Lumipas ang dalawang araw back to normal na uli ako. Balik na tayo sa reality pag ka tapos naman ng gabing yon naka- uwi naman kami ng safe lahat, sobrang na hiya nga yung dalawang lasing ko na kaibigan , kaya panay ang thankyou nila kay ken at shin.
Pag katapos din ng gabing yong finallow ako ni ken sa instagram nasad ako kase si shin dipa ako finafollow, sympre asa naman ako na ifofollow ako ni shin diba, sino naman ako para ifollow niya no.
Kasalukyan ako nasa library ng school namin dahil kailangan ko mag review dahil sa nalalapit na finals namin dahil malapit na bakasyon. Di naman ako makapagreview sa room dahil for sure sobrang ingay don.
Inilabas ko na agad ang notes para mag basa basa at para pilitin ipasok sa utak ko ang mga lessons namin netong buong 2nd sem, mahirap yon gawain pero wala ako choice.
"Hoy eli nag rereview kapa para ano para pumasa wag ka mawalan ng pag asa kase sure ako babagsak tayo lahat". pabiro namang sabi ng kaklase kong si Clarence na kakadaan lang sa pinto ng library.
Sira ulo talaga yun sa totoo lang wala ako masyado friend na babae sa room namin mas naging dikit talaga ako sa mga lalaki dahil bukod sa tropa sila ng mga kuya ko naging tropa kona sila.
Naalala kopa nga nung 1st year palang ako dito pinabantayan ako ng kuya kong panganay na si kuya roy sa mga tropa niya 4th year aba yung mga gurls na tiga ibang year kinaibigan agad ako dahil sa mga poging tropa ng kuya ko na malapit sakin.
Namiss ko tuloy si kuya roy nasa barko na kase siya ngayon. Sobrang iba ng ugali ni kuya roy kay kuya rey si kuya roy kase super sweet sakin non at caring in a goodway sa mantalang si kuya rey pinanganak ata sa mundo para bwisiten ako at pikunin. Sweet at caring naman si kuya rey kaso in a badway.
Pag katapos na pakatapos ko mag review umakyat ako sa room para kumuha ng wallet nang makapag tanghalian nako.
"Hoyyy eli saan ka kakain?"
Tanong naman sakin ni jc na tropa ni kuya rey nanaging tropa ko din tatlo sila na lagi kong kasama dito sa campus dahil alam nyo na mapili talaga ako sa mga sasamahan ko di ako basta basta nakikipag kaibigan kung baga sobrang kabaligtaran ako ni dindin si dindin kase sa sobrang friendly parang kalahati ng populasyon sa perpetual ng biñan e tropa niya.
"Diko pa alam saan ba trip nyo?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Ikaw luis saan trip mo?" siko naman niya kay luis na mukang nag lalaro pa ng ml.
"Ge kung saan gusto ni eli don tayo." Sagot nito ng di man lang natingin samin.
"Tara na aba." Tawag ko sa kanila dahil muka wala sila balak tumayo
"Wait antayin nanatin si clarence may kinukuha lang sa 4th year."
Sagot naman sakin ni luis habang sa phone padin niya nakatuon. Kunwari pa siya alam ko naman na tatapusin lang muna niya yung nilalaro niya bago kami kumain .
so wala ako choice kundi antayin sila luis na matapos mag laro at antayin ang pag dating ni clarence.
Umupo muna ako sa tabi nilang dalawa at nag phone muna. Agad naman nag pop up sa screen ko yung gc namin lima nila abi agad naman ako nag backread para malaman ko kung ano ba pinaguusapan nila
Abi_radan: hoyyy mga pokpok mamayang 8:00 daw sa bahay ni zie may pa inom daw siya dahil ni reject siya ng crush niya hahahahahahha.
Selenanana: G ako wait nyo lang ako susunod me di sure sa 8:00 ih.
Mariaeverdin: G din ako sama ko si clark ok lang hehehehe wala kayo choice sasama ko siya.
Abi_radan: bawal mag pass eli dahil sobrang lapit lang ng house ni zie sa school mo seeyahhh later mga pokpoks!!
YOU ARE READING
Dawn Of Us
RandomThis is the story about two people who will face the battle of love