Kabanata 2

284 76 55
                                    

Internship

•••

Seb's POV


7:30 AM nasa waiting shed na ako. Kingina ang aga-aga ko nagpagising sa bungangera kong nanay para lang hindi malate! Takot ko na lang sagutin tanghalian nilang tatlo, dalawang daan lang binigay ng nanay ko sa akin.

Naka upo ako sa may waiting shed, katabi ko ay isang matandang babaeng nagtitinda ng mga candy at tinapay. Kinuha ko ang aking selpon sa bulsa at binuksan ang data nito.


lucalucas: anong oras kayo aalis?

jaq ass: mga 9 par

lucalucas: diba usapan 8???

nico nico nii: oo kaso kilala mo namn si seb pilipinong pilipino yon!

lucalucas: oo nga no! tulog pa yata 'yong kupal na yon. gege tulog ako ulit.

jaq ass: gege par kitakits mamayang 9


"Tangina talaga ng mga 'to..." mahina kong sambit.


utak sebo: MGA KUPAL KAYO!! ANDITO NA AKO SA WAITING SHED MGA HAYUP KAYO!! KATABI KO RITO 'YONG NAGBEBENTA NG TINAPAY!!!

nico nico nii: Maniwala? Ikaw? Lul! duda ako sa'yo tanga!

utak sebo: Kingina! Lahat ng tao nagbabago lalo na kapag gipit!

nico nico nii: wala kang maloloko rito tanga!


Kingina nito ayaw pa maniwala sa akin.

"Ahh nanay..." sabi ko sa aleng katabi ko. "Puwedeng magpapicture?" tanong ko na akala mo, eh, artista si nanay.

"Para saan naman 'yan, iho?"

"Sa kaibigan ko ho, huwag kayo mag-aalala bibili 'yon ng tinapay niyo mga lima mamaya!"

"Osige sige kung gano'n din pala...anong gagawin ko?"

Lumapit ako kay nanay at binuksan ko ang front camera ng aking cellphone.

"Ngiti ka lang nay, tapos peace sign."

Sinunod naman ni nanay ang sinabi ko at nagpeace sign sa camera, ngumiti na labas ang natitira niyang ngipin sa harapan.

"Salamat ho, bibili talaga 'yong kaibigan ko ng tinapay mamaya, adik 'yon sa gan'yan nagiging bobo kasi 'yon kapag hindi nakakakain ng tinapay eh!" 

Sinend ko sa gc namin ang nakunan kong litrato kasama si nanay.


You sent a photo.

jaq ass: sino yan? totoo mong mama? HAHAHAHA

lucalucas: after all these years natagpuan mo na rin ang iyong nawawalang ina huhuhu congrats!

nico nico nii: duda pa rin ako sa kupal na yan! baka ps yan! halatang edited eh Hahahahaha!

utak sebo: Anong edited? Bobo! Mga hangal! Mga inutil! Mga gagu!


"Mga walang kuwentang kaibigan pota..." mahina kong sambit.

"Saan ka pala pupunta, iho? mag-aapply ng trabaho?" tanong sa akin ni nanay.

Naka long sleeves polo kasi ako na kulay gray, itim na slacks, at black shoes.

Kapag Gusto, May Paraan (Life Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon