Chapter 12- Believe

48 2 0
                                    

Chapter 12- Believe

"What do you mean?" Simula ni Eli. Kita ko na nagulat sya sa narinig. Miski ako ay hindi makapaniwala.

Lumapit ako at kinalawagan ang tali sa kanyang kamay. "Come with us "
Bago kami lumabas ng building ay binigyan namin ng sombrero si Jeron upang makaiwas kung sino mang spiya.

So many thoughts run to my head bago kami makarating sa condo ni Eli. I don't know what to feel. If she was murdered, paano nangyare yon?

Parehas kaming tatlo na hindi umiimik habang papunta sa condo. We can't deny it shake us all. To the thought, she was killed, milyong boltahe ng galit ang nag uumapaw sakin.

"Explain it to us." Ani ni Klein na nakaupo sa single sofa. Habang si Eli ay nakasandal sa pader. I know he's trying to calm down.
Bumugtong hininga si Jeron habang nakaupo din katapat ko.

"Noong araw ng verdict, binalaan nila ako papatayin nila kasama ang asawa ko kapag dinala ko ang ebidensya noon. Wala akong magawa. Buhay ng pamilya ko ang nakasalalay. Alam nyo naman makapangyarihan ang mga Escuadra at ang gobernador. Kaya hindi ako sumulpot. Humingi ako ng tawad sayo Attorney. Hindi ko layunin ang traydorin ka. Pati ang set up sayo na tumangap ng pera ay pawang utos lamang nila."

"Just tell us what happened to Raphaela. Paano naging murder ang kaso nya?"

"Noong gabi ng verdict ay pumunta ako sa bahay ni Raphaela. Humingi ako sa kanya ng tawad dahil sa nagawa ko. Nakosensya ako kaya ako bumalik sa kanya para ibigay ang ebidensya.

Hangang sa..."

Napansin ko ang pagkatulala nito. "Isang katok mula sa pinto nya. Habang papunta sya upang buksan ang pinto ay pumunta akong banyo para umihi. Nang pagbalik ko ay nakita ko si George. Nagtatalo sila ni Raphaela. Ang narinig ko na lang ay hindi nya daw ito magagawang mahalin dahil si Mr. Elizer ang kanyang mahal."

Tumingin ako sa gawi ni Eli. Namumula na ang mga mata nito. Tila ba hindi ko alam kung iiyak o sasabog sa galit. "Doon nya sinumulang sakalin ito. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil natatakot din ako sa buhay ko. Kaya naman." May kinuha sya sa kanyang bulsa. Isang lalagyan ng memory card.

"Nirecord ko ang pangyayare. Handa na rin ako makulong. Alam ko naging duwag ako. Pero ni walang oras na hindi ako nakokosensya."

Kinuha ko ang memory card. Narinig ko na lang na sinuntok ni Eli ang pader at pumasok sa kanyang kwarto. Ang memory card na ito ang magsisilbing tapos ng lahat.

Ang kawalanghiyan ng mga Escuadra ay matatapos na. Galit ang namumuo sakin. Pinalabas nilang suicide ang nangyare ng anim na taon. Wala kang konsensya George Escuadra.

"Sumama ka sa akin para maprotektahan ka ng mga pulis. Sumama ka na rin sa korte para linisin ang pangalan ni Ada." Ani ni Klein.

"Ada, stay here. Samahan mo muna si Eli."

Agad ako tumungo. Pagka alis nila ay agad ako kumatok sa kwarto nito ngunit walang sumasagot kaya naman pumasok na ko.
Nakaupo ito sa kanyang higaan at nakaharap sa bintana at nakayuko.

Umupo ako sa tabi nya. I know the pain break him apart. All I can offer is my presence. Niyakap ko ito.

Kasabay ang pagyakap ko ay ang tulo ng mga luha nya. “Ssshh. It’s gonna be okay.”

Hindi ko man maibabalik ang buhay na pinatay nila. Handa ako ibuhis ang buhay ko para mabigyan ito ng hustisya. Maghintay ka lang George Escuadra. Isasama kita sa hukay ko kung balak mo din akong patayin pero justice should prevail.

I'll Fight For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon