Kabanata 8: Lason
(A/N: Support my story please! At pasuport narin po ng sa kaybigan ko @Cecess.. Ty!!😘)
❣ 3NJ0Y R34D1NG ❣
#unedited
•Prinsepe Xuen Pov•Ibinaba ko ang kamay ko at bumaba para lapitan ang isa sa mga babae subalit bago pa ko makarating sa kanila nahagip ng paningin ko ang pasaway na babae, bumaba ang paningin ko sa hawak nya. Tinamaan rin sya ng patalim, agad akong nalaho para saluhin sya
"Binibini–t-tumawag kayo ng manggagamot. Dalian nyo!!!" Sigaw ni Prinsepe Sky na halatang nagaalala
Lumunok ako at binuhat ang pasaway na babae. Dinala ko sya sa kwarto ko dito sa palasyo ng Hari "Babae" Sinubukan ko syang gising ngunit hindi sya nagigising
"Dito! Dalian nyo"
Lumayo nako sa kanya ng dumating ang mga manggagamot ng palasyo. "Kamusta si ama?" Tanong ko kay heneral kai
Mahigpit nyang hinawakan ang espada nya habang naluluhang nakatingin sa pasaway na babae "Ginagamot parin ang kamahalan, malala rin ang lagay nito katulad ni binibining alliah"
"Malala?" Takang tanong ko
"May lason ang patalim ginamit para patayin kayo--" agad syang lumapit sa babae ng tumayo ang mga manggagamot
Bumwelo pa lamang ako bago magtanong ngunit naunahan ako ni Prinsepe Sky "Anong lagay ni binibini?" Lumapit rin sya sa babae "Bakit tila hindi pa sya nagagamot?" Sigaw na naman nito
"Sumagot ka" utos ko sa pangunahing manggagamot
Yumuko sya sakin "Patawarin nyo kami kamahalan! Tulad ng sa Mahal na Hari ay hindi namin kayang lunasan ang lason na kumakalat sa buo nilang katawan" napakunot ako ng noo
"Isa lamang yon lason, bakit wala kayong magawa. Dati ng may nalason sa mga prinsepe ngunit nalunasan nyo yon, bakit si ama at ang babaeng yan ay hindi nyo magawang lunasan?" Sigaw ko
Sabay sabay silang lumuhod habang nakayuko "Kakaiba ang lason na ginamit nila ngayon kumpara sa lason noon ngunit bigyan nyo kami ng pagkakataon kamahalan. Handa akong ibuwis ang aking buhay, gagawin namin lahat upang makahanap ng natatanging panlunas sa lason"
"Gawin nyo lahat upang mailigtas si ama..." Lumunok ako "...ganun nadin ang pasaway na babaeng iyan dahil kung hindi, ako mismo ang papatay sa inyo" saad ko
Ng makalabas ang mga manggagamot tinignan ko ang babae "May magagawa kaba Prinsepe Sky?" Tanong ko
Hindi nya ko nilingon "Wala akong magagawa, kahit si Prinsesa Eya na magaling manggamot ay hindi kayang lunasan ang kakaibang lason ng kunai"
Sinubukan kong isipin kung ano ang kakaibang lason na ito ngunit kahit na anong pagiisip ko ay hindi ko mawari kung ano nga ba ito. Nakaron sila ng lakas ng loob mangahas sa palasyo ng hari dahil may armas silang wala dito sa Yanzi.
Pareho-pareho kami ni Prinsepe Sky na mapakunot ng noo dahil sa pagkukunot rin ng noo ng babae
Gising na sya??
"A-Ayoko pang ma...matay, sheena" bulong nito
Sheena? Mukang pangalan ng isnag babae ngunit lalaki man o hindi, walang ganoong pangalan dito. Sinong sheena ang tinutukoy nya?
YOU ARE READING
Under the Moonlight
FantasyThis is a story of a simple silly and naughty woman who fall into a new world and met a people that will change her life... ✓LoveStory ✓Romance ✓Fantasy ✓FanFiction ✓Fun Note: Ang author nato ay hindi professional kaya hindi po ganun kaganda pero g...