CHAPTER 3

217 53 0
                                    

Matapos ang short quiz ay nagmamadaling umalis si Josh. Bago ko pa man siya matawag ay nakalabas na siya ng room na siyang ikinasimangot ko na lang.

Maya-maya lang ay nag-vibrate ang phone ko. Nang kunin ko iyon ay nakatanggap ako ng text mula kay Jam.

Bebs: Nasa cafeteria na ako.

Hindi na ako nag-abala pang magpadala ng mensahe pabalik sa kanya. Matapos kong maipagtanong sa isa kong kaklase kung saan ang direksyon papuntang cafeteria ay dumiretso na kaagad ako roon.

Nakabusangot ang mukha ni Jam nang datnan ko siya sa cafeteria, ilang layo lang mula sa table nila Josh. Hindi pa man umiinit ang pwet ko sa upuan ay nagsimula na siyang magtatalak.

"Nakakainis na chizwis na iyon. Biruin mo ba naman, bebs? Natawag pa kaming palaman loveteam. I started hating my name."

Mababakas ang inis sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Pati dibdib ay nagtataas-baba na rin. Pero kahit na gano'n ang lagay niya ay hindi ko naman siya pinansin at ibinigay ang buo kong atensiyon kay Josh.

Nang malaman ko kanina na architecture pala ang course niya ay mas lalo lang akong nagkagusto sa kanya. Family of architects and engineers daw kasi sila, base na rin sa pakikinig ko sa mga chismosa kong mga kaklase.

Tila naman uusok ang ilong ko nang makitang hinahaplos ng babaeng katabi ni Josh ang kanyang braso at dibdib. Isa pang rason na lalong nakapagpainit ng ulo ko ay ang katotohanang mukhang tuwang-tuwa pa siya. Hindi pa nakatulong ang mga bulungan sa likurang bahagi ko.

"Balita ko kasi ni-reject daw ni Tamara si Josh kasi he can't still get over with her ex. Pero ngayon mukhang nagliligawan na ulit sila. Kunsabay naman ay matagal na nilang kilala ang isa't isa. Bagay na bagay talaga sila. Isang architect at isang chemical engineer."

Lumaki ang tenga ko dahil sa narinig. Hindi pa nakatulong na narinig ko pati ang pagsagot ng kasama niya.

"Kaya nga maraming babaeng nawawalan na ng pag-asa magkaroon ng chance, tulad ko."

Tumaas ang kilay ko nang pati sarili niya ay isinama niya. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at tuluyang nilingon ang magkaibigan sa likod ko na kulang na lang ay mangisay na sa kilig, na tila hindi broken hearted ang isa sa kanila. Natigil lang sila nang titigan ko sila ng masama.

"May isang babae na mas babagay kay Josh."

Nagkatinginan naman silang dalawa saka in chorus na nagtanong. "Sino?"

"Si eddy."

Mas lalo lamang silang naguluhan sa sinabi ko. "Eddy, who?"

Ngumisi ako saka may pagmamalaking sinambit ang katagang, "Eddy ako."

Mula sa dalawa ay naibaling ko ang aking tingin kay bebs nang pitikin niya ang tenga ko.

"Tigilan mo na iyan at kanina pa kita kinakausap, Lex. Nakikinig ka ba?"

"Hindi."

Sabay kibit ko ng balikat na siyang lalong nagpataas ng kilay niya. Pumulot pa siya ng isang fries saka ibinato iyon sa akin. Na-shoot tuloy iyon sa blouse na suot ko. Agad ko iyong pinagpagan at naalalang hindi pa nga pala kami nakakapagpatahi ng uniform.

"As I was saying.. nakakakainis talaga ang chiswiz na iyon," pagpapatuloy niya pa rin.

"Baka naman naiinis ka kasi type mo."

"As if! Over my dead body!"

May balak pa sana akong sabihin ngunit natigilan din nang halos bigyan niya ng tingin na nakamamatay ang kung sino mang nasa likuran ko.

Chasing The Guy Who Saved Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon