Kabanata 12: Huling araw sa mundo ng mortal
(A/N: This story is not that interesting at all because it's not perfect story like me as author, I'm not a pro 'No ones perfect'. Judge me and my work if you're done reading this.... Ty!!😘)
❣ Enjoy Reading ❣
#unedited
•Alliah Pov•Nagaral ako ng basic self defense at ganun din ang paggamit ng ibat-ibang armas dahil balak ko sanang magpulis. Nakalimutan ko na ang gumamit nito pero ng mahawakan kona, para akong batang nagkaron ng bagong laruan
huminga ako ng malalim "Then let's end this here" Muli akong dumukwang sa bintana at pinagbabaril ang dalawang kotseng humahabol samin, tinamaan ko ang gulong ng isa kaya nawalan ito ng preno at sumalpok sa mga basurahan
Muli akong pumasok sa loob ng barilin na naman kami "Ikaw ang magdrive ako ang babaril sa mga gagong yan" saad ni xuen
"Sorry kamahalan, nageenjoy ako ihh" nakangiti kong tugon at pumunta sa likuran, kinuha ko ang peace shooter sa attaché case "Wala ka namang paki sa kotseng to hindi ba?" Tanong ko
"Why?" He asked habang pasalit-salit ang tingin sa rear mirror at sa harapan. Lumuhod ako sa upuan at tinutok ang peace shooter sa humahabol samin, malakas kong sinipa ang back window at nabasag yon kasabay ng pagkalabit ko ng gantilyo ng baril. Sapul ang driver kaya dumiretsyo sila sa lumang warehouse at nasira nila ang katabing isawan non
Sorry sa mayari non, sayang yung mga pagkain. Laman tyan din kaya yun nuh
"One shot haha" tumawa ako na para bang ang saya-saya ng ginawa nitong ginagawa ko. Well, namiss ko lang ang gumamit ng baril, hanggang training lang kase ang inabot ko sa pagpupulis
"Wag kang magsaya may isa pa tayong hinahabol?" Killjoy naman tu ih
Huminto ang kotse sa harap nitong airport. Mukang nasa loob na sya at malapit ng umalis, hindi yon pwede dahil hindi nya pwedeng takasan ang mga kasalanang ginawa nya. Kahit na kamuka nya pa si eunwo o si prinsepe sky, hindi ako makakapayag ng walang hustisya para sa mga pinatay nya.
Tumakbo kami papasok sa loob, hinarang kami kaya pinakita ni xuen ang wallet nya. May laman daw yung 10k, padaanin nyo kami hahatian nya kayo. Pinadaan nila kami. See? Basta pera aish, char agent si xuen diba hehe
Pumasok kami sa airport "Sobrang daming tao, mahihirapan tayong mahanap sya" nung sinabi nya yon, naisipan kong pumikit at mag-concentrate, hinanap ko ang presensya ni sky. Nagawa ko, lumabas sa isipan ko ng nagpapatingin na ito ng passport "Sa passport area" saad ko at agad na tumakbo papunta don "Paraan" pagpaparaan ko
"Tumabi kayo! Tabi! Tabi!" Leche, wala talagang galang kahit kelan
Napahinto ako ng makita ko na sya, at agad akong naglaki ng mata ng makitang may buhat-buhat syang sanggol "Tigil! Sumuko kana Sky, wala kang matatakasan" si xuen
Lumunok ako, nagaalala ako para sa bata, baka madamay sya "Xuen" tawag ko sa kay xuen
Halos lahat ng tao sa paligid napatili dahil sa gulat at kaba, tinututukan nya ng baril ang sanggol "Wag! Wag yung bata please!!" Pagmamakaawa ko
"Ibaba nyo ang baril nyo at hayaan nyo kong makatakas" sigaw ni sky na habang umaatras
"Hindi pwede, kaylangan mong pagbayaran ang kasalanan mo" saad ni xuen
YOU ARE READING
Under the Moonlight
FantasyThis is a story of a simple silly and naughty woman who fall into a new world and met a people that will change her life... ✓LoveStory ✓Romance ✓Fantasy ✓FanFiction ✓Fun Note: Ang author nato ay hindi professional kaya hindi po ganun kaganda pero g...