Chapter 2

16 4 0
                                    

"That's for today class, you may now fix your things." sabi ng prof. namin sabay labas ng room.

Isa-isa kong inayos ang mga gamit ko na nasa taas ng desk ko nang biglang sumulpot si Zyriel sa tabi ko.

"Sama ka samin mamaya Xell?" tanong niya sakin.

"Saan ka nanaman kekerengkeng?" walang emosyong tugon ko. Pag si Zy ang nagyayaya ng gala, alam na namin kung ano ang balak niyang gawin, at puro lalaki yon. Ganyan siya kaharot.

"Kerengkeng agad? Grabe ka naman saken"

"Ano pa nga ba" bulong ko sa sarili ko pero ang malupet niyang tenga ay narinig ang sinabi ko kaya nakatikim ako ng isang malupitang batok galing sa kanya.

"ARAY KO NAMAN NYETA!" inis kong singhal sa kanya habang hinihimas ang parteng binatukan niya.
Saket huhuhuhu

"Ikaw kase eh, porket nagyayaya ako, harot agad? Eh kung katayin kita jan? Hindi ba pwedeng date yung pupuntahan ko kase inlove ako?"

" Araw-araw namang inlove yang petchay mo" komento ko habang papalabas kami ng room. Pero dahil sadista siya, batok nanaman abot ng lola nyo.

"HOY ZYRIEL NA MUKHANG PALAKA! ISA PANG BATOK MO KAY ENDRIXELL MAKAKATIKIM KA SAKEN!"

Lumingon kami sa likod kung saan nanggaling ang nagmamay ari ng boses nayon. Ohh, it's no other than KYL ASHTON SCOTH.

Siya ang nag iisang kaibigan namin nila Zy at Laurs.He's Half-fil, half-american and half gago. Gwapo siya, matangkad, maputi, matangos ang ilong at may kanipisan at mapupulang labi.

Dali dali siyang lumapit sakin at kinuha ang bag ko atsaka sinabit niya sa balikat niya.

Ever since hindi talaga magkasundo sila Zy at Kyl kapag ako ang target ni Zy sa pagiging sadista niya. Oo mag kaibigan nga yang dalawang yan pero araw araw nagkakapikunan.

Overprotected kasi ako sa lokong ito. Bawal daw ako masaktan, bawal daw ako madapuan ng lamok, lahat bawal. Hindi naman ako tanga at manhid para hindi mapansin ang mga galaw at pakikitungo niya saken pero syempre, ayokong masira ang pag kakaibigan naming dalawa.

"Nandito na pala si kano, tsktsk" asar ni Zy kay Kyl na naka cross ang braso sa dibdib niya at nakangising nakaharap sa kanya.

Hindi nalang siya pinansin ni Kyl, hinawakan niya ang braso ko at hinila patungong parking lot.

Nasa tapat na kami ng BMW niya nang magsalita ito.

"Sa susunod wag kanang sasama sa palakang yon. Baka kung ano-ano pa ituro non sayo na hindi maganda."

"Kyl, how many times do I have to tell you that she's good. Ganon lang talaga siya pero mabait yon. You don't have to worry" sabi ko.

Nagtiim bagang siya sabay iwas ng tingin sakin.

"Tss, do what ever you want." ani Kyl sabay padabog na pumasok sa driver seat.

Napairap nalang ako sa hangin at pumasok narin sa loob at naupo sa passenger seat.

Buong byahe walang umiimik saming dalawa. Yeah, ganyan kaming dalawa pag may tampuhan or hindi pag uunawaan. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na maghigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Ganyan siya pag badtrip. Sa manibela nila dinidiin pero safe parin naman siyang mag drive.

Hindi ko namalayan na tumigil na pala ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Akmang bababa nako nang magsalita si Kyl.

" Xell, Im sorry. Im just worried about you. I didn't mean na husgahan si Zy." paghingi niya ng tawad sakin. Tinitigan ko lang siya at kitang kita ko sa mukha niya ang pagiging sinsero.

My Greatest LoveWhere stories live. Discover now