CHAPTER 5

198 42 6
                                    

Sobrang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko kinabukasan. Parang pinupukpok ang ulo ko. Mukhang nasobrahan yata ako ng inom kagabi.

Sapo-sapo ang aking noo nang maupo ako sa kama. Gano'n na lang ang pagngiti ko nang maalala kung anong nangyari kagabi. Mula sa aking noo ay bumaba ang kamay ko sa aking labi nang maalala ang halikang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Josh. Naghatid iyon ng bolta-boltaheng kiliti sa aking tiyan, sabayan pa nang biglang pag-iinit ng aking pisngi. Kinuha ko ang isang unan saka doon nagtitili. Tila nawala bigla ang sakit ng ulo ko dahil sa alaala kagabi.

Na-realize ko na ipinaparamdam sa akin ni Josh na tila wala lang ako sa kanya. Ngunit dahil sa nangyari kagabi ay tila nagkaroon muli ako ng pag-asa.

Nagambala ng tunog na nagmumula sa cellphone ko ang malalim kong iniisip. When I checked who texted me, I received messages from my dad and mom asking me how am I. Nakangiti akong nagtipa ng mensahe para sa kanilang dalawa at sinabi ko ring nangungulila rin ako sa kanila.

Pagkatapos kong mapindot ang send button ay bumangon na ako at kumuha ng susuotin at kaagad na dumiretso sa banyo. Naabutan ko pa sa salas na bihis na si Jam pero mukhang lutang ang gaga. Sigurado ako na mas marami siyang nainom kesa sa akin. Napailing na lang naman ako saka na dumiretso ng banyo.

KAHIT hanggang pagpasok sa university ay suot ko pa rin ang ngiti sa labi ko. Ramdam ko pa rin ang good vibes kahit na maraming matatalim na mga mata ang nakatingin sa akin.

Nang matapat kami ni Jam sa corridor na palaging dinadaanan nila Josh ay kinuha ko ang compact mirror sa loob ng aking bag. I checked myself if the natural look that I did is still okay.

Naglaan talaga ako ng isang oras sa harap ng salamin kanina para lang magmukhang natural ang i-a-apply kong make-up. Nagawa ko rin ilagay ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga. Nang makuntento sa hitsura ko ay doon ko pa lang ibinalik sa bag ang salamin.

"Nandiyan na ba siya, bebs?"

Tumango naman si Jam at nag-thumbs up pa. Ngunit ang sunod na pangyayari ay hindi ko napaghandaan. Sa sobrang pagmamadali ko na masilip si Josh ay hindi ko na napansin na may bato pala sa paanan ko.

Shit! Bakit may bato sa sahig ng corridor?

Napapikit na lang ako at ang buong akala ko ay sahig ang siyang sasalo sa akin ngunit bigla ay naramdaman ko na tila may yumapos sa beywang ko. Naimulat ko ang aking mata saka napangiti nang bumungad sa akin si Josh.

"Uy crush, muntik na akong ma-fall. Buti na lang nasalo mo ako."

Tila napapasong binitawan naman niya ako. Mabuti na lang at nabalanse ko ang sarili ko kung hindi sa sahig talaga diretso ang puwet ko.

"She's cute," tatawa-tawang komento ng kasama ni Josh sa kanya.

"No. She's annoying," si Josh na salubong na ang mga kilay.

Wala namang nakakakilig sa sinabi niya pero ramdam kong pulang-pula ang mukha ko at sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"No! I'm Euphrasia Lexus Avery," pagbibiro ko na tila lalong nagpainis kay Josh. Kaya dinugtungan ko na lang kung ang sinasabi ko. "Uy crush. Ingat ka, ha? Baka ma-fall ka..."

Hinintay ko munang lumingon siya sa gawi ko at nang ginawa niya ay napangiti ako nang malapad saka pa lang dinugtungan ang sinabi ko. "sa akin."

Natawa na lang ako nang nagmamadali siyang umalis kaya inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ng bibig ko saka sinigaw ko na lang ang gusto ko pang sabihin. "Huwag kang mag-alala kasi sasaluhin naman kita!"

Dahil sa ginawa kong pagsigaw ay napalingon sa akin ang mga kapwa ko mga istudyante na noon ay abala sa paglalakad papunta sa kani-kanilang mga room. Nakagat ko na lang ang labi ko saka napa-peace sign.

Chasing The Guy Who Saved Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon