Chapter 2 — Motorcycle Guy
CASSIUS
"Cassius, ano nang gagawin natin? Two weeks na. Pero . . . wala pa rin."
Iyon agad ang bungad ni Johnny sa 'kin pagkapasok ko ng opisina. Hawak ko sa kabilang kamay ang helmet ko at sa kanan naman ang kapeng binili ko sa 7-11 kanina malapit sa building ng B.E.
Mas masarap pa rin talaga ang timpla namin ni Lolo.
Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang bigyan ako ng ultimatum ni Ian tungkol sa We Feel It.
Kung anu-ano na ang ginawa naming promotions sa social media. Nag-isip rin kami ng mga bagong pakulo. Kumuha kami ng bagong set ng actors, nagsulat ng bagong plot . . . pero tang ina . . .
Wala pa rin.
Tumaas ang views namin noong Lunes pero hindi na ulit 'yon nasundan. Akala ko magtutuluy-tuloy na pero sa tingin ko ay nawala na talaga 'yong mga taong dating tumatangkilik at sumusubaybay sa programa namin.
"Hindi ko alam," malungkot kong tugon kay Johnny.
Umupo ako sa swivel chair at humigop sa kape ko bago ko siya harapin.
"Pasensya na sa inyo," sambit ko. "Ako lang naman ang magreresign. Manatili kayo rito," natatawang banat ko.
Johnny frowned. "Anong ikaw lang? Sama-sama tayo," sagot niya sa 'kin. Umusog siya ng kaunti papalapit sa lamesa ko bago ako bulungan.
"Bakit hindi ka na lang magtayo ng sarili mong studio, Cassius?"
"Studio ko?" sambit ko. Ngumiwi ako bago ko ibaba ang kape sa mesa. "Hindi ko kaya 'yon, John," dagdag ko.
"Bakit hindi? Isama mo kami!" mahinang bulong niya habang nililibot ang mata sa paligid. "Isama mo si Desiree," dagdag niya pa. "Tag team kayo, 'di ba?"
Napabalikwas ako sa upuan nang marinig ko ang pangalan ni Des.
Kagabi pa kami hindi nakakapag-usap dahil busy ako sa pagtulong kay Levi sa script para sa shoot ngayon.
Hindi ko na siya nasusundo sa condo niya. Hindi na rin kami nakakalabas nitong mga nakaraang linggo dahil sa pag-aayos namin sa programa.
Agad kong nasapo ang noo ko.
Shit.
Ang dami ko ng pagkukulang sa kaniya.
Aware naman ako na nagtatampo na si Desiree sa'kin . . .
Dito kasi sa opisina ay hindi ko na siya masyadong nabibigyan ng pansin . . . tapos, kahit wala kami sa trabaho ay busy pa rin ako.
Asshole, Cassius.
Babawi ako.
Kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa para i-dial ang number ni Desiree.
Nag-ring ng dalawang beses pero nawala ulit.
Pinatay yata . . .
Sinubukan kong tawagan ulit sa pangalawang pagkakataon pero hindi pa rin siya sumasagot.
To: Babe
Breakfast?
Huminga ako ng malalim bago ako sumandal sa upuan ko.
Ang dami-dami kong iniisip.
Hindi ko na alam kung anong uunahin ko, tang ina.
━━
"Pack-up na tayo."
Mahina lang ang pagkakasabi ko doon habang sumusulyap ako kay Desiree sa kabilang upuan, ilang metro ang layo sa 'kin.
BINABASA MO ANG
An Hour Latte (Time Series #1)
General FictionFor Astrid, a cup of coffee brings an extra boost of courage. But when it comes to her father, the President of the Romualdez Foundation, taking a sip of it wouldn't be enough for her to tell him that she wants to quit medical school. She felt that...