Chapter 3

22 2 0
                                    

. . . and because mayroon akong acad break, chapter 3 is here!

Emz.

Enjoy. ♡

*ang tagal kong hindi nagsulat. ang hirap!*

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Chapter 3 — Flowers

CASSIUS

"Cash . . . I'm . . . I'm sorry."

Umiwas ako ng tingin kay Desiree bago ko siya lagpasan para makarating ako sa desk ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa saya o kilig, pero dahil sa galit at inis.

Bago pa ako makalagpas sa kaniya ay pinigilan niya ako. She held my arms, stopping me from walking past behind her.

"Bakit?" malamig kong tanong habang nakakunot ang noo.

Naiinis ako.

Ang lakas ng loob niyang baliktarin agad ang sitwasyon kahapon kahit na ang totoo . . . siya naman talaga itong mayroong balak mang-iwan?

O . . baka matagal na 'yon?

Matagal na niya akong iniwan at wala akong kaalam-alam kasi akala ko ako 'yong masama.

Akala ko ako 'yong may pagkukulang.

Tang ina . . . hindi, e.

Aangal sana ako. Hindi sana ako susunod sa kaniya pero hinila niya ako palabas ng B.E..

Nakatingin lang si Levi at Piolo sa 'kin habang si Eunice naman, na kararating lang, ay hinarang pa kami sa pintuan ng opisina.

"Saan kayo--"

"Eunice."

Nanginginig pa ang boses ni Desiree nang tawagin niya si Eunice kaya agad akong napasulyap sa kaniyang mukha.

Nangingilid na ang luha niya.

Hindi ko ma-gets.

"Ah . . " saad ni Eunice habang tumatango.

Siguro ay na-realize na niya kung bakit ganito ang hitsura naming dalawa ni Desiree.

Pumasok na siya sa opisina habang hila pa rin ako ni Des palabas ng building. Naglakad pa kami ng ilang minuto hanggang makarating kami sa parking lot ng katabing Jollibee ng B.E..

Kalmado kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko nang tumigil siya sa paglalakad.

I looked like I'm calm but truthfully, hindi.

I was fuming mad.

Pansin kong hindi siya makatingin ng diretso sa'kin. Panay lang ang pagtingin niya sa itaas.

Sumandal ako sa motorsiklo ko habang inaantay siyang magsalita.

Siya ang nagsabi na wala na kaming dapat pag-usapan pa, 'di ba?

Bakit kami narito?

"Cassius . . . Sorry."

Nagsorry na naman siya.

Ayokong magsalita.

Baka kasi kung ano lang ang masabi ko. Kahit na nasasaktan ako ngayon sa lahat ng nangyayari ay hindi ko gagawing dahilan 'to para saktan siya pabalik.

An Hour Latte (Time Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon