Chapter 30 - Missing Daughter

348 8 0
                                    

Charlotte Pov

Bumalik na ako sa bahay nioa Jayzer matapos namin mag kwentuhan ng barkada ko pero, nadatnan ko ang lahat na nagkakagulo

"Ate jing"

Tawag ko kay ate jing na di naman magkanda ugaga sa pag aayos ng meryenda

"Charlotte! Naku buti na lang at dumating ka na, ito iserve mo ito kela Maam"

Habang iniaabot niya saakin ang tray na may luxurious na meryenda

"Teka teka teka"

Pagpapahinto ko sakaniya na itulak ako papunta sa may exit ng kusina papuntang salas

"Bakit? "

"Eh ate jing naman nakakakaba kaya, tignan mo ah, hindi ko alam kung bakit ganyan kayo nila Kuya Badong na parang natataranta at nagmamadali tapos itong meryenda naman, diba pinaseserve lang nila ito pag importante ang bisita nila"

Naguguluhang tanong ko

"Yun nga mismo, importanteng bisita....basta ang rinig ko kaibigan siya ni Maam at bigatin ang kumpanya niya"

Paliwanag niya

"Eh bakit ganyan ka nerbyosin? "

"Nalaman niya kase na... Ampon ako at walang malinaw na paliwanag kung saan ako galing at saktong nawawalan sila ng anak kaya... "

"Kaya ipaddna test ka nila? "

"Oo, pero parang hindi kase ako yung nawawalan nilang anak eh, 18 yrs old na dapat yun pero 19 na ako"

"Oo nga no.... Teka diba sabi lo hindi naman talaga malinaw kung paano ka nakuha? Malay mo 18 ka palang dapat pero minove nila ng 19"

Ngumiti naman siya sa sinabi ko

"Sana nga"

Buti naman gumana yung sinabi ko at napangiti siya

"Kaya"

Ibinigay ko sakaniya ang tray ng meryenda

"Ikaw na ang magbigay dun kase malay mo o kaya sana! Ikaw nga ang nawawala nilang anak at kung ikaw nga yun huwag mo akong kalimutang pautangin ah"

Pambibiro ko sakaniya para mawala ang kaba niya

"Hoo! Kaya ko ito, sige Charlotte ibibigay ko na ito"

Tumango naman ako habang nakangiti, sana nga magulang niya ang mga bisita ni Maam para makompleto niya naang pagkatao niya

"Shes the one that I'm telling ti you"

Rinig kong bati ni Maam kay Ate Jing na halatang kabado ngunit nakangiti

Napansin ko din ang mukha ng babae, halos kaedad lang siya ni Mama ngunit kahit nasa 40 na ay hindi mo mapagkakamalang 40 na ito dahil sa kutis ng balat at balingkinitang beywang, maputi din siya at napakaganda niya, parang nakakagaan siya ng loob

"Sana nga ikaw na ang mama ni ate Jing..... Namiss ko tuloy si Mama, kamusta na kaya siya"

Flor Pov (Charlotte's mother)

"Putangina talo nanaman"

Pagrereklamo ko sa ikaw  anim kong talo dito sa sugal, putaragis wala naman akong balat sa puwet pero lagi na lang akong malas

"Mukhang hindi mo araw ngayon Flor, kanina ka pa sulit ah puro talo hahaha"

"Manahimik ka Beatrice at maglaro na lang ano?! Kase ikaw gaga ka pudak ka ng pudak eh puro talo ka din naman! "

Mr. Cold [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon