Chapter 4

9 2 0
                                    

Sa kwarto, tulala.

Sa kusina, tulala.

Sa cr, tulala.

Sa sala, tulala.


Kahit saan atang sulok ng bahay, tulala lang ako. Hindi parin nag sisink-in sa utak ko ang mga nalaman ko kamakailan lang. Ang dami talaga tanong na pumapasok sa isip ko. Gaya nalang ng 'Bakit nafeel niyang gusto niya akong halikan? o di kaya 'Crush niya ba ako? Gusto niya ba ako? Agad agad? Eh halos 2 weeks palang sila dito sa pinas. Naloloka nako! Kaya heto, para akong bangag na tulala.



At ngayon, nakaupo ako sa sofa habang nakabukas ang tv ngunit tulala parin ako. Naramdaman ko nalang na tumabi si kuya sakin.


"Kanina ka pa tulala jan, may tae kabang hindi mailabas?" ani kuya


"Mama mo tae" pang babara ko sa kanya. Hetong isang ito, wala ginawa kundi ang bwusiten ako. Kung hindi ko lang ito kadugo, malamang nasapak ko na'to.


"MOMMY SABI NI XELL TAE KA RAW OH!" sigaw ni kuya na ikinainis ko pa lalo.

"Bobo, wala dito si mommy" walang ganang saad ko.

"Nasan si mommy?"

"Sa pwet ko nag-kakape"

"Imong mama kape" balik na pambabara nito sakin sabay ikot ng mata niya at lakad ito papalayo. Akmang bubuksan na niya ito ng lumingon ito sa gawi ko.

"Nga pala, sabihin mo kila mommy na baka mga 8pm nako makakauwi ha. Sabihin mo may project akong gagawin"

"Kelan pa naging project ang mga babae mo?"

"Project nga lil sis, P.R.O.J.E.C.T"

"Mama mo project" pambabara ko ulit.

"Tangina ka" anito at umalis na

Napairap nalang ako sa hangin at nanood nalang ako ng t.v

Nasa kalagitnaan ako ng pagnunood ng tv na biglang nag vibrate ang cellphone ko. Nang tignan ko, message yon galing may Kyl.


From: KYLingina

Hoyy! Nagpromised ka sakin last week na sasamahan mo akong mag training. Susunduin kita mamayang 1pm okay? Wag kang aalis sa bahay nyo dahil pag wala ka, hindi ako aalis jan.


To: KYLingina

Oo na, agahan mo para mailibre moko ng kwek kwek kila aling Milda.


Hindi na siya nagreply sa text ko kaya naman binalik ko ulit ang atensyon ko sa tv, ng biglang may kumatok sa pinto. Pinatay ko muna ang tv upang tignan kung sino yon.


Nang buksan ko na ang pinto, kumunot nalang ang noo ko dahil sila Zy at Laurs ang bumungad sa harap ko.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko.


"Ahm... wala lang. Tambay lang" ani Zy.


Ibubuka ko palang sana ang bibig ko ngunit nauna na silang pumasok sa loob. Napairap nalang ako sa hangin at nagtungo nalang ako sa kusina para mag handa ng miryenda.


Nang matapos nako maghanda, dinala ko na ang tray na may inumin at pagkain sa sala at nilapag ko sa center table. Naabutan ko din silang nag sisgawan na para bang sila ang may ari ng bahay.


"Ay tanga. Yan tuloy defeat kayo" si Zy.

"Chamba lang yon ng kalaban"- Laurs

"Buhatin nga kita. Bobo mo kase maglaro"

My Greatest LoveWhere stories live. Discover now