Chapter 18 - Awayan

281 8 0
                                    

Charlotte Pov

Habang niyayakap ako ni Jayzer ay kinakalma ko ang sarili ko

Marupok ako guys

Ng napakalma ko na ang sarili ko tiyaka ko na kinakalas ang yakap saakin ni Jayzer pero mukhang pinipigilan niya ako

Jayzer huwag ganyan pag pinagpatuloy mo yan baka pakasalan na kita after class

"Jayzer pinagtitinginan na tayo"

Pabebeng sabi ko sakaniya, pabebeng pabebe ako para cute sa pandinig niya yung boses ko

"5 minutes, give me five minutes, gusto ko lang muna kalimutan yung bagay na yun, yung bagay na matagal ng nakatarak sa dibdib ko yung masakit na nakaran na yun"

Habang pinakikinggan ko siya habang sinasabi ang mga bagay na yun halata na din sa boses ni Jayzer na nagpipigil siya na umiyak

Ano yung nakaraan na hindi makalimutan ni Jayzer na naging mabigat na problema at nagpahirap sakaniya

Hinagod ko na lang ang likod ni Jayzer para mapakalma siya ginawa ko  na ding bulag ang sarili ko sa mga schoolmate namin na pinagtitinginan kami yung mga nanonood sa eksena namin ni Jayzer ngayon

Nako sure ako issue nanaman ito sakanila kesyo ganto ganyan, sanay nako ganyan naman sa pinas

"Charlotte! "

Napabitiw ako ng yakap kay Jayzer ng marinig ang boses ni Kenneth, boses galit siya

"Kenneth...hin.. Kenneth!! "

*boooggsh*

Nagulat ako ng biglang sinuntok ni Kenneth si Jayzer at kinuwelyuhan niya pa ito patayo

"Kenneth bitawan mo si Jayzer! "

Inawat ko si Kenneth dahil balak niya nanamang suntukin si Jayzer pero dahil malakas si Kenneth ay hindi ko siya napigilan

Hindi pa rin lumalaban si Jayzer at wala pa rin sa husyo

"Kervin, Kervin"

Tumakbo ako papunta kay Kervin habang mangiyak ngiyak kasama niya din si Jessica na mukhang unang napansin ang pag aaway nila Jayzer at Kenneth kesa kay Kervin na tinititigan ako

"Charlotte anong problema bakit ka umiiyak? "

Nag aalalang tanong niya habang pinupunasan ang mga luha ko

"Si-si-sila Jayzer at Kenneth"

Habang tinuturo ko sina Jayzer at Kenneth

"Kenneth!... Charlotte huwag ka mag alala ako na bahala sakanila tahan na "

Tumango tango naman ako sakaniya tapos nun ay pumunta na siya kela Jayzer at Kenneth inawat niya ang mga ito

Hinila naman ako ni Jessica palapit sakaniya para mapakalama

Ano bang nangyayari? Bakit galit na galit si Kenneth kay Jayzer? Hindi ko kaya ito,  yung may makitang nag susuntukan sa harap ko na mga malalapit na tao saakin

"Magiging ok din yan Charlotte tahan na"

Bulong saakin ni Jessica

Niyakap ko saglit si Jessica at saktong pagtingin ko kela Jayzer at Kenneth ay ang pag tangka ni Kenneth na suntukin si Jayzer na putok na ang gilid na labi

"Si Jayzer"

Bulong ko

"Charlotte may sinasabi ka? "

Mr. Cold [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon