Chapter 2: BLEEDING HEART

11 3 0
                                    

OXYGEN'S POV

AGAD kaming nakarating sa ospital. Wala pa rin ang Daddy dahil nasa Davao siya for business matters. Ngunit batid ko na ang pagbabalik niya rito sa araw na ito at sa lalong madaling panahon.

Walang humpay ang pag-agos ng luha sa mga mata ko nang isakay kanina sa stretcher ang Mommy. Dalawang buhay ang ipinag-aalala ko. Dalawang buhay ng taong mahal ko ang iniisip ko. Hindi pa pwedeng manganak si Mom dahil kulang pa iyon sa buwan. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kaba, pag-aalala, galit at lungkot. Ang pag-iyak ko ay di mo kakikitaan ng emosyon. Patuloy lang ang luha na dumadaloy mula sa mga mata ko. Walang tigil iyon ngunit hindi ako nagsasalita o gumagawa ng ingay. Hindi rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha ko. Nandidilim ang paningin ko dahil sa galit. Nang gagalaiti ako sa pangit na lalaki na 'yon. Pinapangako ko sa sarili na di ko kakalimutan ang mukhang iyon dahil hindi ko matanggap na wala man lamang akong nagawa.

Mommy...

Pinabayaan ko na lang ang mga luha na umaagos sa aking pisngi. Nabibingi ako kahit pa napakaingay sa ospital na 'yon. Andaming tao, andaming pasyente. Tanging si Mom lang ang nakikita ko na hirap na hirap at nakaalalay sa tiyan niya. Hindi niya ako magawang tignan sa mga mata ko. Bukod sa sakit na nararamdaman at hirap, naisip ko kung galit kaya siya saakin?

Mommy...

Ilang beses akong umiling habang kagat ang labi ko nang maipasok siya sa OR. Naiwan ako sa labas 'non. Hindi ako mapakali ngunit alam kong mas makakabuti kung mauupo na lamang ako sa upuan. Isang mahabang upuan iyon na nakadikit sa pader.

Lumapit saakin ang isang nurse upang palipatin ako sa isang kwarto ngunit ayoko. Hindi ako aalis doon nang hindi lumalabas ang mommy ko ng maayos. Sa halip na tumayo at lumipat ay humiga ako sa mahabang upuan habang nakatulala sa pintuan sa OR. Pinipilit ko sa sarili ko na hindi totoo ang mga nangyari ngunit lolokohin ko lamang ang sarili ko. Patuloy ako sa pag-iisip hanggang sa makatulog na ako.

NAGISING ako sa haplos saaking mukha. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang Daddy. Agad akong umupo at kinusot ang mga mata ko. Nang makita ko ang pintuan ng OR ay muli nanamang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Pilit ko pa ring sinisisi ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang kailangan ng lalaki na 'yon sa Mommy ko pero sobra ang ginawa niya.

Naramdaman ko na lang bigla na niyakap na ako ni Dad. Dahil doon ay mas lalo akong umiyak. Hindi ko alam kung anong klaseng sorry ang hihingiin ko kay Daddy, Mommy at kay Baby.

I'm sorry...

Hinagod ni Dad ang likod ko at doon na ako gumawa ng ingay habang umiiyak. Panay ang hikbi ko na para bang iyon lamang ang magiging sagot sa lahat ng nararamdaman ko ngayon.

"Oxygen, yung puso mo." Nag-aalala na sabi ni Dad. "Hindi maganda sayo ang umiyak."

"Dad..." Patuloy pa rin ang pag-iyak ko. "Kasalanan ko, Dad. I'm sorry."

"Shh. Wala kang kasalanan. Ang may kasalanan ay iyong gumawa niyan sa kaniya." Pag-aalo ni Dad. "Hindi mo ginusto ang nangyari, hindi mo inaasahan at mas lalongsa edad mo ay wala ka pang laban. Nabalitaan ko ang nangyari. Tumawag saakin ang sekretarya ko kanina. Nakausap ko ang mga pulis at ang sabi nila ay iniligtas mo ang Mommy mo."

"Daddy... Kung niligtas ko si Mommy sana hindi siya nasa Operation room ngayon." Nag-angat ako ng tingin kay Dad at pinunasan ang mga luha ko. "Dad, wala akong nagawa. Kasalanan ko. Kung hindi ko lang sana nilingon yung... Mommy I'm sorry..."

Inevitable Blood (Inevitable Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon