Charlotte Pov
"Charlotte... Condolence"
Pakikiramay ni Jessica at Kenneth
Nasa bahay na ang bangkay ni Papa ngayon at marami ding bumisita para makiramay saamin
"Salamat.... pero gusto ko muna sanang mapag-isa"
Matamlay na sagot ko sakanila
"Sige, iiwan ka muna namin dito ni Kenneth tutulong na muna kami dito sa libing" Jessica
Aalis na sana si Jessica para tumulong sa pag aasikaso ng mga nakikiramay pero napansin niyang hindi sumunod sakaniya si Kenneth
"Kenneth? Tara na"
Pagyaya sakaniya ni Jessica
"Hindi... Hindi ka naman pwedeng iwan ngayon Charlotte"
Napatingin naman ako sa mga mata ni Kenneth matapos niyang sabihin ang mga yun
"Alam kong kailangan mo ng makakapitan ngayon, andito ako, kami para mapagaan ang sakit na nararamdaman mo. Andito ako para iyakan mo"
Hindi ko na napigil ang sarili ko at agad na niyakap ko si Kenneth tiyaka umiyak sa mga bisig niya
"*snifft* kasalanan ko ang lahat *snifft* huhuhuhu kung hindi sana ako naglayas ng bahay nung gabi na yun sana..... sana hindi ako hinanap ni Papa *snifft* hindi sana nawalan ng preno yung sasakyan ng boss niya *snifft* huhuhuhu kasalanan ko lahat"
Hindi na tumigil ang pag iyak ko sa tuwing naiisip ko na ako ang dahilan ng pagkamatay ni Papa, ako ang dahilan
"Wala kang kasalanan Charlotte, huwag mong sisihin ang sarili mo at lalong hindi mo ginustong mawala ang Papa mo"
Pagpapatahan saakin ni Jessica
"Hindi niyo ako naiintidihan"
Pagkasabi mo nun ay kumalas ako ng pagkakayap kay Kenneth at hinarap ulit silang dalawa
"Ako yung dahilan kung bakit ako hinahanap ni Papa-"
"Charlotte hindi yan totoo" Pagpupumilit ni Kenneth
"Sabihin nga nating hindi yun, pero nakita ko yung sasakyan niya at ang masakit hindi ko siya niligtas"
Umiiyak na dahilan ko
"Nakita mo ang sasakyan kung nasan ang Papa mo pero hindi mo siya niligtas? "
Naguguluhang tanong ni Jessica
"Oo. Ang sabi nung mga pulis nabunggo daw nung sasakyan ni Papa ang sasakyan ni Jayzer at nung gabing yun yung kotse ni Jayzer ang napili kong tignan dahil hindi ko namukaan ang kotse ng boss ni Papa, hindi ko alam na nandun si Papa, kasalanan ko ang lahat *snifft* huhuhuhu"
Nagsimula nanaman akong umiyak dahil sa katotohanan na binigyan ako ng chance na iligtas si Papa pero wala akong ginawa
Wala akong ginawa, hinayaan ko lang siyang mamatay sa kotse at inuna ko pa si Jayzer, kasalanan ko ang lahat
Ako ang pumatay kay Papa, wala akong kwentang anak sana ako na lang ang namatay dahil masama ako
"Charlotte, huwag mong sisihin ang sarili mo kase, sure ako ng wala man ang Papa mo dito sigurado akong hindi ka niya sinisisi kase alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, wala kang kasalanan"
"Sana nga Kenneth yan yung nasa isip ko ngayon"
Umiiyak na sagot ko sakaniya
Ng makita ko si Mama na lumabas ng bahay, agad kong inayos ang sarili ko, kailangan kong magmukhang malakas sa harap ni Mama kase kung hindi ko kakayanin baka mas maging pabigat pa ako kay Mama kesa matulungan ko siyang gumaling sa pagkawala ni papa
BINABASA MO ANG
Mr. Cold [COMPLETED]
General FictionCharlotte Madrigal Simpleng babae na kapag nag mahal ng isang tao siya lang hanggang huli, kahit na kasing lami pa ng yelo ang trato nito sakaniya gaya ni Jayzer Alcantara Papansin ka ng papansin sakaniya, ibinigay mo lahat pero marerealise mo bakit...