Kabanata 11

217 63 0
                                    

Steno, ASCII, and Pol-Sci

•••

Sining's POV


Pagkatapos ng klase sa ethics ay iniwan ko muna sila lycka sa pila dito sa cafeteria. Bitbit ang binili kong giniling at isang libro na nakaipit sa aking kilikili at akin ding bitbit ang bag ko.

Nakita ko si jaq na mag-isa sa usual spot nila at nagseselpon lang.  Akala mo naman may ka-chat, baka nag ke-candy crush lang siya kaya naman ay lumapit ako sa puwesto niya.

"Huy!" pag-gulat ko sa kaniya.

Umupo ako sa kabilang puwesto sa harap niya at ibinaba ang gamit ko sa mesa.

"Oh, sining!" wika niya no'ng makita niya ako.

"Nasaan 'yong iba?"

"Bumibili sa labas ng pagkain."

"Ahh..."

Ako at si jaq, hindi na kami tulad ng dati. Pero this time para bang nag reverse ang lahat. I can tell him my thoughts and problems now. I'm a listener but I kinda need a listener too, I don't want to get drowned by my own thoughts din kasi it's scary. Gusto ko rin magbago at gusto ko hindi ko na kinikimkim ang lahat. Gusto ko marinig din nila ang side story ko kaya sinabi ko na lang din sa kaniya ang problema ko tungkol sa pamilya na alam ko naman na maiintindihan niya.

"Okay ka naman ba? Walang peer-pressure?" tanong niya.

"Mawawala ba 'yon?"

"Hindi?"

"Pwede pero depende?"

Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Kumusta na 'yong the moves mo do'n sa pol-sci?" tanong niya sa akin.

"Alam mo sa totoo lang, feeling ko walang talab."

Ginugel ko na yata lahat ng Cheesy pick-up lines for crush pero ni isa sa mga 'yon walang effect!

"Sabi sa'yo 'yong mga hula-hula mo ng kulay ng brief sa akin lang tumatalab!"

"Ewan ko ba jaq ko pero sa tingin ko akala niya pervert ako?" nagpangalumbaba ako at nagpout.

Nasanay na rin naman ako na lokolokohin si jaq gaya ng pagtawag ko sa kaniya ng  jaq ko. Nakakatuwa lang din dahil mas may pake na siya sa akin ngayon kaysa dati. Therefore, I conclude na he is healing. Mabagal man pero may progress pa rin. And yes, we were both healing inside.

"Maharot ka kasi baka akala niya trip mo lang siya...gaya ng akala ko sa'yo dati. Cheer up! Kung hindi ka niya gusto hayaan mo na, madami pa naman iba d'yan."

"Nagpaparinig ka na ba? Gusto mo ba tayo na lang for real?"

Pinitik niya ako sa noo ng malakas.

"Awts!" Hinaplos-haplos ko ang noo ko dahil sa sakit.

"Tanga hahaha!" sambit niya.

"Oo na naging tanga na ako sa'yo, and I won't repeat it this time! I swear, cross my heart, hope to die!"

"Pero baka maging malungkot ka kapag gano'n, maniwala ka sakin...malungkot ang gano'n!"

Nakakatuwa lang malaman na si jaq ay nag-aalala sa akin. If everything was like in the past, I would still fall for him...pero dahil sa kaniya, I know what kind of man I don't want. I don't want to fall in love with someone who isn't in love with himself, or his life. Toxicity is scary.

"Alam mo madami akong motto sa life, isa na do'n 'yong, huwag mong ikulong 'yong sarili mo sa lungkot, lumandi ka!" pagbibiro ko.

Natawa siya sa sinabi ko kaya natawa rin ako.

Kapag Gusto, May Paraan (Life Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon