Chapter 3: THE BEGINNING

3 1 0
                                    

OXYGEN'S POV

ILANG araw na ang nakakalipas magmula nang mapilitan akong manatili sa mansyon ng mga Forestier. Nang magising ako doon sa silid ni Master Yen Yui ay wala na akong maalala. Ni hindi ko nakilala ang sarili kong ama. Kinailangan pa na dalhin ako sa magulang ni Fire para ipa-treat ako. Malamang daw ay napagod ako sa ilang araw na paggala, napuyat pa raw ako sa kakahintay nang manganak si Mom. Pagkatapos kong mapuyat ay dumiretso naman kami rito na di raw biro ang layo.

Pero may mga bagay akong pilit na inaalala. May mga bagay akong nakalimutan at alam ko sa sarili ko 'yon. Pakiramdam ko lahat sila ay mayroong itinatago saakin.

Ito ang ika-16 na araw ko sa Forestier Mansion. Nanatili lamang ako sa silid ko rito. Hindi ako lumalabas kahit sino pa ang mag-utos. Ang mga magulang ni Fire lamang ang nakakapasok at isang katulong na nagdadala ng makakain ko.

Wala akong gana sa lahat. Pakiramdam ko kasi ay mayroon silang hindi sinasabi. Nakukulangan ako sa aking personalidad.

Ang sabi ng Daddy ay isa akong mahinhin, magalang at masiyahin na batang babae. Pero bakit tila taliwas ang aking ikinikilos? Masyado akong mainitin ang ulo, di ko alam kung saan ko ilalagay sa pangungusap ang 'po' at 'opo', ayoko ng palaging ngumingiti, punong puno ako ng pamimilosopo at masyadong malawak ang isip ko.

Hindi ako ang batang dinescribe ni Dad. Ito ako. Ganito ako at hindi ganon.

Napapailing ako na bumangon at umupo sa malaking kama ko. Lahat ng kinwento nila ay naaalala ko at pinaniniwalaan ko. Sadyang di lang matanggap ng aking sistema sa ilan sa mga iyon. Para bang isang malaking kasinungalingan ang lahat saakin.

Sabi nila'y matagal ko nang nakakasama ang mga Forestier at parati akong nandito tuwing summer. Kaclose ko raw ang magpipinsan. Pero hindi ako kumbinsido. Mailap ako sa mga tao at ayoko ng masyadong maraming tao kaya hindi ko sila maintindihan. Doon pa nga lang sa mga magulang ni Fire ay di na ako mapakali, iyon pa kaya g makipagclose sa magpipinsan na Forestier.

Nagsisinungaling ba sila?

Napabuntong hininga ako.

Tumayo ako at sinuot ang pink slippers. May tenga pa yon ng kuneho. Cute pero di ko type ang kulay.

Marami ring mga mamahaling laruan na nakakahon pa rito. Halatang di pa nagagamit. May mga manika, stuffed toy, clay, at kung anu-ano pa.

Lumapit ako sa isang cabinet na puno ng mga damit ko. Mga hindi pa rin nagagamit ang ilan doon. Mga bago at nakabalot pa habang nakasampay. Katwiran nila ay mabilis daw maluma ang mga diko nagagamit na damit sa tuwing naiiwanan ko rito kaya bumibili sila ng bago kung sakali na babalik ako.

Pero hindi pa rin ako nakukuntento sa sagot na 'yon.

Hindi pamilyar saakin ang mga Forestier kahit sa pangalan. Hindi ko rin lubusang maisip kung bakit sa dami ng tao na pwede kong pagbakasyunan ay dito pa.

Puro dress ang mga damit sa cabinet. Halos puro pink din ang mga iyon kaya naman naiirita ako. Hindi ba nila alam na ayoko ng ganon katingkad na kulay? Napairap na lamang ako sa hangin.

Kinuha ko na lamang ang pinakamaputla na pink na dress na meron doon. Mayroon pa iyong ribbon sa likuran na nuknukan ng laki.

Akala mo naman makikipagparty.

Dumiretso ako sa washroom at agad na naligo. Sinuot ko na rin ang dress at tinitigan ang sarili sa salamin ng banyo. Tinuyo ko pa ang buhok ko gamit ang tuwalya saka ako lumabas doon. Pagkatapos ay lumapit ako sa vanity. Kinuha ko ang hairdryer doon at sinimulan na gamitin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inevitable Blood (Inevitable Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon