[Enemy spotted]
Pagpasok namin sa cafeteria ni shey bumungad samin ang napaka daming tao, kung ilalarawan ko ito sa isang salita ay magulo lang ang masasabe ko
may tatlong mahahabang lamesa na sa tingin ko ay nag didivide sa tatlong class ang nasa kanan ay ang Yna class ang nasa kabilang gilid naman na nasa kaliwa ay ang Faia class at ang nasa bandang gitna naman ang Drey Class
"dumeretso kana sa lamesa ng drey class, bawal kase magsama sa iisang lamesa ang magkaiba ng class kaya di na kita masasamahan ayos lang ba yon?" paliwanag ni shey sakin tumango naman ako saka siya pumunta sa faia class na kinabibilangan niya, ako naman ay umorder na ng kakainin ko,
Umorder lang ako ng rice meal, isang chocolate cake at coke pagtapos ko umorder dumeretso naman ako sa lamesa ng drey class, tama nga ang sinabe ni shey na bilang lang ang studyante sa drey class
Ang drey class ang pinaka magulo dahil nagbabatuhan sila ng pagkain, yung iba naman naglalandian at yung ibang grupo nagsasapakan. Dumeretso naman ako dulong part ng lamesa at sinimulan kumain
Wala akong balak makipagkaibigan sa kahit na sino dito sa class na to, wala den ako sa mood dahil pagod ako sa haba ng byinahe ko papunta dito,
Ang maingay na cafeteria ay natahimik ng biglang pumasok na tatlong lalaki na akala mo presidente at ganun na lang galangin ng mga studyante dito dahil halos lahat sila ay nakatayo at nakabow sa tatlong lalake, ako lang ang hindi naka bow kaya napatingin lahat sakin ng studyante napataas naman ang isang kilay ko,
Agad naman nalipat ang paningin ng dalawang lalake saakin yung nangunguna maglakad ang isa naman nilang kasama ay nakatingin sa kawalan,
Lumapit naman sakin ang dalawang lalake, blonde na buhok ay ngiting ngiti saakin at isa namang blue ang buhok ay parang nag aalalang nakatingin saakin,
"Hi miss, sa tingin ko ay bago ka pa lang dito anyway im Jeo Salvador and you are?" nakangiting sabe nito saka abot ng kamay sakin tinignan ko lang ito at walang balak na abutin
tinaasan ko lang ng kilay yung nagpakilalang jeo at mukhang naramdaman niya naman na wala akong balak abutin ang kamay niya kaya naman unti unti nitong ibinababa ang kamay
'hala grabe naman tong transferee na to inabot yung kamay ni jeo'
'pupusta nako na di siya titigilan ng 3 mafia prince'
'di yan tatagal baka bukas umalis yan agad dito hahaha'
rinig kong bulungan ng mga studyante pero di ako nagpatinag at sinamaan ko pa ng tingin yung dalawang lalaki na lumapit sakin,
Nagulat ako ng may nag tapon saakin ng juice mismo sa mukha ko, inis kong tinignan ito tatlong babae ang nasa gilid ko,
'ang ayaw ko pa naman ay ginugulo ako sa oras ng pagkain ko'
"ang kapal naman ng mukha mong bastusin si jeo na isa sa 3 mafia prince" inis pang sabe nung babaeng nagtapon sakin ng juice
"Ano bang pake ko kung isa siya sa korning prinsipe na tinatawag niyo?" inis na sabe ko dahil naglalagkit na ang pakiramdam ko dahil sa pagtapon sakin ng juice
Madame ang nagulat sa sinabe ko ang iba naman ay iiling iling na lang,
"Alam mo bang ikakamatay mo ang sinabe mo?" sabe ng isang babaeng kasama nung nagtapon sakin ng juice
"alam mo den bang si kamatayan ang kausap mo?" pabalang na sagot ko dito
"You bitch!" akma itong sasampalin ako ng mahawakan ko ang braso nito saka ko hinigpitan ang hawak
Halata dito ang sakit na nararamdaman, sumugod naman yung isang kasama niya kaya naman agad kong sinipa yung babaeng hawak ko sa braso papunta don sa pasugod na babae kaya naman parehas silang natumba,
"matibay kang babae ka ah?!" sigaw ng babaeng nagtapon ng juice may hawak na itong kutsilyo na isasaksak saakin agad ko namang nahawakan ang kamay niyang may hawak na kutsilyo saka ko kinuwa yung in can na coke at inihampas sa mukha niya dahilan matumba siya,
"hindi mahaba ang pasensiya ko sa mga taong katulad niyo at di ko kailanman gagalangin ang kahit sino man sa mga tao dito" inis na sabe ko sa tatlong babae saka sinamaan ng tingin yung myembro ng 3 mafia prince
Papalabas na sana ako ng cafeteria ng may humawak ng mahigpit sa braso ko kaya naman inis na nilingon ko ang may hawak sakin na akma kong sasapakin pero nahuli niya ang kamay ko hawak ng kaninang lalake ang kamay ko ngayon,
Ito ata ang lider ng mga korning prinsipe,
"masyado ka atang matapang missy" malamig na sabe nung lalakeng may hawak sakin
Sapilitan kong inagaw ang kamay ko sakanya at nabawi ko naman ito nakakalokong ngiti ang pinakawalan ko napatingin lalo siya sakin pero wala pa den ekspresyon ang makikita mo sa mukha nito,
"bakit natakot ka ba?" asar na sabe ko dito
Hindi agad ako nakabawe ng bigla niya uling kinuwa ang braso ko saka ipinaikot sa likod ko, ngayon ay nasa likod ko siya habang hawak ang braso ko ramdam kong may dagger na nakatutok sa leeg ko at diko pinahalata na nagulat ako sa mabilis niyang pagkilos
Isang maling galaw ko lang ay pwedeng bumaon ang dagger sa leeg ko na maaring ikamatay ko dahil naamoy ko den ang mismong dagger, amoy chemical isang lason,
Hindi ako gumalaw naramdaman ko naman na inilapit nung lalake ang bibig niya sa tenga ko dahil ramdam ko sa balat ko ang hininga niya,
"ang baguhan na dagang tulad mo ay dapat matakot sa pusa na handang patayin ka, walang kalalalagyan ang katapangan mo kapag itinarak ko sa leeg mo ang dagger na ito" sabe nito sakin inilalapit niya pa lalo sa leeg ko ang dagger
Nahugot na ang hininga ko dahil di ako makakilos, may humawak naman sa kamay nung lalaki upang pigilan ang pag tarak ng dagger sa leeg ko,
Yung lalaking color blue ang buhok "itigil mo na yan cole, baka makarating sa office ang gagawin mo" kalmadong sabi nito
unti unti naman nilayo ng lalakeng tinawag na cole ang dagger na hawak niya at doon lang ako nakahinga ng maluwag,
wala pa den ekspresyon ang lalaking tinawag na cole tumalikod naman agad ito at naglakad papalayo,
Magsasalita na sana yung lalaking blue ang buhok pero nilayasan ko na agad to saka dumeretso nako sa dorm.
'what a nice day, kamuntik muntikang ko pang ikamatay ngayon tsk'
To be continued..
BINABASA MO ANG
Snow White
Подростковая литератураShe has a angelic face that can captivates every man in her town but little did they know that she's hiding a devilish attitude, she is Cana Fuentes a real life Snow White.