Chapter 31 - DNA Result

362 10 0
                                    

Mrs. Bernald Pov

"Positive, anak ko si Jing"

Nanginginig ang kamay ko sa saya ng makita ang resulta ng dna test,  may sarili kaming ospital kaya mabilis na nakuha ko ang resulta

"Maam, congrats po nahanap niyo na ang anak niyo"

Hindi ko mapigilan ang tuwa at mga luhang tumutulo sa mga mata ko dahil sa saya hindi na ako makapaghihintay, mamayabg gabi pupunta kami agad ng asawa ko sa bahay ng pamilya alcantara

"Maam andito na po si Sir"

Lumapit saakin ang asawa ko dahil sa nakita niya akong umiiyak

"What happened, is it negative again? Let me see...... 99.9999% its positive anak natin si"

"Jing anak natin siya, siya ang nawawala nating anak, Romeo nahanap na natin ang anak natin Romeo matapos ang ilang taong paghahanap makakasama din natin siya"

Masayang tinignan ako ng asawa ko dahil sa tuwa niya sa kinalabasan ng resulta

"Kunin na natin ang anak natin"

Tumango tango ako sa asawa ko at saka kami  sumakay sa kotse upang tahakin ang daan papunta sa anak namin

"Mrs. Bernald, Mr. Bernald bakit nandito po kayo"

Napatitig ako sa mata ng babaeng nasa harap ko ngayon hindi ko alam pero parang gusto ko siyang yakapin, nawala naman ito agad ng makita ko si Jing at tulin kong niyakap siya

"Maam ma—"

"Anak"

"Jing anak ka namin"

"Po? "

Nagtaka ako ng kinalas ni Jing ang yakap ko sakaniya

"Impossible po"

Nagtinginan kami ng asawa ko sa sinabi ni Jing na iyon

"Jing we just took a dna test kaya it confirm"

Tangkang yayakapin ko saka siya ulit pero lumayo siya

"Hindi po akin yung dna na nakuha niyo"

"What? "

"Nakapatong po ba sa platito yung tinidor na kinuha niyo"

"Oo yun ang sinabi mong kunin ko kanina, ang sabi mo sayo yun"

"Hindi po, ang akin po  nakapatong sa may cake"

"Ano? "

Pinilit kong ikalma ang sarili ko sa sinabi ni Jing na iyon

"Hon, kalma ang importante positive ang resulta we just need to find out who own that dna"

"Tama ka pero—"

"Ako po yung may ari ng tinidor na yun.... Pero impossible po na positive ang result nun dahil hindi naman po ako ampon"

Tila wala naman akong narinig sa sinabi niya at tanging pag iyak na lamang ang nagawa ko

"What is your name? "

"Charlotte po, Charlotte Madrigal "

"Hindi negative ang result dahil dinoble check namin ito.... Charlotte alam kong nakakapag taka sabihin to pero kami ang totoo mong mga magulang"

Pag papaliwanag ng asawa ko

"Hindi po eh... Hindi ako ampon,  maam, sir sorry po"

"Lets go to your mom.... Kausapin natin siya, to us details about you"

Mr. Cold [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon