I

4 1 0
                                    

[Raelous Academy]

Monday morning,

nagising ako sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko, tumingin ako sa kisame at hinayaan ang isip na alalahanin ang nangyare kagabe

Flashback

Agad akong tumungo ng dining area at doon ko nakita si Sir Val at ang kapatid kong si Caiah.

"sir val, eto na po yung trea's crest" inabot ko ito sakanya

Kinuwa naman niya ito pero parang di pa atang masaya ito na nakuwa ko ito sa mga nagnakaw dito sa loob ng mansion,

"Napaka tagal mo naman atang nakuwa to, tsk dapat pala ay si Caiah ang inutusan ko nang sa ganun ay mabilis na nakuwa to" sabe nito at bakas sa mukha nito ang disappointment saakin.

'may bago pa ba? edi sana si caiah talaga inutusan niyo di yung nagsayang pako ng lakas sa mga magnanakaw na yon'

Inis na sabe ko sa isipan ko, kahit pa gusto kong sabihin yon kay sir val ay hindi maari dahil ang isang to ay walang pakundangan, kapag pabalang kang sumagot sakanya ay para kana ring pumirma sa iyong kamatayan

"Dad, ginawa naman ni cana yung kaya niya at nabawe naman niya yung trea's crest" singit sa usapan ni caiah

Great, nagsimula nanaman siya pampapalakas niya kay sir val

Nakakapagtaka bang dad ang tawag niya kay sir val at ako ay sir val lang kahit pa tatay ko siya? haha, favorite niya si caiah dahil ang sabe niya nga isa lang ako malaking disappointment sa fuentes familia

Tumayo nako sa pagkakaupo ko at saka nagbow kay Sir Val "Pupunta na po ako sa kwarto" pagkasabe ko nun ay agad na akong tumungo sa kwarto ko at mabilis na nahiga.

End of flashback

Tumayo nako sa pagkakahiga ko at sinimulan ang aking morning rituals, ngayon ang first day ko sa Raelous Academy

Kakalipat ko lang sa academy na iyon isang prestigious na school kung saan mga mafia at gangster lang ang maaring makapasok hindi nako magugulat kung patayan at suntukan ang bubungad sakin sa pagpasok ko don,

Pagtapos ko maligo ay sinuot ko ang uniporme ng Raelous Academy, Long sleeve na white at pinatungan ng dark blue na coat kung saan sa gilid nito ay may symbol ng academy nakahighlight ito ng gold na tantya ko ay maaring may ibigsabihin, sa pang ibaba naman ay kulay black na maikling skirt above the knee lang may mga linya itong silver na parang bang kumikislap pag tinatamaan ng araw.

Bumaba na ko at dumeretso palabas ng mansion, hindi nako kumain ng breakfast dahil ayokong makasabay ang mabait at magaling kong kapatid ayokong makipag plastikan sakanya

Sumakay naman agad ako sa dark blue sports car ko saka iyon pinaandar papunta sa academy,

Ilang oras lang ang byinahe ko at natanaw ko den ang malaking gate ng academia, sa silver na gate na ito sa pinaka itaas nito ay nakaukit ang Raelous Academy,

Itinigil ko muna ang sasakyan ko sa harap ng gate dahil may inspection ang dalawang knight na bantay sa labas pinakita ko naman dito ang Raelous pass ko upang mapatunayan na studyante ako sa academyang ito, agad naman ko namang pinaandar ang kotse ko papasok ng makumpirma ng mga knight ang pass ko

Sa iyong pagpasok ay bubungad ang isang malaking fountain na napapalibutan ng magagandang bulaklak na satingin ko ay ang spot na yun ay ang garden ng school may mga nakita pakong bench na maaring pagtambayan ng mga studyante,

Ipinark ko na ang kotse ko ng makarating ako sa parking lot na malapit lang sa garden, agad naman akong bumaba at binuhat ang pakalaki laking bag saka naglakad sa hallway

Halos lahat ng studyante ay nakatingin saakin na para bang inaalam nila na kung bago lang ba ako, i just wore my poker face while im walking papunta sa principal office dahil kukuwain ko ang sched ko pati na rin dorm card ko

pagkarating ko dito ay bumungad saakin ang isang ginang na sa tantya ko ay nasa mid 30's lang nakangiting ito saakin at deretsong nakatingin saakin ang bughaw nitong mata diko mapagkakailang maganda ito,

