Chapter 1

31 3 0
                                    

Disclaimer, people!

Wala po akong alam talaga sa production and film industry so please bear with me because the things that I'll write here will be purely based on my research and some dramas/documentaries that I've watched.

Feel free to correct me if there's something wrong about the jargons, terms and actions.

let's just enjoy Cassius and Astrid's story for now :)

I will do my best, I promise!

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Chapter 1 — Latte Macchiato

CASSIUS

"Three, two---Johnny! Paayos nung ilaw saglit, masyadong nakatapat---'yan . . Move to the left, kaunti lang---okay good."

"Again . . Three, two, one, rolling!"

Ito ang araw-araw na buhay ko.

I write and review the script. If I don't like it, I revise them a little. I plan for shoots, I conduct researches, I even interview people including actors and actresses . . . I do a thorough checking of lights, sounds and cameras before shooting a live episode.

Hindi naman mahirap para sa'kin 'to. Because I enjoy what I'm doing.

For more than 2 years of working at Birdstones Entertainment, marami na akong natutunan. Namulat na rin ako sa industriyang kinabibilangan ko.

Producing a segment---especially if it's a live one, online---was hard. But I managed to do it with the help of my team.

"Babe---"

"Desiree," mariing tawag ko sa kaniya. "I told you, we shouldn't mix personal feelings and work. H'wag babe. Cassius na lang o kahit ano," malumanay kong sambit.

"Cash," she mumbled. Umikot pa ang mga mata niya-na parang 'di niya matanggap na 'di niya ako matawag sa endearment namin.

Tumango lang ako para ipagpatuloy niya kung anong gusto niyang sabihin.

Desiree is my girlfriend. We started dating around February last year. Mag-iisang taon na kami. We met here at work, by chance, pero magkakilala na talaga kami noon sa school pa lang.

She's my assistant producer. She oversees everything, just like me.

"Hindi pa raw tapos ni Levi 'yong script for the next episode tomorrow. Writer's block raw," nagkibit balikat siya.

I tapped Piolo's shoulder, isa sa mga co-producer ko rin para siya muna ang bahala doon sa shoot. Tumango lang ako kay Desiree but she pouted so I gave her a smile.

Mukhang magtatampo na naman siya kasi nasungitan ko siya about our endearment.

"Hoy, Levi," sambit ko sa writer namin na nakatungo sa harap ng PC niya. "Ano na? Bukas na 'yan, ha. 'Di naman sa pinepressure kita pero bukas na talaga 'yan."

I laughed. Levi looked up to me, glaring.

"Gago, 'di nakakamatay 'yang tingin mo, ulol," saad ko.

"H'wag mo 'kong i-pressure. Levi only writes at night."

Napakamot ako sa ulo. "Ano 'yan? Bio mo ba 'yan sa Facebook?"

"Sa lahat."

"Bwisit ka. Babalik na nga 'ko doon---" turo ko sa set sa labas, "---ayusin mo 'yan. Sa'yo nakasalalay ang We Feel It."

An Hour Latte (Time Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon