sa tuwing may nangyayaring masama sayo dito napupunta sa kabilang mundo, at kapag may nangyaring masama naman sayo don bumalik ka dito. Hindi kapa nagigising sa kabilang mundo, may taning naman ang buhay mo dito, kung hindi ka mamimili sa dalawang mundo.....Mamamatay ka ng sabay sa magkaibang mundo" Talagang hindi ako makapaniwala

"K-Kaylangan kong m-mamili"

Hindi sya nagsalita't dire-diretayong lang syang lumabas ng library.

Kung hindi ako makakapamili, mamamatay ako ng sabay sa magkaibang mundo. Pero kung pipiliin ko ang mundo ng imortal, mabubuhay ako bilang si binibining alliah na isang itinakda sa magulong mundo. At kung pipiliin ko itong mundong kinalalagyan ko ngayon, ako lang si Alliah Kennedy na may simpleng buhay ngunit nasa matinong mundo.

Madaming papatay sa sakin sa kabilang mundo at hindi malabong mamatay ako dahil don at meron naman akong sakit dito sa mundong to.

Sinabunot ko ang sarili ko "Anong mundo ang pipiliin ko?"

Kung sakaling ikaw ang nasa kalagayan ko, ano bang mundo ang pipiliin mo?

Under the MoonlightWhere stories live. Discover now