"Welcome to Raelous Academy, Cana Fuentes the second daughter of Sir Val Fuentes the MAFIA BOSS" nakangiting sabe nito at agad naman akong nairita sa pagkakabanggit ng tatay ko, talaga nga namang ni emphasize niya pa "Mafia boss"

napairap na lang ako dito at nilahad ko ang kamay ko, nagtaka naman itong napatingin sa kamay ko

"yung sched ko at dorm pass" walang galang na sabe ko agad den naman itong ngumiti at ibinigay sakin ang sched at dorm pass ko

papalabas na sana ako ng pinto ng office ng marinig ko ang bulong nito "anak ka nga ni sir val"

Hindi ko na ito pinansin at dumeretsong papunta sa girls dormitory na tinatawag nilang 'Rye Dormitory'

Sa pagpasok ko sa girls building mahahalata mong napaka sosyal at planadong planado ang mga disenyo dito mula sa marble na sahig at kulay crema nadingding may roong napakaling glass window kung saan ang kalahati nito ay natatakpan ng higanteng gray curtains, sa kisame naman ay matatagpuan ang isang malaking chandelier, nagsimula akong umakyat sa dalawang hagdan magkadugtong ito kaliwat kanan

Pagaakyat ko ay puro kwarto na ito, agad ko den naman hinanap ang dorm number ko '301' pagkatapat ko dito ay inislide ko sa ang dorm pass ko sa dorm slide na nakalagay sa pintuan mismo, kusa itong bumukas at bumungad sakin ang malaking espasyo ng kwartong ito sa dalawang gilid nito ay may dalawang king size bed at sa pinakadulo naman malapit sa bintana ay isabg mini kitchen, tumingin naman ako sa kanan ko ay may dalawang pintuan pa na satingin ko ay cr at ang isa ay walk in closet ganun den ang sa kaliwang gawi ko.

Dumeretso ako sa kaliwang side at nilapag ang mga gamit ko, agad ko naman napansin ang isang babaeng ngiting ngiti sakin, lumapit ito sakin saka naglahad ng kamay

"you must be Cana Fuentes, right?" ngiting sabe nito tumango ako saka inabot ang kamay niyang nakalahad sakin

" nice to meet you, im Shey Dela Cruz" ngiting sabe nito, napakaganda ng isang to bumagay sakanya ang ash gray wavy hair niya at nakasuot na den to ng uniform ngunit iba ang highlight ng logo nito silver ang ito kaya naman di ko naiwasang tanungin siya,

"meron bang ibigsabihin ang logo na nasagilid ng coat natin?"tanong ko dito napatingin naman siya sa logo ko, nag flash naman agad sa mukha nito ang pagkamangha

"ang highlight na nasa logo natin ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng studyante, may tatlong highlight ang meron sa school ang white na highlight ay ibig sabihin ay 'Yna Class' doon nabibilang ang mga white gangster kung saan nandito ang mga matatalino, hacker at mga data analyzer sumunod naman dito ang silver highlight na kinabibilangan ko 'Faia Class' kung tawagin, dito naman ang mga Gray gangster nabibilang dito ang mga Dagger, katana, knuckles user yung mga taong magaling sa malapitang labanan while ang gold highlight naman na nakalagay sa logo mo ay ang pinaka magaling na class 'Drey Class' kung tawagin bibihira ang mga nakakapasok dito at bilang lang ang studyante na kabilang dito, tinatawag ang silang Dark Gangster dito kasali ang mga studyanteng magaling sa long shooting rage or kahit sa malapitang labanan, ang mga studyante dito ay hinahangaan ang mga nasa Drey class dahil nga magagaling ang mga ito pero karamihan dito masasama ugali lalo na yung '3 Mafia Prince' pero saka ko na sasabihin sayo yung pagkakakilanlan nila dahil pupunta muna tayo sa cafeteria" ngiti pa den nito saka ako hinila palabas ng kwarto

Wala naman akong balak na kilalanin yung '3 mafia prince' ba yon? aba ewan ang naiisip ko lang ngayon parang magiging exciting ang pagpasok ko sa school na to.


To be continued..


Snow White Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon