CHAPTER 2

334 55 6
                                    

Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng High East University kung saan ako mag-aaral.

"Hindi na rin pala masama na lumipat ako rito sa school ng savior ko. Mukhang maayos naman dito at maganda," hindi ko naiwasang masambit.

"Bakit kasi pati ako dinamay mo sa balak mong ito?" pagrereklamo ni Jam. Nagdadabog pa siya na animo ay bata habang umaagapay sa paglalakad ko.

I just rolled my eyes. "Huwag kang maarte, bebs. Baka gusto mong isumbong ko kay tito ang kaliwa't kanan mong pakikipag-relasyon?"

Napanguso naman siya saka kumapit sa braso ko. "Sige at i-blackmail mo pa akong bruha ka."

Binusog muna naming dalawa ang aming mga mata sa pagtingin sa kagandahan ng High East habang pinapanuod ang mga istudyanteng nadadaanan namin. Kada may makikitang gwapong lalaki si bebs ay otomatikong pipihit ang leeg niya at susundan ito ng tingin.

"10 over 10. Grabe, bebs. Hindi na rin pala masamang sumama ako sayo. Ang daming gwapo rito." aneto sabay ngisi.

"Sana lang at dito ka makahanap nang seseryosohin, bebs." pang-aasar ko sa kanya.

"Che! Wala iyan sa bokabularyo ko, noh? Ika nga nila, the more, the merrier. Saka habang marami pa ang lalaki sa mundo, might as well enjoy them one by one," dahilan pa ni Jam na sinamahan niya pa nang pagkumpas ng kanyang kamay.

Nang lumingon siya sa gawi ko ay hindi na namin napigilang magkatitigan na dalawa saka sabay na natawa. May mga bagay talaga na sa tinginan niyo pa lang, nagkakaintindihan na kayo.

Nang pareho naming maramdaman ang pagod sa kalalakad ay napagpasyahan na naming dalawa na magpunta na sa magiging room namin for our first period. Nagpapasalamat ako na magkaklase kami roon ni crush. Mabuti na lang pala at abot hanggang dito ang koneksyon ni dad.

"Bebs, cr lang muna ako saglit, ha?"

Tumango lamang ako. Nang tuluyan na siyang makaalis ay siya namang paglakad ko. Until I saw a familiar figure that makes me stopped. He was laughing with the group of men outside our room. Not until our eyes met.

Does he still know me? Ang unang tanong na pumasok sa isipan ko.

I took a deep breath first, then calmed my heart and smiled at him widely. Hanggang sa naglakad na ako palapit sa kanila. Even those he was talking to were now looking at me.

"Hi miss. May kailangan ka? O kailangan mo ako?"

Hindi ko pinag-ukulan ng pansin ang lalaking nagsalita sa kanyang tabi. Basta ang buong atensiyon ko ay nasa kanya lang.

"Hi crush. Remember me?"

Napanganga naman ang mga kasama niya habang siya ay seryoso pa rin ang mukha.

"No," matigas niyang sagot.

Isang salita pero tagos iyon hanggang sa puso ko. Ni hindi mapaniwalaan ang sinabi niya pero hindi ako magpapatalo. Ngayon pa bang naririto na ako?

"Hindi mo na nga ba ako nakikilala o nagpapanggap ka lang na hindi mo ako kilala?" saglit akong tumigil bago nagpatuloy. "Kung alin man sa dalawang iyon ay wala na akong pakialam. Basta ang alam ko ay pareho na tayo nang mundong ginagalawan."

Dumaan ang ilang saglit na katahimikan bago ko dugtungan ang sinabi ko. "Nakikilala mo man ako o hindi, remember this my fallen angel. Crush kita at gagawin ko ang lahat maging crush mo lang din ako."

Nagsipaghiyawan naman ang mga kasama niya habang siya ay tumalikod na lang.

Marahas naman siyang napabuga ng hangin. "You're annoying!"

Chasing The Guy Who Saved Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon