Sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nailalabas natin ang tunay na pagkatao. Sa hindi maiiwasan na pagkakataon ay ang sarili mo mismong dugo ang magsasabi kung sino at anong klaseng tao ka.
"Ako si Oxygen Than, na nangangakong tatalikuran ang mga taong..." Napasinghap si Oxygen. Hindi nito kayang ituloy ang kaniyang mga sasabihin. Labag sa loob, at sa tingin niya ay hindi tama. "Ang mga taong nagpalaki saakin, ang mga taong konektado saakin, ang mga taong mahal ko, at tatalikuran maging ang dating naging buhay at pagkatao ko."
Niloloko niya lamang ang sarili niya. Batid niya na kahit na paulanan siya ng libu-libong bala ngayon ay hindi titigil ang puso niya sa pagtibok para lang maiparating sa mga taong iyon na mahal niya kung ano ang kinalakhan niya, ang mga taong nasa paligid niya, at kung ano siya nang siya ay magkaisip na. Pilit niyang kinakapa ang sarili kung paano niyang nasabi iyon sa harap ng mga estranghero ngayon na nag-uutos sa kaniya.
Ilang beses siyang umiling ngunit impit na pag-iyak lamang ang nailabas nito. Sa pangatlong pagkakataon sa buong buhay niya ay umiyak si Oxygen. Nandidilim ang paningin at inililibot ang paningin sa lahat ng nasa harap niya ngayon. Akmang dadakipin na siya ng mga ito nang biglang may pumukol ng katana sa isa sa mga tauhan. Tumama iyon sa leeg ng isa na akmang hahawak sa kaniya na naging dahilan ng pagtalsik ng dugo at pagkalat n'yon sa sahig. Unti-unting nilingon ni Oxygen ang pinanggalingan ng katana at ganoon na lamang ang gulat at pagtataka nang makita kung sino ang may gawa 'non...
A CaurdaxxCodes Novel Series
BINABASA MO ANG
Inevitable Blood (Inevitable Series)
Teen FictionSome things are just inevitable, but at some points in our lives just like Oxygen, we wished that it would be avoidable. -CaurdaxxCodes