Kakatapos lang ng defense namin ok naman ang kinalabasan nasagot naman naming mga kagrupo ko ang mga tanong kaya wala na kami problema. Pinauwi na din kami agad ng prof namin dahil wala na din naman daw kulang sa kanila.
Kasalukuyan kami naka tambay nila jc at Clarence dito sa people parks dahil 5:00 na at last day namin ngayon wala kaming maisip nagagawin at dahil tamad na tamad pa kami mag kikilos para umuwi sa kanya kanya naming bahay kaya andito padin kami ngayon. Busy naman silang dalawa sa pag phophone nila habang nag papatugtog ng music si Clarence.
Dahil wala ako magawa binuksan ko agad ng instagram ko at pinindot ang icon kung saan nakalagay ang picture ni shin. Diko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya para mag sorry. Masyado ata ako naging aggressive sa kanya pero gusto ko kase talaga siya.
Elizzerain: Shin sorry nga pala sa pag papakita ko ng nararamdaman sayo ha. Sorry kung nacocontrol kita promise hindi na kita kukulitin.
Hindi ko alam kung pipindutin ko ba ang send. Dahil nahihiya ako at mukang nainis ko siya sa mga inasal ko. "Hayyy wag na nga" agad ko pinatay ang phone ko dahil naiinis ako sa sarili ko.
"Baliw kana? " saad naman ni jc habang nakatitig pa sakin ng masama.
"Lakas na ng tama mo eli Hahahaha" Natatawang saad naman ni clarence sakin
"Epal mo no tawang tawa ka jan" irap ko naman kay Clarence dahil tuwang tuwa nanaman sakin ang gago.
" Ano ba kase yang kinaiinisan mo ha? " singit naman ni jc sabay hablot sa kamay ko ng phone ko. Agad naman niyang binuksan iyon at binasa ang nasa screen non at dahil chismoso si Clarence agad siya sumingit sa gitna namin ni jc at nakibasa din sa phone ko.
"Gago ka rence yari ka kay eli" Narinig kong bulong ni jc kay Clarence kaya agad ko siyang tinitigan
" Bakit ano yun ha?" bago ko pa makuha ang phone ko sa kanila tawa na sila ng tawang dalawa mukang may kagaguhang ginawa to sa phone ko ah.
"Akin na nga yan " agad kong kinuha ang phone ko sa kanilang dalawa at agad ko itong binuksan.
Elizzerain: Shin sorry kung nabwbwiset ka sakin ha mahal lang naman kita e sa sobrang pag mahal ko sayo kaya ko ibenta ang kidney ko.
Agad naman ang init ng ulo ko ng mabasa ko iyo at dahil hindi na naseseen iyon ni shin agad ko yon iunsend. "Hayop ka Clarence " agad ko siyang pinag hahampas at pinag babatukan. "sorry na di naman niya nabasa ah" Sagot nito habang nag tataklob ng ulo niya gamit ang mga kamay niya.
"Bwiset kayo uuwi na nga ako" agad kong kinuha ang bag ko sa tabi ni jc at nag lakad na palayo sa kanila.
"Elii hatid na kitaaa!!!! " sigaw ni Clarence habang nag lalakad na din pasunod sa sakin.
" Ayaw koo pupunta pako pav" sagot ko sa kanya at agad na binilisan ang pag lalakad.
"Edi hatid kita don" sagot niya sabay akbay sa akin kaya agad kong inalis ang kamay niya sa balikat ko.
"Arte mo oy ano galit ka? " bulyaw pa nito sakin.
"Tanga hindi gusto ko mag commute para makapag isip isip ako" agad na sigaw ko sa kanya.
"Arte mo oy sumabay kana sakin wag mo na pilitin ang sarili mo mag isip dahil wala ka naman non" Agad na hila niya sakin papunta sa sasakyan niya. At dahil wala din naman ako choice agad na akong sumakay sa front seat at nag suot ng seatbelt. Nang makasakay siya sa sasakyan niya pinaandar na niya yun agad.
" Ano gagawin mo sa pav?" tanong niya habang pasimpleng tumingin sakin at agad na binalik ang tingin sa daan.
"Wala mag hahanap ng mabibili o makakain" Sagot ko sa kanya habang nakatuon ang tingin sa kanya at dahil sobrang lapit lang ng pav nakarating agad kami don tinanggal ko agad ang seat belt ko at agad na bumaba.

YOU ARE READING
Dawn Of Us
RandomThis is the story about two people who will face the battle of love