IV

2 0 0
                                    

[ Nightmare ]

"Wag! wag niyo siyang sasaktan, wag niyong gagalawin ang anak ko! wala siyang kinalaman kaya ako na lang ang patayin niyo" tinig ni mommy kung saan hawak siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso

Hindi ko man lang maigalaw ang buong katawan ko dahil puro ako sugat at may tama ng bala ang kaliwang binti ko

Inihagis nung dalawang lalaki si mommy papunta sakin kaya agad nitong ako niyakap

"baby, please don't sleep okay? you'll be okay mommy's here" bulong nito habang hinahaplos ang pisngi ko

nakatitig ako sa mukha ni mommy, kinakabisado ko ang bawat parte ng mukha ni mommy para siyang isang anghel dahil sa maamo nitong mukha

Hindi ko na lang namalayan na umiiyak nako, wala akong kaalam alam sa nangyayare hindi ko alam kung bakit kami sinasaktan ng mga lalaking nakapaligid samin

Nakatatak lang sa isip ko ng oras na yon ay kailangan namin umalis sa lugar na yon ni mommy kinakabahan ako sa pwedeng mangyare

"baby, always remember that mommy loves your dad and especially you and caiah, tell them that i love them. Ingatan mo yung sarili mo ingatan mo den ang dad at ate mo, sisiguruhin kong makakauwe ka ng ligtas sa mansion, mahal ko kayo ng dad niyo" malambing na sabe ni mommy kitang kita ko pa ang mabagal na pagtulo ng luha niya sa magaganda niyang mata

Yayakapin ko na sana si mommy dahil ayokong nakikita siyang umiiyak ngunit napatigil ako sa isang malakas na tunog na nanggagaling sa baril, kusang bumagsak sa tabe ko at naliligo na sa sariling dugo

Isang ngiti ang ipinakita ni mommy sakin bago niya ipikit ang mata niya, ngiting nagsasabeng magiging ayos lang ang lahat, ngiti na tumatak saakin

"No! mommy please wake up! mommy pleasee!" kahit pa hirap na hirap ako sa pagtayo ay lumapit ako sa katawan ni mommy at marahan na niyuyog ito

Nagsialisan na ang limang lalake na may ngisi sa kanilang labi, sinulyapan ko pa muna ang huling lalakeng umalis nakita kong may tattoo itong kulay black na dragon at nang mawala na sila sa paningin ko ay bumaling ako sa wala ng buhay na katawan ni mommy,

"Mommy wake up!"

"Mommy!" pawisang napabalikwas ako, napahawak ako sa ulo ko dahil sobra itong kumirot

Gabe gabe kong napapanaginapan ang eksenang iyon ang araw na gusto kong balikan gustong kong baguhin, araw na namatay ang mommy ko hindi ko den malilimutan yung limang lalake na kumitil sa buhay ng mommy ko

Napahigpit ang kapit ko sa kumot at saka ko lang narealize na nasa isa akong kwarto, para itong hospital room dahil puros puti ang dingding pati na din ang sahig, nasisiguro kong nasa infirmary ako pero paano? ang naalala ko ay nasa detention room ako tapos

Pakshet!

May mga bumugbog sakin tapos umalis at iniwan akong sugatan sa detention room pero paanong napunta ako dito kung bago ako mawalan ng malay ay alam kong asa detention room ako

nakita ko naman ang magkabilang braso ko na puro pasa at sugat ramdam ko naman yung sakit ng putok kong labi at ang likod ko,

Badtrip ah, hardcore mangbugbog mga yon

umangat ako ng dahan dahan at sinandal ang ulo sa head board ng kama doon ko lang napansin na may lalaking nakaupo sa di kalayuan, nalaman ko agad na si skyler ito dahil sa blue nitong buhok,

"Hey, kamusta? may masakit pa ba sayo?" tanong nito at lumapit sakin

"Bugbugin kaya kita tulad nung ganto tas tatanungin kita kung masakit ba" pabalang na sabe ko saka inirapan ito

"okay kana nga, anyway sino ang gumawa nito sayo?" tanong nito

Hindi ko ito sinagot at inalala yung mga mukha nung nambugbog sakin dahil pag gumaling na ako ay babalikan ko sila sisiguruhin kong barag ang mukha nila kinabukasan

"hey, im asking you who the hell did this to you?" pagputol ni skyler sa pagiisip ko kung pano makakahiganti

"wala kana don, pwedeng iwanan mo na muna ako mag isa? gusto ko na kasing magpahinga" iritang sabe ko

Napabuntong hininga na lang ito saka tumayo at naglakad palabas ng pinto nagsabe pa ito na tawagin ko na lang daw yung nurse kung may kailangan ako or kung may masakit sakin saka ito lumabas na

Saka ako napatingin sa kisame at inalala yung bangungot ko, 10 taon na nakakalilipas ay tandang tanda ko pa den ang lahat ng nangyare sa pagkamatay ni mommy, sa bawat araw na napapanaginapan ko ang nangyareng yon ay nadadagdagan ang galit ko sa mga taong pumatay kay mommy,

Pagtapos nung nangyare na yon ay pinursigi kong mag aral mag isa sa mga self defense, sa pag gamit ng dagger, bow, katana and gun

Mabahang pagsasanay ang ginawa ko matapos ang pangyayareng yon isinabay ko na den ang sa pagsasanay ang pag hahanap ko sa limang lalakeng kumitil sa buhay ni mommy pero masyado silang mailap at kahit nikatiting na location nila ay hindi ko mahanap at kahit na ganun di paren ako sumuko dahil hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatay ang kumitil sa buhay ni mommy,

Madame pa akong inisip bago ko ule naramdam ang pagbigat ng talukap ng mata ko saka ako nakatulog.

APAT na araw na ang nakakalipas matapos akong makalabas ng infimary naging normal naman ang mga araw ko hindi ko pa den nakikita yung tatlong babaeng bumugbog sakin kahit na kating kati ako hanapin sila ay hindi nako nagsayang ng oras na hanapin dahil kapag nakasalubong ko na lang sila doon ko sila babanatan,

Nung lumabas ako ng infirmary si shey ang sumundo sakin puno ng pag alala ang mata niya sabe pa niya sakin na kapag balak ko daw balikan yung bumugbog sakin ay sasama daw siya natawa pako dahil sa mukha niya nun na handa na makipag bunuan

Papunta nako sa field dahil ngayon yung activity namin sa strength and abilities ngayon den namin malalaman kung sino ang makaka duo namin sa activity

pagdating ko sa field ay kumpleto na sila don, late nako pumasok dahil ayokong maaga na pumunta dahil wala naman ako masyadong kilala sa mga classmate ko

pagdating ko sakto naman den ang pagdating ni miss lisanna,

"okay class, ready na ba kayo sa duel niyo ngayon?" nakangiti nitong sabe "but before that let me know kung sino yung makakaduel niyo, naalala niyo ba yung bumunot kayo ng papel nakasulat don ang pangalan ng makaka duel niyo"

Kinapa ko naman sa bulsa ko yung papel saka binuksan ito agad na sumilay sa labi ko ang isang ngisi

kung sinuswerte ka nga naman oh, hindi nako mahihirapan bugbugin ng patago to

Humanda kana sakin, Tiffany.

To be continued..

Snow White Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon