Pakiramdam ko ay na-drain ang utak ko sa araw na ito. Kung sine-swerte nga naman, matapos naming gumawa ng financial statements kanina ay math naman ang next class namin.
I really don't hate math kasi alam kong parte na iyan ng everyday lives natin. Ngunit sadyang nakakadugo lang talaga ng utak. Kaya nang hinila ako ni Jam papuntang comfort room ay nagpatianod na lang ako. Tila ako isang papel na hila-hila niya ngayon.
"Bebs, mag-clubbing tayo ngayon."
Tila naman nagising ang diwa ko sa sinabi ni Jam. Abala na siya ngayon sa pagreretouch sa mukha niya.
"What? Nagtitipid tayo, Jam. Kailangan pa nga nating maghanap ng part-time job para matustusan ang mga pangangailangan natin. Ano ka ba!"
Medyo tumaas ang tono ng boses ko na siyang ikinairap niya.
"Bigay naman ni tito itong perang gagastusin natin. Promise, this will be the last time," katwiran niya pa.
Mas lalo lang ata akong nakaramdam ng inis dahil sa isinagot niya. "At talagang tinanggap mo ang perang binigay ni dad?" saka ako nameywang sa harapan niya.
Hinarap naman niya ako saka tinapik sa balikat. "Huwag kang magalit. Promise, first and last na ito. Saka pareho naman tayong magtatrabaho."
Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng aking dibdib. "Hindi ako sasama. Wala akong dalang extra'ng damit."
"Okay lang naman ang suot mo."
Humarap ako sa salamin at sinipat ko ang suot kong spaghetti strap na pinatungan ko ng kulay pink na long sleeve. Pinaresan ko ito ng isang fitted jeans at saktong naka stilletos ako. Sinuklay-suklay ko lang ang mahaba kong kulot na buhok gamit ang kamay ko saka pinagmasdan ang earrings na regalo sa akin ni mommy noong debut ko. Ngayon ko na lang ulit ito nasuot.
Hinanap ko sa bag ko ang hair clip ko saka ko iyon inilagay sa buhok ko at isinuot ko na rin ang salamin na wala namang grado — for style lang.
Matapos kong makapag-ayos ay saka ko binalingan ng tingin si Jam. Literal na nalaglag ang panga ko dahil ngayon ko lang siya nakitang nakalugay ang buhok. Bata pa lang kasi kaming dalawa ay sanay na siyang palaging nakatali ang buhok niya. Ngunit mukhang nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon.
Ang buong akala ng mga taong nakapaligid sa amin ay magkapatid kami ni Jam. Hindi rin kasi nagkakalayo ang height naming dalawa. Sa unang tingin ay aakalain mo talagang iisang tao lang kami kung hindi lang dahil magkaiba ang buhok namin ay aakalain na talaga ng iba na ganoon nga ang kaso.
Kulot kasi ang buhok ko na namana ko kay mommy, habang tuwid na tuwid naman ang mahabang buhok ni Jam na ngayon nga ay sa wakas, nakita ko na ring nakabagsak na at hindi na nakatali. Mayroon din akong nunal sa ibaba ng labi ko na nakatulong sa iba para makitang may pagkakaiba talaga kami ni Jam.
Pumasok lang sandali si Jam sa isa sa mga cubicle at lumabas siyang nakaayos na. Nakasuot siya ng white sando na pinatungan niya lang ng isang itim na blazer. Pati curve at shape ng katawan ay halos parehas din talaga kaming dalawa.
Pagkalabas namin ng university ay may nag-aabang na sa amin na van. Kulay pula iyon at halatang kagagaling lang ng car wash.
May isang babaeng maganda ang kumaway kay Jam kaya ko nakumpira na kasama namin sila sa lakad. May tatlong babae at tatlong lalaki ang sakay ng van kasama na pati ang driver. Mukhang mga kaklase ni Jam kasi hindi pa man umiinit ang pagkakaupo namin ay nagdaldalan na sila. Akala ko maiilang ako sa kanila ngunit laking pasasalamat ko na lang at madadaldal silang lahat.
Sa bawat pagtawa ko ay napapansin kong panay ang tingin sa akin ng isang lalaki na siyang nagmamaneho. Kapag napapansin niyang napapatingin ako sa kanya ay kaagad siyang umiiwas ng tingin. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin lalo na nang nakarating na kami sa isang bar. Mukhang puntahan talaga ito ng mga kabataang gustong makalimutan lahat ng stress na nangyayari sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
Chasing The Guy Who Saved Me ✔
RomanceCOMPLETED | FULL VERSION WITH SPECIAL CHAPTER ON GOODNOVEL "Just say yes and I will court you forever. Give me your hand, and I will give you forever." - Joshua Arcel Gonzales She did everything just to find the guy who saved her that night. And whe...